PAKSHET! PAK! PAK! Gusto kong manabunot! Bwesit! Never in my whole life na kinilig ako ng ganito! HUHUHUHU! KONOKOLOG OKO!

“Ow!” Nabalik ako sa ulirat dahil sa daing ni Nate. Napakamot nalang ako. Dahil siguro sa sobrang kilig kaya nakurot ko siya ng di sinasadya.

“Sorry.” Halos masuka na ako dahil sa sobrang kabaliwan. Bwesit. First day palang namin ngayon ha pero grabe na ang mga natatanggap ko. Sobrang kabaliwan at kakiligan na ang nararamdaman ko. Hindi ko na lubos maisip kung ano pa ba ang mangyayari sa susunod. Sheeeeet!

Pailing iling lang siya habang bitbit ang pagkain namin. Alam kong natatawa na siya pero pinipigilan lang niya. Sige lang, try mong tumawa, Nate! Masusuntok na talaga kita!

“Akala ko sila ni Karen?” Napalingon ako sa grupo ng mga babae sa kabilang table at sinamaan sila ng tingin. ASA!

“Don’t mind them.” Narinig din pala niya. Tss.

Umirap nalang ako sa kawalan. Nakakainis. Ako na nga ang naka holding hands tapos Karen parin ng Karen?! Napabuntong hininga nalang ako. Kahit mas maganda ako sa mangga na yon alam kong mas lamang parin siya sakin. Tss. Umiral na naman ang pagiging insecure ko. Hay. Siguro nga dapat masanay na akong makompara sa iba.

Tahimik lang kami habang kumakain. Ayoko rin namang mag-initiate kasi nahihiya ako. LOL! Oo, marunong parin akong mahiya! Gusto ko ngang sabunotan ang sarili ko eh. Hindi naman ako ‘to pero di ko kasi mapigilan! Tss.

“Besty?!” Halos mapatalon ako sa gulat. Langya. Sabi ng wag akong gugulatin eh!

Palapit si Micaela sa gawi namin na para bang kinukumpirma niya kung kami ba talaga ‘to. Ngumisi nalang ako nang makita niyang kami nga ito.

“Oh my god!” Napangiwi ako ng marinig ko na siyang tumili. Ang tulis talaga ng boses niya.

Natahimik naman siya ng makita niya ang reaksyon ni Nate. Lagot ka. Hahaha. Ayaw na ayaw pa naman niya sa taong skandalosa. Tinaponan ko nalang si Micaela ng tingin at bahagyang tumango. Lagot ako nito kasi sa tingin palang ng bestfriend ko, alam kong papatayin na niya ako sa tanong mamaya.

“Ang tulis ng boses niya.” Bahagya siyang tumawa bago ininom ang tubig niya. Napabuntong hininga ako. Wew. Akala ko magagalit siya. Kanina pa ako pinagpawisan sa sobrang kaba eh.

“O-oo nga.” Pinahid ko yung pawis ko sa noo ko.

Tiningnan lang niya ako saka nilabas ang panyo sa bulsa niya. Akala ko ibibigay niya sakin pero siya pala mismo ang nagpahid nun. Halos mahimatay ako sa ginawa niya. Yung kalabog ng puso ko parang gusto ng lumayas sa katawan ko. Hindi ko alam kung ilang laway na ang nalulon ko dahil sa sobrang kaba.

“Are you okay?” tanong niya agad pagkatapos punasan ang pawis sa noo ko.

Bahagya lang akong tumango. Gusto ko siyang sakmalin! Bakit ba ang sweet niya?! Urgh!

Kumain ulit kami ng walang imikan. Hinawakan ko ang dibdib ko kasi sobrang lakas na ng tibok nito. Peste, tumigil ka! Kanina pa ako mura ng mura sa isipan ko dahil sa sobrang kaba at lakas ng kalabog ng puso ko. Nakakainis!

Babe…”

 

“H-ha?”  Lumunok pa ako ulit. Pakshet! Nanginginig narin ang kamay ko dahil sa sobrang kaba.

Napapikit ako nang nilapit niya ang mukha niya sakin. HOY NATE, WAG KANG PDA! Yun lang yong mga bagay na sinisigaw ng isip ko. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa gilid ng bibig ko. PUTANGINA!

Napadilat ako ng marinig ko siyang tumawa. Sht. Nakakahiya! Akala ko kung ano na! Pinunasan lang pala niya ang gilid ng bibig ko. Whew! Get a grip, Kareeza! Ano bang nangyayari sa’yo?!

 

“Wag ka ngang tumawa!” Sita ko sa kanya.

Tumawa lang siya sa reaksyon ko. Bwesit. Di ko alam kung wala na bang kasing pula ang pisngi ko. Kainis! Humanda ka talaga sakin, Nate!

Napatigil nalang ako ng may narinig kaming nabasag sa kabilang table.

“SHIT!” malutong na mura ni Brent saka nilisan ang caf.

Bribing Mr. PresidentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora