Prologue

64 7 0
                                        


"Hmmm... Sabi nila ito ang perfect spot para sa inlove na katulad ko.  Umm...sabi nila magkakatotoo daw yung wish ko kapag nagwish ako dito.  Hindi ako naniniwala pero wala namang mawawala kung magwiwish ako dito eh."




Pinikit ko yung mata ko.





"Tuparin mo yung wish ko ah! Kundi kakalbuhin talaga kitang puno ka! Sabi nila Jannel si Crisha dito din nagwish tapos biglang nagkaboyfriend, si Cindy naman dito natagpuan yung boyfriend niya...eh ako? Gusto ko pagdilat ko nasa harapan ko na yung magiging kaforever ko kahit walang forever! Maliwanag!!."





Dinilat ko yung mata ko...





Pero ibang lugar ang nakita ko sa pagdilat ko.  Puti ang paligid, tahimik, nakahiga ako sa puting kama.  Sumakit bigla yung katawan ko.  Nasaan na nga ba ako?  Yung kaforever ko nasaan na kaya?

Temporary BlissMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon