2. First Day Trouble

Start from the beginning
                                    

"Eh mas tanga ka. Ang daming lamesa diyan itong lamesa pa talaga ang trip mo eh kitang may naka-upo na." Sigaw ko sakanya.

"Hoy para sabihin ko sa-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinapak ko na siya. Napatumba siya kaya agad naman siyang tinukungan ng mga kaibigan niya.

Napasinghap naman ang mga estudyante dito sa canteen. Nang makatayo siya ay sinamaan niya ako ng tingin. Pinandilatan ko siya at binitbit nalang ang mga inorder ko. Burger at Juice lang naman to eh. Kinuha ko ang spray paint ko at pinrinta ang pangalan ko sa lamesa.

"Itatak mo sa utak mo, na akin na ang lamesang toh" dagdag sabi ko.

Maglalakad na sana ako pabalik sa classroom para magpahinga kaso nakita ko yung lalaki at ang mga kaibigan niya sa isang kulay grey na classroom. Siguro tambayan niya, kumagat naman ako sa burger ko. Hmm perfect place for a bad ass like me.

"Mukhang may masisira ka ngayon, baby" saad ko at tinapik ang bag ko.

Inakyat ko ang isang puno na malapit sa hide-out nila. Tinapos ko na rin ang kinakain ko pero kalahating oras na ako dito at nangangalay na ang paa ko bat ba ang tagal mag-bell.

Kriiiiinnggg

Yun oh. Nakita ko naman silang napadaan dito sa puno kaya di ako gumawa ng ingay para di nila mapansin. Nang mawala na sila ng tuluyan ay bumaba na ako at pumunta sa tambayan nila. Kinuha ko ang pin sa buhok ko at ginamit yun bilang susi sa lock. Nang marinig ko ang pag-unlock nito ay una ko nakita ang cctv kaya kinuha ko ang baseball bat sa bag ko.

"I miss you babe" tawa ko bago ko to niyakap at agad na sinira ang cctv.

Girls Scout ata toh. Pinalo ko ang cctv gamit ang baseball bat hanggang magkahiwalay lahat ng parte nito. Aww it's good to be back. How I miss this, yung manira ng gamit.

Sinipa ko ang mga sofa kaya bumaliktad ito kumuha ako ng kutsilyo sa mini kitchin nila a tinusok ang mga sofa it pinunit ang tela nito. Sunod namang nahagip ng mata ko ang steel chairs nila dito at ang mesa na gawa sa salamin. Pinalo ko ito ng pinalo kaya halos di na makilala itsura nung steel chairs. Sunod ko naman sinira ay yung TV awww sayang flat screen pa naman.

Panalo ko ito hanggang sa mahulog ito sa kinalalagyan nito. Kahit sira na ay pinalo ko parin ito. And last ang salamin, binasag ko lahat at kinuha ko ang dala kong dalawang maliliit na paint sa bag kaya nilabas ko ito at ikinalat sa sahig at yung isa naman ay sa dingding. I painted my name on the wall. Lumabas na ako ng tambayan nila at dumeritso na ng classroom.

"You're late again Ms. Colt" Sita akin ng Prof.

"Alam ko may relo ako kaya wag mo akong gawing tanga katulad ng isa diyan." Inismidan ko ang prof. at pumunta na sa upuan ko. Yung gago ang talim na naman ng tingin.Yung nakakamatay lang ang tingin siguro nasa 40 days ko na ngayon.

Andito ako ngayon sa school ground at pinagmamasdan ang grupo nila na papunta sa tambayan nila. Gusto ko makita ang expression sa mga mukha nila. Bakas sa mukha nila ang pagtataka dahil siguro sa bukas na ang pinto.

Tinignan ko ang ekspresyon nang gago at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at ng tumingin siya sa pader parang umiba ang ekspresyon niya, napalitan iyon ng galit. Tumakbo siya palabas ng tambayan nila at alam kong ako ang pakay niya pero nagpatay malisya lang ako.

"You Bitch!" Hinawakan niya ako at pwersahang itinayo sa pagkaka-upo. Tumayo narin ako ng tuwid at medyo inaangat ang sarili ko dahil nasasakal ako

"What the?! Jerk. Ano bang problema mo sakin ha?!" Pagkukunwari ko at hinawakan ang kamay niyang nasa damit ko. Makukunot yung damit ko!

"Wag kanang magmaang-maangan alam kung ikaw ay mag gawa nun" galit niyang sabi. "So what?" Nginisihan ko lang siya. Dumating naman agad ang mga kaibigan niya.

"You're really wants trouble? Then i'll give you one." Nakangisi niyang sabi. Sinugod niya ako ng suntok. Mabuti nalang at tinuruan ako ni dad ng self defense kaya kahit papaano ay kaya kong makipaglaban.

Ilag lang ako ng ilag. Tutulungan sana siya ng mga kaibigan niya but he refuse. Ilag lang ng ilag ang ginagawa o hanggang mapagod siya. Tsk .

"Ngayon ako naman" Sinuntok ko siya sa tiyan kaya napayuko siya. Sinipa ko ang mukha niya dahilan para matumba siya. Sisipain ko pa sana siya ng inawat ako ng mga kaibigan niya.

"Ano ba bitawan niyo nga ako!" Ibinagsak naman nila ako. Eow great! Thanks guys! My butt was thankful dahil nakanakaw siya ng halik sa damohan!

"Ano bang gusto mo at sinira mo mga gamit namin sa tambayan ha?!" Sabi nung singkit. "Have fun?" Nang-aasar kong sabi. "Eh baliw ka pala eh!" Susuntukin na sana ako nung isa ng may biglang sumigaw.

"What's with all of this commotion?!" May isang matandang babae ang sumigaw.

"All of you office now!" Sigaw niya at tumalikod na. Sinamaan ako ng tingin ng singkit na yuna at tinulungang tumayo ang kaibigan niya.

First day trouble? Nice

- - -

NOTE: EDITED [✔]
Facebook: Ally

Steel Academy : School of CruEntsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now