✧ 100 (epilouge)

89 15 71
                                    

Last chapter! Huhuhu.

Sad ending 'to, sawreeh awww :(

Rose's POV:

Lumabas ako ng hotel na pinagche-checkinan ko at umupo sa bench na malapit dito.

Tumulo anh luha ko at hindi ko ito napigilan.

Pinagpapalit na ako ni Yoongi..

Wala pa ngang kami, pero ginaganito na niya ako?! Pano pa kaya 'pag kami na?!

Humikbi ako at pinunasan ang luha ko.

Tangina ng Yoongi na 'yan!

May pa-babe-babe pa siyang nalalaman!

Eh may Wendy naman na pala siya!

TANGINA NIYA PAKYU SIYA.

May biglang tumawag sa akin at nakita kong si Jennie pala 'yon.

Sinagot ko ito at huminga ng malalim.

"Oh bakit?"

[Wow. Hello din ha?]

"Bakit ba? Anong kailangan mo?"

[Where ba you?]

"Siraulo."

[Ano ba! Tinatanong ng maayos eh! Tapos mumurahin mo ako! Minura kita ha?]

"Pakyu ano nga kasi 'yon?" Naiinis kong tanong.

[Ay wala. Sige. Nakalimutan ko na. Byeee!!]

"Aba't-- hoy! Puta binabaan ako. Bastos!" Palatak ko.

Maya-maya ay may pumaradang black van sa harap ko at may lumabas na dalawang lalaki.

Bigla nila akong hinawakan sa magkabilang braso ko at tinakpan ang ilong at bibig ko.

Nagpumiglas ako pero nawalan ako ng malay dahil nahilo ako sa amoy ng panyo.

-

Nagising ako dahil sa lamig na naramdaman ko.

Nakahiga pala ako sa sahig na sementado. Tch.

Putangina, nasaan ba ako?

Tumayo lang ako at nagulat ako ng hindi pala ako naka-tali.

May nakita akong lalaking nakatayo pero 'di ko muna siya nilapitan. At dahil madilim dito, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.

"S-sino ka ba, ha?" Tanong ko pero 'di niya ako sinagot.

Aba, famous ata si koya. Snobber eh.

"Kung hihingi ka ng ransom, wala kang makukuha sa akin, dahil mahirap lang kami at wala kaming pera." Lakas-loob kong sabi.

Biglang lumapit ng lalaking naka-talikod sa akin.

Galing 'no? Patalikod maglakad.

Multo ata 'to eh!

Pumikit na lang ako dahil sobrang kinakabahan talaga ako.

Pero biglang bumukas ang ilaw, at nagsiliparan ang mga confetti sa paligid.

Narinig ko din ang mga tili at hikbi ng mga tao dito.

Oo. Mga tao. Dahil ang daming nandito.

Turns out na nasa rooftop pala kami.

Biglang may naglabasan na paru-paro sa paligid at napa-ngiti ako.

Tumingin ako sa ilalim at nakita ko ang hindi ko inaasahan na makikita ko.

Si Yoongi?

"H-hoy.. A-ano ba 'to?!" Sigaw ko sa kaniya.

Naka-luhod lang siya at hawak ang kamay ko.

Hinalikan niya ito at nginitian ako.

Lahat ng tao dito ay taga-school ko.

Nandito sila Jennie, Jisoo eonnie, Lisa, ang BTS, ang Red Velvet at iba pa.

"Akala mo ba pinagpapalit kita ha? Paano kita ipagpapalit ha? Sabihin mo nga sa akin?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Kasi 'di naman ako maganda.." Bulong ko.

"Wala akong pakielam kung ano man ang mukha mo, dahil puso ang tumitibok at hindi ang mata. Tandaan mo 'yan." Natatawa niyang sabi sa akin.

Biglang may sumulpot sa likuran ni Yoongi na babae.

Ngumiti siya sa akin at kumaway.

"Ako nga pala si Wendy." Nawala ng ngiti ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Si Wendy ang nagplano nito para sa iyo. Ka-tropa niya sila Joy, Seulgi, Irene alam mo ba 'yon?" Natatawa na naman niyang sabi.

"Kaya walang dahilan para magselos ka. Dahil ikaw lang ang laman ng puso ko." Kinindatan niya ako.

"Kaya tinatanong kita ngayon, Rose Abellano.." May kinuha siya sa bulsa niya.

Singsing shet.

".. Will you be my girlfirend?"

Tumulo ang luha ko at um-oo agad.

Sino pa ba ako para tumanggi?

Sinuot niya sa akin ang singsing at hinalikan ako.

Narinig kong nagsigawan at nag-tilian ang mga tao sa paligid namin.

"I love you, Bulaklak ko.." Bulong niya.

"I love you too, Yoongilagid ko." Bulong ko din. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako.

Ang saya naman ng araw ko..

-- THE END --

________________________________________

So, 'di ko na ginawang sad ending ahue. Pero dapat talaga maghihiwalay sila dito eh kaso, 'wag na lang huehue. Lab quoh kayo eh.







first love「compltd」Kde žijí příběhy. Začni objevovat