Uno

124 8 15
                                    

3rd Person's POV

Nanginginig sa takot ang buong klase habang umiiwas sa masamang tingin na ibinabato sa kanila ng guro sa harapan. Ang iba ay napapalunok na lang, ang iba'y nanatiling tahimik habang may ilang natatawa. Paano ba naman eh pinatayo ng guro ang mga estudyanteng hindi nakagawa ng takdang-aralin na ang akala siguro ay iilan lang ang hindi nakagawa. Kung kaya'y nagulat na lamang siya ng halos buong klase ang nakatayo ngayon. Nung una ay napanganga pa ang guro na wari'y di makapaniwala sa nakikita at ng mapansing hindi nagbibiro ang kabataan ay agad na nanlisik ang mga mata nito.

"Lahat ng nakatayo ay umalis sa harapan ko at dumiretso sa guidance office! Ngayon na, ura mismo!" Pasigaw nitong sabi habang nag-uunahang maglabasan ng silid ang mga estudyante.

Hindi naman sa mga iresponsable silang mga estudyante, sadyang nakalimutan lang talaga nila na may takdang-aralin pa la sa asignatura na ito dahil sa kaliwa't kanang mga proyekto galing sa iba't ibang subject. Sa katunayan nga ay nasa pinakamataas silang seksyon sa buong eskwelahan, ang MG o Mentally Gifted Class. Sila ang tinaguriang "black sheep" batch ng MG. At dahil sa taguri sa kanila, hindi na nila nais na madagdagan pa ang mga bagay na maaring gawing pruweba na hindi sila karapat-dapat sa seksyong ito.

Nanlulumong nagtungo ang klase sa guidance office, nagdarasal na sana ay hindi makaabot ang balitang ito sa ibang batch dahil siguradong ituturing na naman itong kahihiyan ng buong MG.

"Kailangan nating makabawi dahil may mali na naman tayong nagawa." Pahayag ng Pangulo ng klase na hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha.

Hindi umimik ang kanyang mga kaklase at sabay-sabay nalang na tumango.

Pagkatapos ng matinding sesyon ng guidance councilor, nakatungo na naglakad ang klase pabalik ng room.

Sa kalagitnaan ng hallway ay naabutan nila si Kyla naglalakad patungo sa direksiyon nila.

"Anong ginawa mo sa classroom sa loob ng isang oras?" Tanong ni Niel sa kaisa isang estudyanteng naatim na gumawa ng takdang aralin ni Ginang Ramsay.

"Well, gumawa lang naman ho ako ng isang 'group' activity at isang 50 item quiz." Dinig ang malalakas na tawanan ng klase sa buong hallway nang marinig ang sinabi ng kaklase.

"Pero guys, ito na. Seryoso na talaga. Because you pissed Mrs. Ramsay she made the 15- item homework to 150 items. Kaya nagbigay siya ng bagong project para macomply niyo yung kulang na points." Pagpapaliwanag ni Kyla sa mga kaklase. Napabuntong hininga naman ang klase ang ilan ay napamura pa sa bwisit.

"Congrats, Ky. You won't feel Ramsay's hell. " Komento ni Anne na may kaonting pagkayamot sa tono.

"Actually I'll still be part of her hell. She assigned me to be the director of the film you'll be doing."

"ANONG FILM?!" Sabay-sabay na tanong ng mga estudyante.

"Ah. Hindi ko pa pala nasasabi. Yung bago nating project ay gagawa tayo ng film based on a filipino story or myth or anything that has something to do with Philippine literature. " Halos mapanganga ang buong klase sa narinig, ang ilan ay kukurap-kurap pa ang iba ay napangiti na lang. Hindi ito ang inaasahan nila pero halata sa mga mukha nila na excited sila sa balita. Minsan nga lang nga naman sila gumawa ng isang pelikula.

"So, ano nang plano? At saan magpaplano?" Tanong ni Mich.

Napatigil muna ang buong klase at...

"Kila Fabio!" Sabay-sabay nilang sigaw sabay nag-unahan papunta sa bahay ng kaklase.



The Last Of The Ultimas (Starring MG ULTIMA)Where stories live. Discover now