Chapter 4

26 3 0
                                    

         WANDA SCARLET WAYNE

Pupunta na naman kami nina mom and dad sa mansion kung saan nag titipon ang mga miyembro ng Lunar Coven, pupunta kami ngayon para pag usapan ang mga insidente ng pag patay ng mga vampires dito sa lugar namin, masyado na silang nagiging agresibo sa pag inom ng dugo ng tao, basta na lang nila iniiwan ang mga biktima nila sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao at kung hindi sila mag iingat maaring malaman ng mga mamayan ang existence ng mga vampire.

Kami ang nag covover up lahat ng mga pagpatay na ginagawa nila these past few days, ewan ko ba kung bakit namin ito ginagawa pero sabi ni lolo hindi daw sila puwedeng ma diskubre dahil malalagay din sa alanganin ang mga Witche's at Warlocks,

Bata palang ako sinasanay na ako nina mom and dad na maging isang malakas na Witch, oo tama kayo isa akong witch, hindi ito alam nina Rebecca at Elly dahil matagal na sikreto ito ng pamilya namin.

Nabibilang kami sa Lunar Coven, ang pamilya namin ang pinaka malakas na witche's and Warlocks sa buong kasaysayan at isa sa mga pure bloodline Witche's and Warlocks, nakatakas ang mga ancestors namin sa Witch trials sa Salem at nanirahan dito sa Pilipinas, lolo ko ang leader ng Lunar Coven at siya rin ang isa sa mga mahigpit na nagsasanay saakin dahil balang araw daw ako ang isa sa magiging leader ng coven.

Lahat ng spells na kaya kong gawin ay naka base sa Buwan kaya every Witch and Warlock ay may kanya kanyang amulet kung saan na ka lagay ang kapangyarihan ng buwan, pwedeng ring, bracelet, earings, necklace at iba pang gamit. Sa amulet ko naka store ang kapangyarihan ng buwan kaya dapat lagi ko itong suot.

" Wanda, malapit na tayo mag handa ka na, tandaan mo wag na wag kang sasabat sa usapan ng council! Maliwanag ba? " 

Lagi nalang ito ang bilin sakin ni mom pero lahat naman ng mga kasali sa Lunar Coven ay may karapatang mag salita ng kanilang opinyon sa council pero lagi na lang niya akong pinipigilan, ang council ng coven ay binubuo ng limang malalakas na Witche's and Warlocks at kasama na doon si lolo.

" Pero mom, lagi nalang po ba akong hindi sasabat sa mga usapin ng council, may karapatan din naman ako pati isa akong Wayne dapat lang na mag bigay ako ng opinyon ko! Kung magiging leader ako ng coven karapatan ko na maki alam sa mga desisyon na gagawin ng council! "

Hindi ko mapigilang sumagot kay mom, lagi na lang lahat ng gagawin ko gusto nila sila ang mag didikta at ang gagawin ko lang ay sumunod, tulad nung may sleep over kaming tatlo nina Rebecca at Elly pinauwi nila ako dahil may meeting ang coven, nagdahilan lang ako na may party pa kaming pupuntahan,

gusto nila ng presence ko sa mga meeting ng coven pero nakatunganga lang naman ako don, bawal mag salita para akong robot na lahat ng iutos ay kaylangang gawin.

" Hindi mo ba naiintindihan ha Wanda! Nagdududa na ang council kung bakit lagi na ting pinagtatakpan ang mga gawain ng mga vampires, they are now  having doubts sa kakayanan ng lolo mo na pamahalaan ang coven, mahalaga ang meeting na ito dahil may importanteng sasabihin ang iyong lolo, kaylangan namin ng cooperation mo please baby, para din ito sa lolo mo "

Huminto ang aming carriage sa harapan ng malaking mansion, ito lang atang pagsakay ng kalesa ang gusto ko pag pumunpunta kami sa meeting ng coven, wala kang makikitang sasakyan dito maliban sa kalesa, lahat ng sasakyan gagamitin ay iiwan sa labas ng mansion malayo kasi itong lugar na pinagtayuan ng Wayne Manor, ancestral house namin ito at dito na rin namamalagi si lolo.

May spell ang palibot ng mansion, kaya hindi dito gumagana ang ano mang uri ng teknolohiya para na din daw makaiwas sa panganib na dala ng mga imbensyon ng tao kaya pati ilaw ng bahay mga kandila ang gamit.

Magarbo ang harapan ng mansion, bubungad agad ang isang malaking fountain na may rebulto ng isang water maiden,napapalibutan din ang fountain ng mga bulaklak ng rosas na puti at pula, meron ding malalaking bintana ng mansion na nagbibigay ng liwanag sa araw.

Pinagbuksan kami ng butler ni lolo at inihatid kami sa may grand library ng mansion kung saan gaganapin ang conference meeting, pagkabukas palamang ng pintuan ng grand library nagtinginan na agad ang mga naandon,  naandon na din ang iba pang miyembro ng coven at ang apat sa limang council members, umupo na kami nina mom sa pwesto namin at inaantay na lamang si lolo na pumasok.

" Good afternoon everyone, sa nakikita ko kumpleto na tayong lahat, nag patawag ako ng meeting na ito dahil may importanteng bagay akong natuklasan nitong mga nakalipas na araw tungol sa mga Vampires at kung bakit natin sila dapat protektahan, alam kong marami na sa inyo ang nagdududa sa kakayanan ko bilang leader ng coven pero sinisigurado ko lamang sa inyo ang kaligtasan natin at ng mga nakakarami"

Makikita sa mga mata ng iba naming kasamahan ang pagtataka, maraming nagbulungan kung ano nga ba talaga ang natuklasan ni lolo. Nanatili lamang ako kalmado at hindi nagpapakita ng ano mang emosyon, sabi kasi ni mom na dapat laging manatili sa isang Wayne ang superiority para igalang ng mga miyembro ng coven.

" Nalaman ko ang lihim ng pamilya Cole, matagal ko nang pinag aaralan ang kasaysayan ng mga bampira at kung saan nga ba talaga sila nagmula at may kinalaman ang mga Cole tungkol sa bagay na ito "

Nagulat ako sa mga salitang binitiwan ni lolo, ano namang kinalaman ng pamilya ni Elly sa mga bampira,  ang alam ko lang mayaman ang pamilya nila at si tita Jenna lang naman at si Elly and Park ang nakatira sa bahay nila dahil namatay na ang mga magulang nilang magkapatid.

" Ano namang kinalaman ng mga Cole sa mga bampira Grand Maester? Isa lamang silang mayamang angkan galing sa ibang bansa wala akong nakikitang koneksyon nila sa mga bampira "

Maraming sang ayon sa sinabi ng isa sa mga council member dahil talaga namang hindi kapani paniwala ang koneksyon ng mga Cole sa mga bampira,

" May koneksyon sila sa mga bampira dahil isa sila sa mga pinakamalakas na pamilya ng mga bampira at isa din sila sa founding families na namamahala sa kaayusan ng mga bampira, ang pamilya Cole ay mula sa Romania at gaya natin dito din sila nakahanap ng lugar kung saan ligtas ang kanilang nasasakupan "

Parang namanhid ang katawan ko, hindi ako makapaniwala na ang pamilya ng besfriend ko ay isa sa mga malalakas na bampira na nabubuhay, may kutob ako na hindi pa alam ni Elly ang lihim ng kanyang pamilya.

Blood LustWhere stories live. Discover now