Ilang araw kong iniwasan si Ashton dahil sa halik na iyon. He was there,silently watching me during Legacy'a rehearsals. Nakatayo na ako sa tabi ni Caius para kumanta habang siya ay kasama sina Leroy at Rex na nagbabantay sa paligid.


Rome started playing his guitar. Naunang kumanta si Caius at noong ako na dapat ay hindi ako nakapasok. I was so occupied by Ashton surveying the whole place while wearing his shades. Darn it!


Naalala ko na naman iyong pakiramdam ng labi niya sa labi ko. I shivered when I remembered the way he devoured my lips. Shiz. This is crazy.


"Se? Papasok ka sa pangalawang verse." paalala ni Matthew. Tumango lamang ako at inayos muli ang mic stand.


"Ayos ka lang Serise?" tanong ni Noah sa akin. Nagtaas ako ng kilay bago tumango.


"Yeah. From the top ulit." sabi ko. Nagfocus na lamang ako sa lyrics na nasa harap ko para hindi ko na makita pa si bansot.


'It started with "What's up with you?"
I messed around and got caught up with you
Yeah, yeah, I don't know what to do
I've got these feelings like it's nothing new
Now I can't get enough of you'



Nagsimula na akong kumanta. Napangisi si Noah at mas pinagbuti niya iyong pagtugtog at ginanahan naman ako. I bit my lip and started singing my heart out during the chorus. Habang kumakanta ako ay napagawi ang tingin ko kay bansot na nakatitig na sa akin na malawak ang ngiti.



'And when I think about the way you touch my body
I don't know how long I can wait
And when I think about the way you touch my body
This could be my greatest mistake
You've got me singing'



Nagsecond voice si Noah sa akin at lalo akong napangiti. Napahawak pa ako sa dibdib ko lalo na noong maramdaman ko iyo g excitement dahil sa magana niyang pagsabay. Nilingon ko pa siya sa aking likuran at sinuklian niya ako ng ngiti.


Natapos iyong rehearsals namin at inabutan ako ni Rome ng tubig. Ngumisi siya sa akin at inayos ang kanyang buhok habang nakatitig sa aking mukha.


"Masaya yata tayo ngayon Teddy Bear?" biro niya. Napanguso lamang ako at binigay sa kanya iyong tubig para buksan niya. Effortless niyang inikot iyong takip bago ibinigay sa akin iyon.


"Shut up Rome." sagot ko na lamang at uminom. Kasalukuyan akong umiinom noong maramdaman ko ang pagtabi ni Noah sa akin. Umiinom din siya ng tubig habang nagpupunas ng pawis.


Ibinaba ko ang aking tubig at hinintay na magsalita siya. He cleared his throat before putting his own bottle down.


"Galit ka pa ba?" maingat niyang tanong. Galit pa nga ba ako? Kinapa ko ang dibdib ko para makahanap ng sagot.


"Not anymore." sagot ko naman. His answering smile was blinding. Para bang nabunutan siya ng tinik sa sagot ko. God. His wavy hair, his brown eyes, his chiseled jaw all added to his perfection. Damn.


'Oops, my baby, you woke up in my bed
Oops, we broke up, we're better off as friends
Now I accidentally need you, I don't know what to do
Oops, baby, I love you'



"Even if you won't believe me, pupuntahan pa rin naman kita kagabi without Illea telling me so. You are really important to me Serise. You're my friend." anas niya sabay akbay sa akin. Binigyan ko siya ng panis na ngiti bago pasimpleng lumayo sa kanya.


Matagal walang nagsasalita sa amin noong tumikhim si Noah. "Yung guard mo.." panimula niya. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko bago siya tiningnan.


"Bakit? Anong meron sa bansot na yun?" mataray kong sabi. Ngumuso si Noah habang nakatingin kay Ashton.


"Wala. Nakakabanas lang. Ang sama ng tingin sa akin." reklamo ni Noah. Tiningnan ko si Ash na bumaling sa kabilang direksyon bago tinawag si Leroy.


Tumayo na ako at lumapit sa mga guards ko. Nakanguso si Ashton habang inaayos ang kanyang shades.


"Tapos na kayong mag usap ng Noah mo?" iritado niyang sabi. Tumaas naman ang kilay ko sa klase ng tonong ginamit niya.


Huwag na huwag niya akong pagtataasan ng tono ha! Makikita niya! Akala mo! Bakit noong siya iyong kumakausap sa nurse niya ay di ko siya pinagtaasan ng boses! Bwisit!


"Huwag mo akong sinisigawan Santillan!" mataas na rin ang boses ko ng sumagot ako. Inalis niya iyong shades niya bago ginulo ang kanyang buhok.


"Ang labo mong kausap. Wala naman akong ginagawa sayo tapos ay bigla ka na lang maninigaw! Aba baka nakakalimutan mong boss mo pa rin ako---"


Bigla siyang humarap sa akin at humakbang palapit. Napaatras naman ako dito pero agad niyang hinigit ang beywang ko. Rumehistro sa mukha niya iyong mapang asarna ngisi bago ako tinitigan.


"Baka nakakalimutan mo na rin Ma'am," aniya, binigyang diin ang salitang Ma'am. Kumabog ang dibdib ko sa klase ng ngisi na mayroon siya. Para bang may binabalak siyang pilyo at masama.


Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago lumunok. Kumunot muli ang noo niya habang nakatitig sa akin.


"Tang ina mas gwapo ako doon." bulong niya bago ako binitawan. Naiwan naman aoong nakanganga lang at hindi agad makuha kung ano bang pinaglalaban niya.


Ang gulo mo kausap Santillan.

-------------------------------
Song Used:

Little Mix ft. Charlie Puth - Oops!

First Kiss - LEGACY 5 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now