“Bagay po yan sa inyo Sir! Bagay na bagay po kayo ni Ma'am!”, udyok niya sa amin. Stupid salestalk. 

Hindi nagrereact si Tanya. Ano kayang iniisip nito??

“Sige na Sir! Isukat niyo na po!”, sabi nung isang saleslady.

Hay. Wala namang magagawa--Maliban sa dignidad a prinsipyo ko! The heck!

Sinukat ko ang damit--

You don’t know you’re beautiful.

At hindi ko napigilang kumanta. Si Tanya kasi--biglang pumapasok sa isipan ko ang itsura niya kanina. Para na talaga akong baliw. Nakakahawa pala tong kasama ko.

A biglang may kumatok sa pinto. Natigil ako sa pagkanta. Ano ba yan? Narinig kaya niya? 

“Uy, thank you nga pala--”

Siguro nakangiti siya habang nagsasalita,  halata sa boses niya. 

”Oo na sige na. Palabas na ako”, sagot ko sa kanya. 

Narinig ko na yung mga footsteps palayo kung saan ako nagbihis. Naging maayos naman daw ang itsura ko ayon kay Tanya at sa mga saleslady. Kaya naman binili na namin ang mga damit. Kawawa naman tong si Tanya kung hindi pa namin bibilhin. Hay, kaya kahit nakakahiya, lumabas kami na magkapareho ng damit. Tinamad na rin kasi akong bumalik sa dressing room at magpalit. Kaya iyan. Tiis nalang. 

Hindi ko maintindihan kung bakit maraming tumitingin sa amin. Dahil ba sa naka-couple shirt kami at mukha kaming couples. Parang nakakaconscious tuloy. Sigh. 

Basta magkatabi at sabay kaming naglalakad papunta sa sakayan ng taxi..

Ayaw nya na kasing bumalik sa condo ko. Ewan ko dun mukhang may mga sumpa siya sa sarili niya pag bumalik siya doon.

“Mag-ingat ka na” sabi ko sa kanya. 

 "Oo..” sabi niya. Sana naman panindigan mo na yan Tanya. 

”Text me kung nakauwi ka na. I'm serious.” sabi ko habang binibigyan siya ng pamasahe at kinakatok ang driver.

"Ang dami ko ng utang--” sabi niya.

"Basta”, sabi ko sa kanya. ”Huwag kang maingay...at galingan mong magpanggap.”

Tinignan niya ako non sa mata. May kakaiba sa tingin niya--Doubt, Hindi ko alam dahil hindi ko tuluyang maprocess. Seryoso parang hindi ako makapag-isip kapag kasama ko siya. 

Tumango siya at nagthank you. Umandar na ang taxi palayo sa akin. At naglakad akong mag-isa

Siya--

Si Tanya ang kakaibang babaeng nakilala ko. Hinabol ko siya sa buong quadrangle. Girlfriend ko sa Celesta Academy. At siya ang may kasalanan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan pati sarili ko. I am starting to have doubts and confusions.

I guess it was ever since that day.

Hindi ko alam kung bakit o ano ang nararamdaman ko.

Point #7- Her smile is the best--so be sure to smile back at her and make her happy

Napangiti ako. I highlighted the statement. 

if you truly love someone, his/her imperfections will be blown away with just a smile.

Pinutol ng vibration ng phone ko ang daydreams ko. Hala, sino naman kayang magtetxt sakin--Aba dalawang messages.

Hoy Rhassel. Nakauwi na ako. Salamat"

Rereplyan ko ang message.

Pero, tinignan ko muna yung isa. 

“Woooah!!! Anong nangyari sa inyo ni Tanya? Galing ba siya sa apartment niyo! Aba ayos yan! Buti naman at nagkakaayos kayo. Sana magtuluy-tuloy na yan!"

Galing kay--

Rafael

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon