Sweat on the eyes

1.1K 53 16
                                    

Peter's POV

"where have you have been?" bungad agad sakin ni Girlie nang makarating ako sa bahay.

"Nakapang jogging attire ako so malamang nag jog ako." papilosopo kong sagot bago siya nilampasan at pumasok na.

"Seriously?!" nakasimangot na sinipa niyo ko bago tumalikod na.

"G. Sorry na. Eto naman pikon na agad." pang-aalo ko ng maabutan ko siya.

"Ang weirdo mo kasi hindi kana makausap ng maayos. And why are you being nice now? Nagsawa ka ng sigawan ako?" sumbat niya sakin na ikinailing ko.

"Stop with the antics G. Good mood ako ngayon hahatid kita." sagot ko habang napapasipol pang umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Napangiti ako ng maalala ko yung encounter namin ni Ana kanina. Nang lumabas ako kanina aminado talaga akong inaabangan ko siya. Hindi ko alam kung bakit siguro para makita at makausap siya kahit sandali lang. Pero nung makita ko yung suot niya hindi ko maiwasan maalala yung litrato niya sa instagram at yung mga bwiset na nagcocomment. Naasar ako sa idea na baka ipost niya din doon yung suot niya ngayon. Kaya sinita ko siya alam ko na medyo harsh at wala akong karapatan na sitahin siya pero wala akong pakialam basta kailangan kong ilabas kung ano yung iniisip ko.

Iniwanan ko na nga siya sa pagtakbo dahil baka may masabi pa akong hindi maganda at ikatakot niya pa. Pero pinapakiramdaman ko pa din siya kung nakasunod sakin at nang maramdaman kong hindi na at pauwi na siya ay hinabol ko siya at pumasok sa isip ko yung ideya na burahin yung instagram account niya o kaya ibato sa malayo yung cellphone.

Walang kahirap-hirap na nabura ko yung account niya dahil sa turo niya. Hindi na siya makakapagpost ng litrato sa instagram. Palaisipan sakin kung ano yung tinutukoy niya na ipinopost ko sa instagram na litrato daw ng girlfriend ko. Wala naman akong maalala na may ginawa akong account doon. Pero ang ganda pa din niya kahit nagagalit.

Napahawak ako sa dibdib ko. Malipas ang mahabang taon nakakaramdam na ulit ako ng iba't-ibang emosyon. Saya kahit sa sandaling kausap ko siya, galit doon sa mga lalaking may komento sa litrato ni Ana naibuhos ko pa nga yung ngitngit ko doon sa dalawang babae na regalo ni Anthony kagabi buti napa lang nandoon sina Xander para linisin ang kalat ko. At takot na baka maipahamak ko pa si Ana dahil lang hindi ko siya maiwasan.

Pero hindi naman siguro siya masisisi ng ibang tao kung gustuhin niya man na maramdaman maging masaya kahit sandali lang.

Maya-maya ay bumaba na din ako para puntahan si Girlie nakabihis na siya at kumakain na lang. Humalik ako sa pisngi niya kaya tinignan niya ko ng masama.

"Nakadrugs kaba?" Nagdududa niyang tanong.

"Tingin mo may epekto sa kagaya natin ang drugs?" pang-aasar ko sakanya.

"Edi wala." pagsusungit niya bago tinuloy ang pagkain niya.

"Ang grumpy mo G ang aga pa oh." cool pa din na sita ko sakanya.

"Peter kung pinagtitripan moko pwede bang mamaya na lang. Kasi the last time I checked hindi ka okay you drained the two girls last night dahil lang sa picture. Tapos umalis ka kanina na hindi nagpapaalam at pagbalik mo good mood kana? Ano to super fresh ng hangin sa labas kaya biglang Goodvibes kana ganun?" litanya niya pero tinawanan ko lang siya.

"Relax G. Ikaw masyadong mong ini stress ang sarili mo sa kapatid mo." singit ni Billy na hindi ko alam na dito pala natulog.

"Wala ka bang bahay at bigla kana lang sumusulpot dito?" pagsusungit ni Girlie.

His RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon