Tres

70 10 13
                                    

Those who want to live, let them fight, and those who do not want to fight in this world of eternal struggle do not deserve to live.

-A. Hitler

~*~

3rd Person's POV

Nag-uunahang lumabas ang magkakaklase sa gusali. Dali-daling nagsisakayan sa mga nakaparadang traysikol. Ang ilan ay hindi pinasakay dahil masyado daw malayo ang pupuntahan, ang ilan ay nagmumukmuk na sa kakatawad sa pasahe at karamihan ay pumapara ng ibang traysikol na papayag na dalhin sila sa isang malayo at mataas na lugar o diversion.

"Guys, baba muna ako ha. Dadaan lang ako sa bahay at kukuha ng pagakain." Sabi ni Myles sa grupo nang nakahanap na ng masasakyan.

Tahimik namang tumango ang squad. Nakasunod lang sa sasakyan nila ang sasakyan nila Kyla at Fran.

"Kahit pustahan tayo di yan susunod." Mariing sabi ni Andria pagkababa ni Myles ng sasakyan.

"Nauna na tuloy sila Kyla sa'tin." Pahayag ni Mich na nasa likod ng driver.

Kakaunti pa lamang sa kanilang mga kaklase ang naabutan nina Andria, Mich at Anne.

"Asan na yung iba?" Usisa ni Kyla.

"Kinukuha pa yung costume at mga gamit for filming." Sagot ni Nina.

"Umuwi si Myles at mukhang wala ng balak pumunta."Dagdag ni Anne.

Habang naghihintay sa mga kaklase, kinalabit ni Mich si Anne. "Pupunta kami ni Andria sa Tita niya."

Dahil na lang siguro sa pagod sa biyahe ay hindi na muna sumama ang dalaga.

"Guys move na tayo. Doon daw tayo sa taas pa, mas maganda daw doon magtape. Dalhin niyo na mga gamit niyo. Andito na ba lahat?" Tanong ni Fran sa mga kaklase.

"Fran, may pinuntahan lang sila Andria. Doon daw sa tita niya." Pahayag ni Anne.

"Sige lang baka madaanan natin." Sagot ni Fran.

Nagsimula ng maglakad ang grupo. Habang tumatagal sa paglalakad ay unti-unti nilang naramdaman ang pagod. Ang iba ay hinihingal na sa layo at sa taas ng linakbay. Kaya't napagdesisyunan ng klase na tumigil muna sandali.

Nasa kalagitnaan sila ng gubat, mayroon pa namang kalsada pero mapapansin sa tahimik at dilim ng lugar na mas liblib na ito.

Sa pagkamausisa ng grupo, ang ilan ay hindi tumigil sa paglalakad at nagpatuloy sa lalim ng gubat.

"Oy guys, wag kayong masyadong lumayo. Delikado sa lugar na to." Sigaw ni Neil sa mga kaklase, ngunit hindi na sila naabot ng kanyang tinig.

"Bakit Neil, anong meron dito?" Tanong ni Rachelle na halatang may tinatagong takot sa tono ng kaniyang boses.

"Tatlong gabi na daw mayroong palaging sinasaksak sa lugar na 'to. Kaya nahirapan akong magpaalam sa mga magulang ko kanina." Sa pagkarinig nito, agad namang sinundan ni Rachelle kasama si Trisha, ang mga kaklase upang pabalikin ang mga ito.

"Fran, Kyla, Nins, Carl, Kz, Freya! Baba na kayo diyan! Marami na daw ang nasaksak dito." Sigaw ni Trisha sa mga kaklase.

Pagkarinig sa sigaw ng kaklase aya agad na nagsibabaan ang mga ito. Takot na lang siguro sa balitang narinig nila.

Nagsama-sama sa isang lugar ang grupo. Nagsidatingan na rin ang mga nahuli. Ngunit isa sa mga kaklase nila ang nanginginig habang umiiyak.

"G-guys..*hik.. si-sila Andria at M-mich.." Mahinang sabi ni Anne sa mga kaklase habang patuloy sa paghikbi.

"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ng grupo.

"H-hindi ko sila ma-mahanap.." Sagot nito habang patuloy sa paghagulgol sa iyak.

Nagkagulo ang klase at kaniya-kaniyang nagsihanap sa nawawalang mga kaklase.

"Andria! Mich!" Sigaw ng isa doon.

"Hoy, Andria! Mich!" Sigaw dito.

"Asan na ba kayo?" Hanap doon.

"Lumabas na kayo. Mich! Andria!" Hanap dito.

Nagsimula ng bumuhos ang ulan ngunit patuloy na naghanap ang grupo sa mga nawawalang kaklase.

Napagod na ang ilan sa kahahanap ngunit wala pa ring kahit anong bakas ng presensya ng dalawang kaklase.

"Pano kung may masama ng may nangyari sa kanila?" Nag-aalala tanong ng isang kaklase na siya namang ikinalakas ng iyak ni Anne.

"Wag nga kayong nega, baka nandiyan lang sila sa tabi-tabi. Marami namang kakilala dito si Andria baka doon muna nakisilong." Pahayag ni Ivory habang pinapakalma ang mga kaklase.

Sumilong muna ang grupo saka nagsimula sa taping pagtila ng ulan.

Napatigil sila sandali ng may mapansing may papalapit na tao. Agad naman silang nakatanggap ng batok sa mga kaklase.

"Saan ba kayo pumunta ha? Kanina pa kami naghahanap sa inyo. Akala ko ba pupunta lang kayo sa tita ni Andria." Yamot na sabi ni Anne kina Andria at Mich.

Natawa naman ng konti ang dalawa, "Nag-adventure lang kami. Sayang at hindi ka sumama may nakita pa naman kaming weird na matandang lalake kanina. Hahah."

Matagumpay na natapos ang unang taping. Nagsitayuan na ng mga tents ang ilan habang sila Andria naman ay pumunta sa bahay ni Myles para makutusan ito dahil hindi pumunta.

Habang abala sa pagtatayo ng tent ang iba, nagsimula namang magbilang si Kz ng mga kaklase.

"Guys bakit 34 lang tayo? May isang nawawala." Pahayag ni Kz na nakakuha ng atensyion ng buong grupo.

"Sina Mich andun kila Myles." Sagot ni Patty.

"Kahit na may isa pa ring kulang. Apat lang naman sila doon kila Myles." Pagkasabi nito ni Kz ay nagsimula ng magtala ng mga ngalan si Gian.

"Wala si Freya. Di ba kasama niyo siya kanina Fran? Hindi niyo ba siya kasamang bumaba?" Tanong ni Gian sa kaklase.

Napaisip naman agad si Fran kung kasama nga ba nila si Freya bumaba kanina. "Hindi ko naaalalang kasama namin siyang bumaba pero sigurado akong kasama namin siyang pumunta doon."

Natahimik ang grupo sa sinabi ng kaklase. Ang iba'y pinipigilang magpanick. Ang ilan ay naghihintay sa kung anong gagawin ng kaklase.

Habang tahimik na iniisip ng grupo kung kailan huling nakasama ang kaklase, biglang tumunog ang telepono ni Kyla.

"Tumatawag sina Andria." Mariing sabi nito, umaasang kasama ng mga ito ang nawawalang kaklase.

Pinalalasan niya ang volume nito at walang ibangk sumasagot kundi tuloy-tuloy na hikbi ng tatlong kaklase.

"Anong nangyari?" Tanong ni Fran.

Hindi makapagsalita ang tatlo. Tinapos nila ang tawag. Kinabahan ang grupo at nabigla ng biglang may ipinadalang larawan si Mich.

Napahagulgol ang lahat sa iyak ng makita ang larawan.

Isang babaeng nakahandusay sa sahig na binaha ng dugo. Marami itong saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Nakalabas ang ilang lamang loob nito, nakabitin ang kaliwang mata at putol lahat ng daliri.

Nakakadiring tingnan ang babae sa litrato ngunit nakakaawa ang babaeng umiiyak sa gilid nito, ang nanay ni Myles.

Natapos ang gabi ng iyak, hagulgol at takot ng mga kaklase. Takot sa kung ano ang sasalubong sa kanila sa susunod pang mga araw.

~*~

Comment down thy reactions please.😊

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Dec 29, 2016 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

The Last Of The Ultimas (Starring MG ULTIMA)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant