Hers

812 36 9
                                    

Ana's POV

Nakatulala lang ako sakanya at pilit kong iniintindi yung sinabi niya. Siya naman ay pulang-pula at bahagyang nakayuko pa na tila nahihiya siya sakin na di ko mawari.

Nang bumukas ang elevator ay tahimik akong lumabas habang nakasunod siya sakin. Gusto ko siyang pigilan pero wala akong maisip na sasabihin. Pilit kong hinahanap yung inis na nararamdaman ko kanina sakanya.

I was about to open the door nang kinuha niya sakin yung susi at siya na mismo yung nagbukas. Diretso siyang umupo sa sofa bago bumaling sakin.

Hindi ko maiwasang mamangha na parang at home na siya masyado sa condo ko. At itanggi ko man ay may parte sa puso ko na masaya dahil sa ideyang yun.

"Ana." Panimula niya pero agad ko iyong pinutol.

"Give me five minutes. I need to compose myself before we talk." Pakiusap ko at nang bahagya siyang tumango ay agad na akong umalis.

Gusto ko lang kalmahin yung sarili ko. Ayoko kasi nang nararamdaman ko ngayon, yung pakiramdam na wala na naman yata akong pakialam sa kung ano pang mga bagay at ang importante lang sakin ay yung sinabi ni Peter kanina.

Nang manggaling ako sa bahay nila at makilala ko si Celestine. Determinado na akong kalimutan siya. Ayoko nang pababain yung tingin ko sa sarili ko dahil ipinipilit ko yung sarili ko sa taong ikakasal na.

Iniisip ko lahat nang negatibong bagay tungkol kay Peter lahat nang uncertainties na nararamdaman ko. Lahat nang mga dahilan kung bakit hindi ko na siya dapat magustuhan at bakit kailangan ko na siyang iwasan. Iniyak ko lang nang iniyak at nang mapagod at finally nakumbinsi ko na yung sarili ko.

Bigla ko siyang makikita na parang sobrang okay naman at ang ganda pa nang pagkakatitig sa boobs nung receptionist. Gusto ko siyang kalmutin sa mukha pero pinipigilan ko yung sarili ko, bukod sa madaming makakakita. Ayoko na din kasi sa pakiramdam na sa simpleng ginagawa niya lang grabe na ang epekto sa emosyon ko.

I used to be a calm person laging aral yung mga emosyon at reaksyon na ibinibigay ko sa mga tao dahil kailangan yun sa trabaho ko at sa mundong ginagalawan ko. But Peter Jackstone happened at nakikita ko na lang yung sarili ko na nagagalit nang wala sa lugar dahil sa selos, natatakot sa kanya at sa mga bagay na pwede niyang gawin, nagiging sobrang saya dahil lang sa maliliit na bagay at reaksyon na pinapakita ni Peter sakin,nasasaktan kahit wala naman akong karapatan at nagmamahal kahit hindi naman dapat.

Tinanggap ko na sa sarili kong mahal ko si Peter kahit ang dami pang tanong sa isip ko at tinanggap ko na kanina na wala na ding patutunguhan tong nararamdaman ko. Pero nangyari yung kanina at kulang ang salitang nagulat to describe what I felt. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko yung sincerity niya kanina. O pwede din naman na inuuto ko lang yung sarili ko.

"Tapos na yung five minutes mo kanina pa." Ani Peter na ikinagulat ko. Hindi ko namalayan na nabuksan na pala niya yung kwarto ko sa lalim nang iniisip ko.

"Bakit hindi mo na lang ako hinintay na lumabas?" pagsusungit ko.

"Eh pano kung biglang magbago yung isip mo at hindi mo na ako kausapin? Mas mabuti nang sigurado." Anito bago umupo sa tabi ko kaya gad akong napaatras.

Parang nananadya na ngumisi naman siya at umusod pa papunta sakin ako naman ay atras na nang atras at bago ko pa napansin ay nasa dulo na pala ako at mahuhulog na sana. Pero maagap akong nahila ni Peter palapit sakanya.

"Hey okay ka lang? Bakit kaba kasi lumalayo?" aniya bago masuyong hinaplos yung mukha ko. Hindi ko maiwasang madala sa gentleness na nakalarawan sa mukha niya. Mula kasi nang makilala ko siya kung hindi nagsusungit eh galit siya kapag kaharap ko siya.

His RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon