“Tumigil ka Micaela ha.” Sita ko sa kanya saka hinawi ang kamay niyang nakalapat sa noo ko.

Pagkaupo ko sa usual seat ko, narinig ko siyang tumawa ng malakas. Sinamaan ko siya ng tingin. Wa’g na wa’g niya akong simulan ha kasi kahit ako nahihirapan na sa suot ko. Grr.

Nagkibit balikat nalang ako habang inaayos ang mga gamit ko – kasama narin pala ang sarili ko.

Oh please, Kareeza, damit parin ang suot mo.

 

Kusang tumango ang ulo ko sa sinabi ng utak ko. Tama. Walang masama sa suot ko kaya walang dapat ipag-alala. WTF? Bakit ko ba niloloko ang sarili ko. Sheesh! Ginulo ko ang buhok ko out of frustration. I know this is going to be a long ride and I’m more than willing to finish it. Ginusto ko ito at wala akong pakialam sa sasabihin at sinasabi nila.

Babe?”

 

Halos mapatalon ako sa gulat sa tawag ni Nate.

Dahan dahan akong humarap sa kanya na may bitbit na hilaw na ngiti. Sana nga lang magustohan niya ‘tong pinaggagawa ko sa buhay ko. Tsk. Kabaliwan man ang tingin ng iba, wala akong pakialam basta lahat ng ito dahil sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti habang papalapit siya sa pwesto ko. Mabuti naman at nagustohan niya. Worth it parin ang lahat kahit gusto na akong itakwil ni Mama dahil sa ginawa kong pagsunog ng mga dating gamit ko.

Damn right. Binago ko ang sarili ko.

Mula sa pananamit hanggang sa pagkilos ko. I know it was insanity pero handa akong mawalan ng bait, matuwa lang si Nate. Una palang, naging hadlang na itong lahat sa amin. Naging iba ang tingin niya sakin dahil sa kilos at suot ko. And I’d rather lose them than lose Nate.

Sinunog ko lahat ng killer heels ko regardless of its brand. Kasama narin dun ang mga skirts ko, spaghetti straps ko at fitted dresses ko. Of course, kasama narin dun lahat ng make-up kits ko. Sinabunotan nga ako ni Mama eh kasi isa dun ay regalo niya pa galing ibang bansa pero kalaunan naintindihan din naman niya ako. And she’s well damn proud dahil nagiging responsable na daw ako.

I can’t help but feel so fvckin’ happy.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” Nakangiti parin si Nate sakin.

“Because I love you.” I proudly said kahit narinig kong tumikhim ang bestfriend ko sa gilid.

Oo nga pala, remind me to hit Mica’s head later ha? Nababanas na kasi ako sa mga ginagawa niya.

“B-but, I didn’t---”

 

“Ssshh.” Awat ko sa kanya. I know hindi niya ‘to hiniling sakin pero willing akong magbago eh, para sa kanya. Lahat ng ito, dahil at para sa kanya.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now