"Baka akalain mo ako nagbayad nito." napangiti naman ako kahit na awkward ang sitwasyon namin. Defensive!

"Hindi ah." bulong ko din. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan niya ang kamay ko at inilapit niya pa ako sa kanya. Namiss ko siya! Namiss ko yung komportableng pakiramdam kapag kasama ko siya. Si Nathaniel ang comfort zone ko. Sa paglabas ko sa shell iniwan ko na din siya. Hay.

Naalala ko pa dati gustong gusto niyang naglalaro kami ng kasal-kasalan. Hindi ako pumapayag dahil para ko siyang kapatid, hindi ko alam na kung kailang matatanda na kami saka pa kami maglalaro nito. Napapangiti nalang ako kapag naaalala ko yung childhood memories naming dalawa. I don't want to lose him. Simula pagkabata siya na ang kasama ko, pagtulog lang ata ang nakakapaghiwalay sa amin noon. Well, alam kong maraming nagbago. Pati yung inosente naming pakikipagkaibigan ngayon may iba ng kulay.

Ngayon ko naisip na hindi nga constant ang lahat ng bagay. Hindi pwedeng masanay ka sa isang bagay dahil lahat ay nagbabago. Kailangan matuto kang mag-adjust.

"Ikaw Nathaniel E. Cueva, tinatanggap mo ba si Champagne Janine De Vera bilang iyong asawa sa hirap at ginhawa..." wala na akong maintindihan pa sa lahat ng mga sinasabi ng pekeng pari dahil mataman kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa ni Nathaniel. Nahuhulog ako sa mga mata niya, nagsusumigaw sa mga ito kung gaano niya ako kagusto at wala akong magawa para suklian iyon.

"I do." napalunok ako ng hindi pa rin inaalis ni Nathaniel ang kanyang tingin sa akin ng sabihin niya ang salitang 'I do'. Sincere niyang pinakawalan ang dalawang salita na iyon. Dalawang beses pang inulit ng pekeng pari ang tanong niya sa akin bago ako makabalik sa sarili kong pag-iisip.

"I do." mahina at nahihiya kong sagot. Napansin ko kasing marami ng nakapalibot sa aming dalawa. Ikaw ba naman ikasal kay Nathaniel Cueva! Maraming nagpapalista sa kanya pero sakin lang siya nakasal. Ang ganda ko lang talaga diba?

"And now you may kiss the bride." napalingon ako sa pekeng pari dahil sa sinabi niya. Walang kaabog abog na hinawakan ni Nate ang batok ko at kinabig ako upang magtama ang mga labi naming dalawa. Halos hindi na ako makapalag ng mas lumalim pa ang mga halik niya at narinig ko ang pagtilian ng mga tao sa paligid namin.

Pulang pula at nag-iinit ang mukha ko ng pinakawalan niya ako. Mas lalo akong nawala sa katinuan ng ngumiti pa siya ng nakakaloko. Akala ko noong una ay ako ang nginingitian niya ngunit napansin ko na mayroon siyang tinitingnan sa likuran ko kaya naman napalingon na din ako. Kung kanina ay pulang pula ako ngayon naman ay namumutla ako sa sobrang kaba. Kanina pa ba nanonood sa amin si Ivan?!! Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang sasabihin ko. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko alam talaga kung ano ang sasabihin.

"Just great!” kinakabahan ako sa calmness ni Ivan. Tumalikod lang siya sa amin at naglakad habang ako naman ay nanlalamig dahil sa reaksyon niya. Patay ako!

“Let’s go. Magsisimula na ang laro namin. Gustong gusto ko ng maglaro.” Napabuntong hininga na lamang ako ng tanggalin na ang posas namin at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hinila papunta sa court.

Naupo lang ako sa pinaka malapit na bleachers at pigil hiningang hinihintay magsimula ang laro. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo lalo na kay Nathaniel at Ivan na kanina pa nagsusukatan ng tingin. Naramdaman kong tumabi sa akin si Nathalia at hinawakan ang kamay ko.

“Gusto ko ng matapos ang larong ito ng makausap ko na si Ivan. Paniguradong galit iyon sa nakita niya.” Matapos ng lahat ng nangyari sa amin makikita niya akong may kasamang iba?!! Ang malala pa dun ay kahalikan ko pa ang bestfriend ko! Gusto kong magpaliwanag! Ayokong mawala ang tiwala sa akin ni Ivan.

“Patience Ja.” Napabuntong hininga na lamang ako at nag focus sa laro.

Sa simula ay ayos pa. Lamang ang team ni Ivan ngunit ng bandang third quarter ay nagiging mainit na ang labanan. Humahabol ang ECE at talagang gitgitan. Nakaka-ilang foul na din si Nathaniel at isang foul na lang ay gagraduate na siya.

“Pwede bang mag time out muna? Kausapin mo si Nate, mukhang wala siya sa wisyo.” Kanina pa nagkakasakitan sina Ivan at Nate at wala akong magawa kung hindi manood lang dito sa kinauupuan ko.

Hindi ko alam kung nagmintis ba ako sa panonood dahil bigla nalang pumito ang referee at nagkagulo na ang lahat lalo na ang mga babae. Napahawak ako sa bibig ko ng makita si Nathaniel na namimilipit sa sakit habang hawak nito ang binti nito. On instict ay agad akong napatakbo sa kinaroroonan niya. Wala akong pakialam sa dami ng tao basta ang mahalaga ay marating ko kung nasaan si Nathaniel.

“Nate! Nate!” sigaw ko habang hawak ko ang mukha niya. Bakas talaga sa kanyang mukha kung gaano siya nasasaktan ngayon.

“Tumawag kayo ng ambulansya dali!” sigaw ko pa sa mga taong nasa paligid ko.

“Ako ng tatawag ng ambulansya.” Napatigil ako sa pagpapanic at kinakabahang tumingala upang tignan kung sino ang nasa tabi ko.

“I’ll explain later babe but please not now. He’s my bestfriend. I need to help him.” Pagsusumamo ko upang intindihin ako ni Ivan pero ngumiti lamang siya.

“Janine, ang bestfriend hindi hinahalikan lalo na at may boyfriend ka.” Mariin at kalmado niyang sagot sa akin. Gusto kong maiyak sa coldness niya pero alam ko namang mali ako.

“Ivan please.” Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita dahil tinalukaran na naman niya ako. Gosh! Hinawakan pa ni Nate ang kamay ko. Nakaka-pressure! Hindi ako makaalis para magpaliwanag sa mahal ko, hindi ako makaalis dahil masasaktan ako ang bestfriend ko.

Saan ba ko dapat lumugar?

to be continued...

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now