Lumabas na kami ng opisina niya na magkahawak ang kamay. Ngisi lang ang ginaganti ko sa bawat estudyante na napapatigil sa paglalakad dahil sa gulat. Gusto kong matawa dahil yong iba naka-nganga pa. Nilingon ko si Nate at kahit siya, nakangiti lang din. Yung ngiti na para bang proud na proud siya sakin. Dapat nga ako yung ganun eh.

Minsan gusto kong isipin kung bakit ako pa? Bakit ako na sobrang salungat ng personalidad ko sa babaeng gugustohin niya? Pinilig ko ang ulo ko para iwaglit iyon. Gusto ko munang kalimotan ang lahat ng kaibahan namin. Lahat ng insecurities ko. Kasi ang importante para sakin ngayon ay kaming dalawa. Kami lang. Wala ng iba.

“N-nate? Ano ‘to?” Nakasalubong namin si Karen na halatang nagulat rin sa mga nakikita niya.

Tumingin siya sakin kaya nginisihan ko lang siya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Nate sakin kaya napawi ang ngisi ko.

“N-nate?” Tawag niya ulit kay Nate.

Nilingon ko si Nate at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Sheesh, ang hot nun. Pinilig ko ulit ang ulo ko dahil sa sobrang kaberdehan.

“Bakit? Ano ba sa tingin mo ang nakikita mo, Karen?” Tanong ko nang nakangisi. Hinigpitan ulit ni Nate ang kamay ko.

“Hindi ikaw ang kinakausap ko!” Sigaw niya sakin. Napangiwi ako ng konti dahil sa tulis ng boses niya.

“Karen…” Gumalaw na naman yung adams apple niya. Pakshet.

“Nate, totoo ba ‘to?!” Halos umusok na yong tenga niya dahil sa sobrang inis.

“Oo. At wala kang pakialam.” Hinigit na ako ni Nate pagkatapos nun.

Nagulat ako sa inasta niya. Nilingon ko si Karen na nakatayo parin at parang gulat na gulat din sa sinabi ni Nate. May kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan ko. Tuwa at pagkamangha iyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagtanggol niya ako, na nagsalita siya para sa panig ko. Pero gaya ng sinabi ko, pagdating sa kanya, BAGO LAHAT.

“Sabi ko na eh, sila na!”

“Jusme, ang sweet tingnan!”

“Hala! Sila na talaga??”

 

Ngisi lang ang binibigay ko sa kanila. Ayokong magmula sakin ang kompirmasyon, gusto kong si Nate mismo ang magsabi nun sa kanila. Gusto kong ipagmalaki niya ako. Pero alam kong…

“Ano’ng gusto mo, babe?Nalaglag ang panga ng tindera sa sinabi ni Nate sakin.

Gusto kong pumadyak dahil sa sinabi niya. Gusto kong gumulong gulong. Lahat ng kabaliwan sa mundo gusto ko ng gawin. Sht. Tama ba yong narinig ko? BABE??! May kung anong nagwe-welga sa loob ng tiyan ko. KINIKILIG AKO, TANGINA!

“Kahit ano, babe.” Ngumiti lang siya sakin at tumango.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now