Chapter 2

10 2 0
                                    

Maingay ang Great Hall ng Zheine Crimson University dahil sa mga bagong dating na mga mag-aaral. Ngayon ang simula ng unang araw ng pagububukas ng bagong school year ng paaralan. At kasabay ng bagong taon, ay ang bagong namang mag-aaral ang madadag-dag. Isa na roon ay si Reya Richardson, isa siya inaabangan ng lahat ng mga mag-aaral. Kilala ang kanilang pamilya bilang isa sa pinakamakapangyarihan sa Zheine at inaasahan ng lahat na magiging isa siyang Geidas.

Nakaupo lahat ang nag mag-aaral. Ang bawat upuan ay nahahati base sa kulay ng upuan. Kulay puti para sa mga Geidas at Itim para sa Geidad.

"Magandang araw, ako si Headmaster Rayl. Ngayong araw ay opisyal na pagbubukas ng bagong taon. At kasabay ng pagbubukas ng bagong taon ay patanggap natin ng bagong mag-aaral. Ngunit bago kayo pumunta sa kanya-kanya niyong Dorm simulan natin ang seremonya para sa mga bagong dating." Mahabang pahayag ng Headmaster.

Kasabay nun ay pumila kaming mga bagong dating para isa-isang pumunta sa harapan upang pumili kung pagiging Geidas o Geidad. Sa unahan ng Headmaster mayroong isang mesa at sa mesang iyon nakalagay ang Siel at isang punyal. Ang Seil ay gamit pangmarka sa sino mang gusto maging Geidas. Dugo ang kailangan kung pipiliin mo ang maging Geidad. Kailangan mong sugatan ang iyong kamay bilang isang panunumpa na ikaw magiging Geidad hanggang wakas.

Geidas o Geidad man iyong piliin kailangan mong pag-isipan iyon ng mabuti sapagkat iyon ang magiging katungkulan mo maging sa paglabas mo sa paaralang ito.

Nasa huli siya ng pila kung kayat ng siya na ang pipili,ang antensyon ng lahat ay nasa kanya hindi pa nakabawas ang kadahilanan na isa siyang Richardson. Ngunit hindi iyon ang nagpakaba sa kanya kundi limang pares ng mata na nakatunghay sa kanya. Ang mga royals galing sa pinakapangyarihang pamilya ng Zheine. Sila ay namumuno sa Geidas. Geidas bukod pa roon ang partikular na mata nakatingin sakin ay ang crown prince ng Zheine. Kilala ko sila sapagkat lumaki akong kasama sila.

"Xion" mahina kung sabi.

Mukhang narinig niya ako kaya ngumiti siya sakin.

"Pagpumasok ka na sa Zheine Crimson at naging Geidas ka magkakasama na tayo ng matagal, Reya." Naalala ko bigla ang sinabi niya sakin dalawang taon na ang nakakaraan. Magka-iba na sitwasyon ngayon. Hindi na katulad ng dati marami na ang nangyari sa nakalipas na taon. Kailangan ko itong gawin para sa mga taong maiiligtas ko.

Yumuko ako bilang pagbati sa kanya kaya marahil nagulat sila sa ginawa ko. Magkaibigan kaming lahat at tinuring na naming pantay-pantay ang isat-isa.

"Reya Richardson." Tawag sakin ng headmaster kaya lumapit ako sa mesa at pumili.

Una kung tiningnan ang Seil at akmang kukunin ko ito ng pumikit ako ng mariin at kinuha ang punyal at sinugatan ang kamay ko at itinutok sa apoy at hinayaan dumaloy sa apoy ang akng dugo.

Narinig ko ang pagsinghap ng lahat. Batid ko na lahat ay nabigla sa pinili kong desisyon.

Matapos kung sugatan at ipatak ang dugo ko sa Geidad emblem ay humarap ako sa lahat.

"Ako si Reya Richardson at pinipili ko ang maging Geidad, ngayon at hanggang kailan pa man."
Matapos kung sabihin iyon ay nagsimula na akong maglakad at pumunta sa upuan ng Geidad.

Bago paman ako makahakbang ay narinig ko ang biglaang pagtayo ng isa. At alam ko kung sino iyon.

"Reya!"

Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy  ko ang aking paglakad.

"Patawad ngunit ito ang gusto ko. Alam ko balang araw maiintindiha mo rin ako, Xion."


A Warrior's LoveWhere stories live. Discover now