Chapter 5 Konseho

5 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw pero kahit gising na ako ay hindi pa rin ako gumalaw para bumangon. Inaalala ko parin ang mga nangyari kahapon.

Pumasok ako sa Zheine University, naging Geidad at ang mashindi kapani-paniwala ay ang pagtatalaga sakin bilang Head Leader ng Geidad.

"Totoo ba ito? Hindi ako nananaginip?" Dahil dito ay bigla nalang sumilay ang isang malawak na ngiti sa aking mga labi. Nasa ganoon akong estado ng biglang mayroong kumatok sa aking pinto.

"Sino iyan?" tanong ko, hindi ko ugaling buksan agad ang pinto ng hindi nalalaman ang sino at ang kumakatok lalo na hindi ko pa kabisado ang lugar. At isang dahilan na rin ang isang masalimuot na nakaraan na hindi ko hahayaang maulit pa kahit kailan pa man.

" Si Meira ito Head Leader Reya." Sabi ni Meira kaya kaagad ko itong binuksan.

"Ano iyon Meira?" tanong ko sa kanya.

" Nais ko lang ipaalam sa iyo na ipapakilala sa iyo ang boung konseho ng Geidad mamaya." Sabi ni Reya.

"Kung ganun kailangan ko ng maghanda. Maraming Salamat."

Nang umalis na si Meira ay naghanda na ako.







Matapos kong magbihis ay bumaba na ako papunta sa Geidum ang lugar kong saan nagkikita-kita ang bawat kasapi ng konseho ng Geidum ayon sa aking nalalaman. At hindi iyon mahirap hanapin sapagkat nasa ikalawang palapag lamang iyon at nag-iisang kwarto doon.

Pinihit ko ang knob at sa pagbukas ko ng pinto ay kasabay ng pagbaling ng atensyon sakin ng lahat ng naroon.

Masasabi ko na ako na lamang ang hinihintay sapagkat iisang upuan nalang ang natititang hindi pa ukupado.

Ang loob ng Geidum ay mayroong isang mahabang mesa na mayroong tatlong upuan sa maglabilang panig at isa sa dulo. Masyadong magkalayo ang agwat ng bawat upuan kaya ukupado niya ang buong mesa kahit pito lamang ang upuan nito.

"Magandang umaga, Head Leader Reya. " bati sakin ng pitong naririto sa kwarto ang anim ay nakaupo maliban lamang kay Zeke.

"Magandang umaga." Bati ko sa kanila at napabaling kay Zeke.

"Bakit hindi ka umupo Zeke?"

"Hindi na si Zeke ang Head Leader kaya evicted na siya." Natatawang pahayag naman ni Meira.

"Oh ganun ba?"

"Tumigil ka nga diyan Meira. Kung anu-ano ang sinasabi mo aalis ki rin naman dito." Nakasimangot na pahayag ni Zeke.

"Anong ibig sabihhin ni Zeke na aalis ka Meira?" Nagtatakang tanong ko kay Meira.

"Dahil may bagong Head Leader na kailangan na rin ng bagong konseho, Head Leader Reya." Napabaling ako sa lalaking nagsalita na nakaupo sa bandang kaliwa at katabi ni Meira nasa bandang unahan niya si Meira.

"Kung ganun, anong silbi na sinabi mong pagpapakilala ng bagong konseho?" Nagtataka kong tanong  sa kanila.

"Mayroon kang dalawang linngo para buoin ang konseho mo. Hanggang wala ka pang napipili ay kami muna ang magiging konseho mo. Pwede mo na ring sabihin na isa itong pagsasanay." mahabang pahayag ni Meira.

Tama wala pa kong gaanong alam sa buong pamamalakad sa boung Geidad. Ang mamuno sa buong Geidad ay hindi madali sapagkat dito hinuhubog ang susunod na magtatanggol sa buong kaharian. Pagdating ng panahon, kapag kami ay magtatapos na katuwang kami ng Geidas sa pagsisiguro sa kapayapaan sa boung kaharian. 

"Kung ganon, isang karangalan ang makilala kayo. Ako si Reya Richardson ng House Richardson na namumuno sa buong East Rose" pagpakilala ko sa kanila, pagkatapos ay umupo na ako bakanteng upuan sa unahan ng lahat na nakalaan sa Head Leader.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Warrior's LoveWhere stories live. Discover now