You

686 33 11
                                    

Preview ng rebisyon - read only

"Bae gaano mo ako kamahal?" Tanong ng isang babae bago maarteng yumakap pa sa boyfriend niya.

"Higit pa sa salitang sobra bae." Sagot naman ng lalaki na sa tantiya ko ay may halo ng pambobola.

"Eeh ang sweet mo talaga bae." At maarteng humalik pa eto sa pisngi nung lalaki habang ang huli ay ngumiti lang showing his perfect set of teeth at yung malalim na dimples niya.

"Ang tagal naman ipagawa nila lola yung kotse." Maya-maya ay sabi nung babae bago tumingin sa relo niya.

I sighed. Gusto ko nang katahimikan pero natutulili na ako sa kaartehan nang isang ito.

"Fuck it! Will you please stop talking? You are irritating the hell out of me." Hindi nakatiis na asik ko sa babaeng maarte.

"Excuse me?! Inaano kaba namin?" Sagot niya.

"I am trying to think at gusto ko ng katahimikan but there you are whinning like a brat. Tangina nakakarindi." Naaasar na pagtataas ko ng boses.

"Boss pasensya na sa inasal ng girlfriend ko at pasensya na din sa abala." Pakumbaba nung lalaki.

I sighed gusto ko ng sakmalin tong babae pasalamat siya at matino tong boyfriend niya.

"Why are you saying sorry to him? Hindi ko naman kasalanan maingay ako ah. Kung gusto niya nang katahimikan edi sa sementeryo siya pumunta." Hindi papatalo na sabi nung babae.

"Magsalita kapa at ikaw ang pupulutin sa sementeryo." Mapanganib na pagbabanta ko. This woman is getting in my nerves. Hindi ko maipapangako na mahaba ang pansensya ko ngayon lalo na at hindi maganda ang paghihiwalay namin ni Ana kanina.

"Sir ako na lang po yung hihingi nang despensa. Ayoko po ng gulo. Pasensya na po talaga." Pilit na awat nung lalaki.

"Tangina. Umupo na nga lang kayo at manahimik." Pag-uutos ko sa dalawa habang isa-isa ko silang tinitigan sa mata. Baka kung hindi ko gawin to ay mapatay ko na yung babae.

The two nodded bago bumalik sa pagkakaupo. The woman put her head on the guy's shoulder.

"Anong pangalan niyo?" Tanong ko sa lalaki maya-maya nang magsawa na ako sa katahimikan.

"Ako si Aldrin boss at si charmaine po girlfriend ko." Anang lalaki.

"Sa daldal nang girlfriend mo paano mo natitiis yan?" Usisa ko pa.

"Hindi naman po natatapos o nawawala yung pagmamahal mo sa isang tao dahil lang may nagawa siyang mali o may mali sakanya eh." Katwiran niya na ikinabuntong-hininga ko.

Biglang sumagi sa isip ko si Ana. Tama paba na matakot akong mapalapit sakanya at mahalin pa siya dahil alam kong sasaktan niya lang ako?

"May tanong ako." Kuha ko sa pansin nung lalaki.

"Saglit lang boss ha. Iayos ko lang at nakatulog na si bae." Anang lalaki.

"On the contrary wag na pala." Biglang bawi ko.

Naguguluhan man ay tumango na lang siya at di na nag-usisa

"Nasubukan mo na bang magmahal ng isang tao nang sobra?" Di nakatiis na tanong ko.

"Yung bang pakiramdam mo hindi na sayo yung puso at pagkatao mo. Dahil tingin mo pag-aari kana niya. Buong puso at kaluluwa kung meron ka man nun. Pero nung hulog na hulog kana saka naman sasampal sayo yung reyalidad na kahit ibuhos mo pa lahat ng meron ka. Sa huli iiwan ka din niya dahil hindi niya tanggap yung lahat sayo." Mapait na kwento ko.

His RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon