"Buti na nga lang hindi ka pumayag,baka may mamamatay na naman. Sabi nga ni Detective Inspector Tobias,magnet ka ng trahedya." 'Di niya ako pinansin at naglakad siya palabas sa kubo. Sinundan ko siya pero huminto lang ako malapit sa pinto,"Saan ka pupunta?" 'Di niya ako nilingon ni 'di niya ako sinagot. Pumasok nalang ako ulit sa loob. Loki can handle himself,otherwise,hindi naman siya sasaktan ni Moriarty kung nandito man iyon.

"Where's Loki?" Napalingon ako sa likod ko at nasilayan ang mukha ni Jamie. Kinusot-kusot pa niya ang kaniyang kaliwang mata,halatang kagigising lang.

"His out for a walk." Sagot ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya,"WHAT? What if he encounters Moriarty?"

"No worries. Gaya nga nang sinabi ni Stein, 'di niya sasaktan si Loki, ang mga taong nasa paligid niya lang ang sasaktan ni Moriarty. At malayo tayo ngayon sa university,may posibilidad na nandito rin siya pero kaunti lang. May christmas break naman din yata si Stein." Inirapan niya lang ako tsaka bumalik sa kwarto niya. Maya-maya'y dumating si Al galing sa kusina. "Breakfast is ready! Asan si Loki?" Ba't ba sila hanap ng hanap ni Loki? Huwag mong sabihing may gusto si Al sa kaniya?

"Ba't mo natanong?"

Al shrugged,"Wala lang." Tinignan ko siya ng maigi. 'Di kaya ang kababata kong kaibiga'y bakla?

"Stop looking at me in that way,Lori." Tsaka siya nagtungo sa kusina. Napangisi nalang ako at sumunod sa kaniya,excited na ako mamaya.

---

Alas nuwebe y media ay biglang nagpaalam si Al sa amin ni Jamie. May dala-dala siyang bag. Nang tinanong ko siya kung ano ang laman ng bag niya,nginitian niya lang ako tsaka nagmadaling lumiban. Pumasok nalang ulit ako sa kubo kasama ni Jamie,maghahanda pa kasi kami para sa tanghalian namin mamaya.

11:30 to high, saktong nakapwesto kami malapit sa puno ng talisay. Marami-rami kasi ang mga tao ngayon,naging tourist spot na kasi ang lugar na ito dahil sa magandang view at malinaw na tubig sa dagat,maputi rin ang buhangin kaya nama'y parang nasa Boracay ang feeling ng mga tao.

Nagshades ako upang 'di sasakit ang mata ko sa sinag ng araw.Buti't hindi maulan ngayong Disyembre.

Kakadating lang ni Al ngayon. Napakunot ang noo ko nang makita ko na may maliit na talsik ng pulang likido ang shorts niya.

"Al,saan ka galing?" Di niya ako sinagot tsaka inilapag niya ang mga dala namin ni Jamie sa picnic mat tsaka kami umupo.

"Asan na kaya si Loki ko? Hindi pa siya nagpapakita sa 'kin ah?" Nakangusong ani ni Jamie. Hindi pa kasi bumabalik ang president namin simula noong umaga nang humayo siya sa kubo para maglakad-lakad,pati ako nagsisimula ng mag-aalala.

"Relax guys, parang hindi n'yo naman kilala si Loki." Sabat ni Al tsaka kumuha ng sandwich sa basket at kinain.

"Magbababad nalang ako sa dagat." Tumayo si Jamie tsaka naglakad papunta sa umaalong dagat. Hindi kaya siya iitim sa init ng araw? Maputi kasi ang kompleksyon ng kaniyang balat.

Napalingon ako kay Al na may hinalukat sa kaniyang bag,weird. Bakit dala-dala pa rin niya ng bag na iyan dito?

"Anong laman niyan?" Pilit kong sinilip kung ano ang nasa loob ng bag niya pero kaagad niya namang isinara iyon,"W-wala. Wala." My eyes squinted,"Al?"

Nanlikot ang mata niya,"Wala nga."

Hahablutin ko na sana ang bag niya nang may biglang sumigaw doon sa di kalayuang kubo.

KYAAAAAAAHH!

Nagkatinginan kami ni Al. We are on our Christmas vacation but that scream means something bad happend. Huwag mong sabihing....

Project LOKI: Fanficsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें