Chapter 13

7 0 0
                                    

          ELEANOR VALYRIA COLE

Pabilis ng pablis ang mga yapak na aking naririnig, alam kong kahit malayo pa sila sa kinaroroonan namin ngayon, ay ilang sandali lang makakarating narin sila dito.

"Ex spiritum in Tacullum, En Terrum Incendium Phasmatos Salves A Distum" Inulit pa ni Wanda ang kanyang encantation, ang kaninang pina pagalaw niyang apoy, ay unti unting tinutupok ang mga Vervain na nakatanim dito.

Mabilis na kumalat ang apoy, tila ba gutom ito sa pagkain sa bilis ng pagka sunog ng mga halaman, unti unti ay lumikha ng liwanag ang mga natutupok na Vervain, at makapal na usok ang ngayon ay bumabalot sa lugar.

Lalong bumilis ang mga yapak— nagmamadali at alerto sa paghangos, nanatili paring nakatayo si Wanda, oh shit! Bigla nalamang siyang napaupo, I think she used too much magic for today.

"Elly umalis kana, ako na ang bahalang magbuhat kay Wanda pabalik sa Manor." Agad kong sinunod ang sinabi ni momma, gamit ang aking super speed na kakayanan ay binagtas ko ang madilim na kagubatan.

Takbo lang ako ng takbo, I'm sure the hunters will be in rage just imagining that they're precious plants is now burned to ashes, sa aking patuloy na pagtakbo ay may bigla na lamang isang palaso ang mutikan nang tumama sa akin.

Mabilis akong nakailag sa palaso at tumama ito ngayon sa isang puno, ngunit dahil sa bilis ng aking pagtakbo at biglaang pag iwas ay nadapa ako at gumulong pababa sa lupa, I never thought na elevated na pala itong part na ito ng gubat.

Halaman, bato, ugat at iba iba pa ang tuma tama sa aking katawan, nang bumagal ang aking pag gulong ay agad akong kumapit sa isang malaking ugat gamit ang aking kaliwang kamay, para pigilan ang pwersa ng aking pag ka hulog.

Hindi ko akalain na may hunter pa na kaya akong patamaan kahit na ganoon ako kabilis, ahh shit malala ang naging sugat ko sa aking kanang braso, patuloy parin itong dumudugo habang may naka tusok na isang sanga ng puno.

Tiyak akong hindi agad gagaling ang aking sugat, dahil kahoy ang naka sakit sa akin. I have to endure the pain, as of now kailangan ko munang maka alis dito at makauwi sa Manor.

Agad akong nagtago sa isang maliit na yungib na gawa sa mga ugat ng isang puno, I cannot risk na makita ako ng kung sino mang hunter yon, at matamaan ng arrow na for sure ay may Vervain.

Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid, tahimik parin ito but thanks to my extraordinary hearing, naririnig ko ang mga yapak ng hunter.

I'm sure na mag isa lang siya, base sa kanyang mga footsteps— maingat, at daha-dahan. But kung sino mang hunter ito, hindi siya masyadong nag iingat, I can hear even a faint sound from a distance, hinahanap nya ako ngayon.

Kung bakit ba naman kase pinauna pa ako ni momma, di sana hindi ito nangyari ngayon, ugh! Nasugatan na nga ako, hindi pa ako makauwi agad dahil dito sa pesteng hunter na ito.

The movement suddenly stop, WTF! Kitang kita ko ang kanyang leather boots, mula dito sa aking pinag tataguan, and from the look's of it nakatalikod siya sa akin.

Wrong move mate, naging mabilis ang aking kilos, agad akong tumayo at pumunta sa likod ng hunter, inalis ko ang nakatarak na sanga sa aking braso at isinaksak ito ng mabilis sa puso ng hunter.

Bakas sa mata ng hunter ang pagkabigla, habang unti unting lumalabas ang dugo sa kanyang dibdib pati narin sa kanyang mga bibig, to make sure na hindi na siya makakaligtas pa, in just a second I snap his neck.

My first kill, agad kong tiningnan ang namatay na hunter, hindi ko kilala ang lalaking ito, tiningnan ko din ang laman ng kanyang sling bag, and gotcha! Buti nalamang at mayroon siyang dala ng bagay na ito sa kanyang bag.

I immediately get the gauze band, at binendahan ang aking kanang braso, nang matapos ako ay kinuha ko lahat ng maliliit na bato na meron sa bag niya, at isinilid ko ang mga ito sa aking bulsa, I also get pictures? Ano naman kayang kailangan niya sa mga pictures, agad akong napatigil ng makarinig ako ng maraming footsteps na nagmamadali papunta sa direksyon ko.

Kinuha ko na lahat ng pictures na mayroon siya sa kanyang bag, at mabilis na tumakbo paalis sa lugar, kung saan naganap ang aking unang pag patay.

DUMATING ako sa Manor na humahangos at pawis na pawis, agad kong binuksan ang pintuan at dumiretso sa main living room ng mansyon, nadatnan ko don si momma na nag aalalang nakaupo habang binabantayan si Wanda na nakatulog na ata sa pagod.

"What happened to you Elly? Suppose to be dapat nauna ka pa sa aming makarating dito ni Wanda." Sinabi ko agad ang dahilan kung bakit medyo napatagal ang aking pag uwi.

Mabilis aking pina upo ni momma sa leather naming couch, at kumuha ng first aid kit. Ouch ngayon ko lamang nararamdaman ang sakit na dulot ng mga bagay na tumama sa akin kanina, bukod pa sa malalim na sugat na iniwan ng sangay ng puno.

Maybe the adrenaline rush, makes pain in my body numb, pagkatapos ni momma na malinis ang aking mga sugat ay pina taas na niya ako sa aking kwarto para makapag linis ng katawan, siya na daw ang bahala kay Wanda na magdala sa guestroom.

Pumasok ako sa aking kwarto, ah my favorite place, smell of books gives me a feeling of relief and peace though its quite weird.

Dumiretso na ako sa bathroom, I badly need to take a bath and clean my body, ang dami kong putik sa katawan, aside from bruises.

Nang matapos akong makapag linis ay nagbihis na ako agad ng aking pj's and an oversize shirt. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin, hayss ang dami kong sugat sa ibat ibang parte ng aking katawan.

Ngayon ko lang na alala, nakalagay nga pala sa aking bulsa yung mga malilit na bato pati narin yung nga pictures na nakuha ko sa hunter.

Pinuntahan ko ang yung pinag lagyan ko ng aking mga gamit na damit, at hinanap ang pants na gamit ko kanina.

Pagkatapos kong makuha lahat, ay dali dali akong nag punta sa aking study table at inilagay yung aking mga nakuha.

May limang medyo katam tamang laki ng bato akong nakuha, may mga naka ukit sa mga bato na kakaibang letra, nakasukat sila gamit ang ibat ibang kulay—may asul, pula, puti, at dark orange na kulay.

Hindi ko naman alam kung para saan itong mga bato, maybe itanong ko nalang kay Wanda tomorrow baka may alam siya tungkol dito, tiningnan ko naman yung mga pictures na aking nakuha.

Napakadaming pictures, tingin lang ako ng tingin until I see a very familiar photo. Bakit may picture ni Jeremy Michaelson ang hunter? Anong connection niya kay tito Jeremy.

I quickly look the other photos, pero lahat sila hindi ko na kilala, aside from tito Jeremy. Binalikan ko ulit yung pantalon na gamit ko kanina, baka sakaling may makita pa akong ibang pictures, but to my surprise hindi picture ang nahanap ko, kundi isang maliit na I think diary or just simply the hunter's personal notes.


 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon