03

1 2 0
                                    

The Strangers

Yeari's POV

Punyetang buhay na ito. Bakit pa nawala si Mama

"Miss andami niyo na pong nainom" sabi nung bartender

Walangyang bartender na yan

"Wala kang pakialam! Isa pa ngang shot!" Sabi ko sabay taas ng baso ko at inalog-alog

Kinuha ng bartender ang baso ko at nilagyan ng Vodka

Shit talaga na buhay ito. Tangina talaga

Hahaha. Tangina talaga. Bakit kailangan pang mawala ni Mama. Tanginang Charlotte na yan

Bwiset na Charlotte. Kapag nagkita ulit tayo baka mapatay na kita

Kapal ng mukha niya. Kasing kapal ng dictionary ang shit

Ano kayang gagawin ko kay Charlotte kapag nagkita kami?

Napa-ngiti ako sa mga iniisip ko

"Nakakabaliw na pala ang alak noh?" Natatawang sabi nitong katabi kong lalaki

Napatingin ako sa kanya at infairness gwapo siya. Mag dimples at clean cut ang buhok. May lahi ata siyang russian

"Ano kayang ginagawa ng isang babaeng parang anghel dito sa bar at umiinom na parang nababaliw na?" Natatawa niyang tanong

Kanina pa ito tawa ng tawa ah. Di kaya takas ito sa mental?

"Mukha ba akong clown?" Tanong ko sa kanya

"Hindi naman, bakit?" Natatawa pa rin niyang tanong

Langya naman. Baliw ba ito?

"Tawa ka kasi ng tawa! Seryoso may sinasabi ba akong joke?" Nang sinabi ko yun lalo lang siyang natawa

May sapak ata itong lalaking ito eh

"Hahaha! Don't mind me! I'm just broken! Hahaha" Malungkot na tawa niya

Kaya pala nabaliw, broken

"Ha? Bakit?" Sinabi ko atsaka nilagok yung Vodka

"Haha! Ako ang may kasalanan! Mas pinili ko yung ex ko kasi akala ko mahal ko pa siya! Hahaha, two years na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakaka-move at ngayon nakikita ko siya na may kasamang iba, may mahal na iba! Ang sakit nun pero tama na rin sa akin yun! Ako yung nang-iwan eh, kaya deserve ko ang masaktan" natatawa niyang kwento pero halatang malungkot siya

"Nagmakaawa ba siya dati sa iyo na bumalik ka?" Tanong ko sa kanya at sinenyasan yung bartender na bigyan kami ng isang bote ng Jack Daniels

"Oo! Nagmakaawa siya sa akin! Nakita ko kung paano siya lumuhod sa harapan ko at sa ex ko para magmakaawa na bumalik ako sa kanya. At ang dead end! Niloko ako ng Ex ko. Nung niloko ako ng ex ko hindi man lang ako nakaramdam ng sakit pero nung nakita kong may kasama siyang iba, sobrang sakit! Para akong mamamatay sa sakit" sinabi niya atsaka lumagok ng maraming Jack Daniels

Napa-iling ako sa kanya

"Tanga ka kasi"

Natawa siya "Grabe! Na-tanga mo na agad ako. Pero siguro tanga nga ako"

"Ngayon mo lang napansin!"

Tumawa siya ng malakas at "Hindi mo nga ako kilala, miss"

"Sige! Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya

"Heirt Daveon" pakilala niya sa sarili niya

The Angel Between The Evil And The Devil Where stories live. Discover now