Chapter 9

18 1 0
                                    

          WANDA SCARLET WAYNE

Kanina ko pa nahahalata si Elly, parang may kakaiba kasi sa kanya this past few days, lagi syang excited umuwi at hindi na sya nakikipag hang out samin ni Rebecca, tulad ngayon tapos na ang practice namin  para sa nalalapit naming graduation sa monday nextweek at nagmamadali nanaman syang umuwi,

" Elly sama ka samin ni Wanda sa bagong bukas na Ice Cream parlor malapit lang naman dyan sa may plaza? Alam kong favorite mo ang ice cream, at isa pa I heard na masarap daw yung cookie dough flavor ice cream nila diba favorite mo yon "

" Uhmm may gagawin pa kasi kami ni momma eh, sorry girls next time nalang " see two days na syang ganan, nagsimula yon nung start na ng practice namin for graduation, pag aayain namin syang kumain or manood ng sine, laging excuse nya na may gagawin pa daw sila ni tita Jenna.

Nagkatinginan nalang kami ni Rebecca habang pinagmamasdan si Elly na umalis,

" Mukhang tayo na namang dalawa Rebecca ang magkasama "

" Yeah right, ano kayang problema nyang si Elly pwede naman nyang sabihin sa atin dahil bestfriends nya tayo, nakakatampo na yung mga kinikilos niya "

May point naman si Rebecca, bestfriends nga naman nya kami, pero hindi pa naman namin alam kung ano nga bang pinagdadaanan ni Elly kaya mas okay kung wag muna namin syang husgahan.

" Intindihin nalang natin, baga importante yung inaasikaso nya at personal matters na ayaw nyang ipaalam sa iba "

" Siguro nga, sige dyan kana Wanda next time nalang tayo lumabas at mag hang out pag kumpleto na tayong tatlo, good bye na see you next day "

" Uhmm okay, andyan na din naman yung sundo ko see you next day ingat ka "

Inintay ko munang makasakay ng kotse nya si Rebecca bago ako pumunta sa sundo ko, lagi nalang akong may taga sundo pamula elementary ako pero okay lang naman saakin kahit medyo may limit yung pag gala ko kasama sina Elly at Rebecca, kasi ka close ko naman si butler Alfred, matagal na syang naninilbihan sa aming pamilya at isa din syang Warlock mula sa Lunar Coven, kahit matanda na sya at isang butler kasali sya sa limang council members at loyal servant ng pamilya Wayne.

" Young lady, kaylangan na po nating umalis dahil nag patawag nanaman ng Coven meeting ang lolo mo, papunta nadin doon ang parent's mo young lady "

" Oh Alfred skip the formalities, diba po sabi ko sainyo Wanda nalang tutal ang tagal na po namin kayong butler and parang second father ko na din po kayo "

" Diba din po Lady Wanda, na gusto kong tawagin kayo ng Lady dahil I'm a loyal servant of house Wayne at mas magandang pakinggan sa isang magandang dalagang katulad nyo "

" Nambola pa po kayo hahaha, pero salamat po dahil your family is our most trusted ally sa buong Coven and also for serving our family with loyalty "

Pagkatapos ng pag uusap namin ni butler Alfred, naging tahimik na muli yung kotse, nakinig na lang ako ng music para kahit papaano ay malibang ako.

Habang papunta kami sa mansyon ni lolo ay napadaan kami sa Cole Manor, bigla ko nalang naalala yung mga sinabi ni lolo, Vampire ang buong family nina Elly at nalaman din namin na isa silang Royal Vampires na pinoprotektahan ang mga kauri nila na kayang kontrolin ang pagka uhaw sa dugo laban sa mga Vampire Hunters na nakarating na dito sa Refugebrooke.

Mababait naman palang mga Vampires ang pamilya nina Elly at si tita Jenna ang namamalakad sa mga bampirang nasasakupan ng Cole family, himingi sya ng tulong kay lolo dahil napag alaman namin na isang grupo pala ng mga Reaper Vampires ang mga pumapatay ng basta basta at malaking problema ito ng mga normal Vampires dahil nanganganib ang kanilang buhay kung malalaman ng mga taga Refugebrooke ang tungkol sa mga bampira

Blood LustWhere stories live. Discover now