CHAPTER 5

2.9K 87 0
                                    

Meet Cindy


"Lagot..." Mahinang sabi ni Yani.

"Ah eh, anong kailangan mo?" Kinakabahang tanong ni Kylie habang nakatingin kay Thunder.

"Ikaw ba si Dyosa? I mean yung laging nag t-text sa akin?" Tanong ni Thunder na mas lalong ikinakaba ni Kylie, bago pa niya masagot ang tanong ni Thunder ay biglang dumating si Yuri.

"Ms. Kylie, pinapatawag po kayo ng parents niyo sa office" sabi ni Yuri.

"Amh kuya hindi ko alam kung ano yung sinasabi mo saka ba't naman kita it-text? di naman kita kilala" sabi ni Kylie at nginitian si Thunder.

"Pero tinawag mo 'ko sa pangalan ko" sabi ni Thunder kaya napalunok si Kylie.

"Ah kanina kasi usap-usapan ka na magaling ka daw mag basketball, sige mauna na ako" paalam niya saka hinila ang kapatid niya papunta sa office.

"Masyado kang halata" sabi ng kapatid niya at hindi na lang niya ito pinansin.

°°°

"Pre, anyare?" Tanong ni Iros kay Thunder.

"Sabi niya hindi niya daw alam ang sinasabi ko pero hindi ako naniniwala" sagot ni Thunder.

"Sure kana ba na siya yun?" Paninigurado ni Iros.

"Oo"

"Pre paano si Jennie Lipus? Alam mo bang tuwing practice natin ay nandito siya, tulad kanina ay nandito siya at mukang pinapanuod ka" sabi ni Iros kaya mas lalong naguluhan si Thunder.

"Okay, sabihin na natin na may dalawa na tayong suspect" sabi ni Thunder kaya biglang kumunot ang noo ni Iros.

"Ano 'to? Mag-aala detective o pulis tayo?" Pabirong sagot ni Iros kaya sinamaan siya ng tingin ni Thunder. "Sabi ko nga" nasabi na lamang ni Iros.

°°°

"Congrats Kylie!" Masayang bati sa akin ni mommy at daddy kaya nginitian ko lang sila.

"Jesin anak, ang tahimik mo yata" sabi ni daddy sa asungot kong kapatid.

"I'm bored here" bored na sabi niya with his poker face.

"Mabuti pa't lumabas tayo at i-celebrate ang pagkapanalo mo" sabi ni daddy na sinang-ayunan naman ni mommy. Papayag na sana ako pero naalala ko yung laban nila Thunder.

"Daddy may--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng nag salita ulit si daddy.

"No buts Kylie"

"Daddy, my sister want to watch the basketball game because her crush is--" tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya maituloy ang sasabihin niya.

Pahamak talaga!

"Honey may crush na pala ang anak natin, Jesin sino?" excited na tanong ni mommy.

Tinanggal ng kapatid ko ang kamay ko sa bibig niya at sinamaan ako ng tingin saka pinunasan ang bibig niya.

Arte! Di naman kagandahan hmp!

"Si Thunder" sagot ni Jesin na ikina-gulat nila mommy at daddy.

"Thunder Hernandez? Omy god!" Sabi ni mommy.

"Bakit ganyan kayo maka-react?" Takang tanong ko sa kanila.

"Siya kasi yung magiging--" hindi naituloy ni Jesin ang sasabihin niya ng takpan ni daddy ng kamay yung bibig niya na agad naman niyang inalis.

"Pwede namang samaan niyo ako ng tingin hindi yung tatakpan niyo pa yung bibig ko, kadiri" iritang sabi niya saka nag walk out kaya natawa na lang kami sa inasta niya.

Ang DYOSA Kong Girlfriend Where stories live. Discover now