Yeari's Bestfriends
Yeari's POV
"Shhhh! Baka magising si Yeari eh!" Dinig kong bulong
Nagising na lang ako dahil sa mga bulong nila. Naabutan kong nagtatalo si Assiah at Harmony ang dalawa kong kaibigan
"Hala! Si Yeari nagising!" Tili ni Assiah nung nakita niya akong umupo sa hospital bed
Binatukan naman siya ni Harmony at "Of course! Mabubuhay yan! Grabe ka naman kay Yeari"
"Araaaw naman! Tsakeet naman nun" daing ni Assiah at agad na silang lumapit sa akin
"Okay ka lang? Yeari?" - Assiah
"May masakit ba sa iyo?" -Harmony
"Nagugutom ka ba?"-Assiah
"Gusto mo tumawag kami ng doctor?"-Harmony
"May apple dito" -Assiah
"Gamot gusto mo?" -Harmony
"May orange din dito" -Assiah
At marami pa silang sinabi na kung ano ano pa na hindi ko na maintindihan
"Shut up! Paano ba ako napunta dito?" Natigilan sila dahil sa tanong ko
Nagkatingin silang dalawa na parang sinabi nila sa isa't-isa na "ikaw na". Napatingin sila sa akin kaya nagtaas ako ng isang kilay
"Ahh Ehh... Magpahinga ka muna Yeari! I'm sure pagod na pagod ka" kinakabahang sabi ni Harmony
Nag-iwas naman ng tingin si Assiah kaya alam ko na may mali
"Hindi niyo ba sasabihin sa akin" sigaw ko sa kanila
"Pagod ka pa" nakaiwas na tingin sa akin si Harmony
"Ano ba kasing nangyari? Paano ako nakapunta dito? Ano?" Naiinis kong sigaw sa kanila
Napatingin silang dalawa sa akin at napasinghap
"Okay, relax! May tumawag sa amin na unknown number at sinabi niyang may nangyaring masama sa iyo. Kaya pumunta kami dito at tama nga siya, nandito ka" kuwento ni Assiah
"And?"
"Sabi niya. Bibigyan ka niya ng panahon kasama ang pamilya mo bago kita kunin. Basta parang ganyan. 24 hours lang! Eh di ba one day yun? Naku! Huwag ka na lang maniwala! Nantritrip lang yun! Kaya magpahinga ka na" mahabang kwento sa akin ni Assiah
Napatingin ako sa kamay kong may dextrose at saka tinanggal
"Hoy babae! Ano bang pumasok sa kokote mo at tinatanggal mo yan" tumakbo na papalapit si Assiah at Harmony sa akin para awatin
"Problema mo ba?"
Nagwawala na ako dito at sumisigaw
Si mama. Nasan si Mama?
"Asan si Mama?" Sigaw ko habang tinatabig yung mga kamay nila
"Nasa ICU, Kaya tumigil ka na!" Natatarantang sabi ni Harmony
Napatingin ako kanya
"Bakit siya nasa ICU?" Seryoso kong tanong
Nag-iwas ng tingin si Harmony kaya kay Assiah ako tumingin
"Wala pang sinasabi yung doctor" pagkasabi niya nun ay kaagad siyang nag-iwas ng tingin
Liar
YOU ARE READING
The Angel Between The Evil And The Devil
RomanceTHE ANGEL BETWEEN THE EVIL AND THE DEVIL.. By: Yhanie_Riego Kapag Chapter 10 na!! May book cover na itech! Sorry kapag mabagal ang update! I'm just busy