When the love you feel is bigger than your fear.

931 58 19
                                    

Ana's POV

Nang makarating kami sa bahay ay hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako papunta sa pool area para magpahangin.Hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari kanina hindi naman kasi araw-araw na malalaman mong bampira pala yung taong gusto mo. Ni maniwala nga na may bampira ay hindi niya magawa dati yun pa kayang katotohanan na nakakasama at nakakausap niya pa?

Sabi ng logical side ng utak ko tama lang na iwasan ko na si Peter. Pero bakit pakiramdam ko mali yung naging desisyon ko? Haay. Ang gulo talaga. Pero dahil nasabi ko na sakanya wala na akong magagawa panindigan na siguro to.

"Anak why are you still up? May problema kaba?" untag sakin ni Mama kaya nagulat ako.

"Ma! Nakakagulat naman kayo. Kadadating niyo lang?" bati ko bago tumayo humalik sa pisngi niya.

"actually kanina pako dito but you seem pretty occupied kaya hindi mo ko napansin. What's wrong anak?" masuyong tanong ni mama bago umupo sa tabi ko.

"Wala naman po ma. Hindi lang po ako makatulog." pagdadahilan ko.

"Nandito si Iza diba? Kung wala kang problema malamang nandun kana sakanya ngayon at kinukulit siya lalo na at di ka kamo matulog. Pero the fact na nandito ka at nagmumukmok. I think something's bothering you and you can share it to me. Nandito ako as your mother Ana let me in. Alam kong chance ko ng makabawi tong pag istay mo sakin and I'm sorry kung palagi pa din akong walang oras dahil sa trabaho. " ani mama bago hinawakan yung kamay ko. Nagulat ako nang parang malapit na siyang maiyak.

"Ma hindi mo naman kailangang bumawi. Okay lang ako I don't harbor anything to you. Hindi ko alam kung paano pero bata pa lang ako tanggap ko nang hindi nagwork yung marriage niyo ni Dad. And I don't hate you for leaving me and chasing your dreams. Pero nasanayan ko na lang that you are not there for me and I'm okay with that. Tanggap ko po kasi nakikita ko na naging masaya naman kayo." paliwanag ko Kay Mama hindi ko maiwasang maiyak dahil parang ngayon lang lumalabas yung mga emosyon na nakatago lang simula dati.

His RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon