Chapter 2

794 19 2
                                    

Chapter 2

(The eavesdropping princess' POV)

Fast heartbeats--The Fluttering Butterflies. Bumabalik nanaman sila. Bakit ba kailangan pa nila akong dalawin ulit? 

Sabi ko sa sarili ko, wala na--dapat wala na. Kailangan ng conviction!

Kaya tinulak ko siya papalayo. Oo, tinulak ko siya papalayo, kahit na ang dami kong pag-aalinlangan ng mga minutong yon. 

Big deal yon para sakin--dahil first kiss ko yon. At isa pa siya ang 1st crush ko. Katulad ng ibang babae pinangarap ko rin si Rhassel. Para siyang isang knight and shining armor, dumadating pag kailangan mo. Kaya hindi ko alam kung masasabi kong crush lang yon—nagkaroon siya ng parte sa puso to the point na gusto ko itong sabihin sa kanya.

Sino ba namang hindi matutuwa kung hahalikan ka ng isang taong pinapangarap mo?

Pero ngayon alam ko na wala lang ito para sa kanya. Isang pagpapatigil lang ang halik na yon sa isang nagskaskandalong babae. 

Tumakbo ako papalayo, kahit na naitulak ko yung mga nagkakagulong estudyante malapit sa amin, basta makalayo lang ako. Ang sakit sa ulo ng araw na ito. Pero hindi ko maitatanggi na nakaramdam pa rin ako ng blissful feeling kanina dahil sa ginawa niya. Minumulto pa rin ako ng titig niya--alam ko, kailangan ko na tong kalimutan. May malaki akong atraso sa kanila. Alam kong hindi nila ako patatahimikin.

Pagkatapos kong makatakas sa nagkakagulong mga tao at kay Rhassel, dumiretso ako sa banyo at naghilamos. 

Tanya Gabrielle Marquez!!! Gumising ka!! Hindi totoo yon.Wala lang un. it’s just...it’s just a distraction! No romantic meaning!”, sabi ko habang dahan-dahang hinahawakan ang labi ko. Sinampal ko ang sarili ko dahil naghahallucinate nanaman ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at kinumbinse ito ng ilang ulit na dapat ko na itong kalimutan.

Well, I’m getting crazy. I am still thinking of him. 

Lumabas na ako ng banyo. Wala rin namang mangyayari kung paulit-ulit kong sasampalin ang sarili ko. Mawawala ito yon nalang ang iniisip ko. Tinignan ko ang paligid at mukhang clear na ang vicinity. Buti naman, hay makakahinga na rin ako ng maluwag kahit papaano!

Naglalakad ako ng walang kamalay malay sa mundo. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang lahat ng mga nangyari kanina simula ng pag-eeavesdrop ko sa stockroom. 

Hindi ko sinasadya na may nabunggo ako dahil sa lalim na rin ng iniisip ko. “Sorry” sabi ko sa kanya.

 "Miss….” Sabi niya habang tinapik ang balikat ko--

 ”Ito ba iyong pinunta mo dun sa stockroom?”, sabi niya.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Dahil alam kong mahihirapan din akong kumawala sa lalaking ito. Gulung-gulo pa ang utak ko sa mga unang nangyari. Natakot ako—oo, naisip ko na ring tumakbo. Pero parang wala na kong lakas. Kanina pa ko takbo ng takbo.

Kinuha ko agad ang wallet ko na hawak-hawak niya at nagpasalamat sa kanya.

Kailangan ko ng umalis. Inipon ko na ang lakas at composure ko, handa na kong tumakbo ng biglang--

Hinawakan niya ako sa braso at binulungan

”Kung gusto mong ibalik ko ang isang bagay na nawawala sayo--sumama ka sakin”

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon