✧ 21

89 15 89
                                    

Rose's POV:

"HOOOOOYYY MGAA BABAEEE!! MAGSIGISING NA KAYOOO!!"

HARUJUSKO NAMBUBULABOG NA NAMAN SI NINI!

Tumayo ako at kinuha ang twalya ko.

Fact na hindi niyo alam tungkol sa amin: Nakatira kami sa isang bahay.

Oo eh. Eh gusto namin eh, pakielam niyo ba?

Bumaba ako at nakita kong nagluluto si Jisoo eonnie ng almusal namin.

"Mauuna akong maliligo ha! Ambabagal niyong kumilos eh! Babush!" Sabi ko at agad na tumakbo papuntang banyo bago pa tumutol ang mga bruha.

-

Natapos akong maligo at nagbihis na din ako.

Umupo na ako sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.

Except kay Lisa na magigi kumilos. Hay nako, ayon! Nasa banyo pa naliligo.

-

Natapos na kaming kumain at lahat ng matapos na si Lisa--finally-- maligo.

Nakabihis na din siya at kumuha na lang ng tinapay at umalis na kami ng bahay.

-

Saktong pagkapunta namin ng school ay second bell na.

Ibig sabihin ay first subject na namin.

"Rose! Tara na?" Sabi ni Jennie.

"Wait lang sige mauna na kayo." Sabi ko.

Bigla silang tumigil sa paglalakad at tiningnan ako ng mariin.

"Wh-whut?"

Para kasing binabalatan nila ako ng buhay.

"Para kayong mga gago." Sabi ko at umirap.

"Napapansin ko na napapadalas na 'yang pagpapauna mo sa amin ha?" Nakangiting sabi ni Jisoo.

"What the--"

"Oo nga eonnie! Anong meron? Saan ka ba pumupunta?" Tanong ni Lisa.

"N-nagla-locker?" Pagpapalusot ko.

"Tsaka, ikaw--si Rose-- ay hindi pa nale-late sa klase! Bakit ngayon,madalas ka ng late? Anong meron?" Tanong pa ni Jennie.

Tinaas ko yung kamay ko at sumuko na ako.

"Okay fine. I give up. Meron kasing bagong mga lalaki dito sa school diba?" Sabi ko ng namumula.

"Oh, so?" Sabay pa silang tatlo.

"Ang totoo kasi niyan.. Ano eh.."

Tiningnan ko sila dahil kinakabahan ako.

"I've been stalking Jimin." Sabi ko ng bigla at pumikit.

Alam kong si Jisoo ang maaapektuhan dito.

"Ah. 'Yun lang pala." Narinig kong sabi ni Jisoo.

Napadilat ako ng wala sa oras at tiningnan si Jisoo na nakangiti sa akin.

"H-hindi ka galit sa akin?" Nangangamba kong tanong.

"Psh. Hindi. Bakit naman ako magagalit sa iyo?" Natatawa niyang sabi.

"Susuportahan ka namin diyan, eonnie!" Sabi ni Lisa.

"Oo! Support Rose!" Sabi naman ni Jennie.

"GROUP HUG!" sabi naming apat.

Nagyakapan kami at ayon, tapos ang dramahan.

-

Natapos ang fourth subject namin at lunch break na namin.

Sabi ng tatlo ay hahayaan daw muna nila akong mapagisa.

Mga gaga talaga.

Bubuksan ko sana ng locker ko ng may nalaglag na rose sa ulo ko.

Luh? Saan galing ito?

'Di naman ako na-inform na umuulan na pala ng rose sa loob ng school namin?

Tiningnan ko ito at may sulat na nakalagay dito.

Hmm. Three roses.

Hi Rose!

Lagi ka lang ngumiti at 'wag mong hahayaan na may aaligid sa iyo! Akin ka lang. Mwahahaha.

-MM

Ang creepy.

Huhuhu.

Bata pa ako.

Kinuha ko na 'yung mga libro ko for the next subject at pumunta sa library--kung saan laging nakatamay si Jimin.

-

Umupo ako sa usual spot ko na tanaw na tanaw ko kung nasan si Jimin.

Binaba ko ang mga gamit ko at nagkunyarian akong nagbabasa.

Sinuot ko na din ang headphones ko na puro kanta ng BTS ang laman.

________________________________________

Turns out na si Jimin pala ang gusto ni Rose. Awww.

PS: Mahal na mahal ko si Taehyung. Huehue.

-Nagiisang asawa ni Taehyung

-Nagiisang asawa ni Taehyung

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.









first love「compltd」Where stories live. Discover now