CHAPTER 1

5.5K 126 7
                                    

Love at first sight

"Besh bakit ba ayaw mong pumasok sa sarili niyong iskwelahan?" Tanong ni Yani (Ma Yani Welfira), best friend ni Dyosa.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Ma Yani na ayoko doon" sabi sa kanya ni Dyosa (Florentina Kylie Vuenista).

Natigil sila sa kanilang usapan ng may lumapit na isang lalake sa kanila. Tiningnan siya ni Dyosa mula ulo mukang paa-- este hanggang paa.

"Dyosa, pwede bang manlig-" agad siyang pinahinto ni Dyosa at tinaasan ng isang kilay.

"Unang-una sa lahat ang panget mo, pangalawa ang panget mo, at pangatlo ang panget mo pa rin" sabi sa kanya ni Dyosa at halata sa muka ng lalake ang pagka-gulat.

"Excuse me kuya, pwede bang umalis kana? Allergic kasi kami sa mga panget" mataray na sabi ni Yani. Dismayadong umalis ang lalake na may halong kahihiyan, marami kasing nanunuod sa kanila.

"Ang hard niyo mga besh" sabi ni Mark (Maria sa gabi), ang bakla nilang best friend (Mark Denusio).

Mag sasalita na sana sila kaya lang ay may lumapit ulit sa kanilang lalake.

"Ms. Florentina Kylie Vuenista ang sabi ng magulang mo ay pumunta ka mamaya sa Clarea University kahit ngayon lang daw at pwede mo din daw isama ang mga kaibigan mo" sabi ni Yuri (Yuri Bernardo), ang alalay ni Dyosa. Gusto niyo bang malaman kung paano niya naging alalay si Yuri? Well mahabang kwento.

"May gagawin ba tayo ngayon?" Tanong ni Dyosa sa dalawa niyang kaibigan at umiling lang sila.

"Tara na saka ang boring din dito sa school" sabi ni Dyosa at nag lakad, nagkatinginan silang tatlo saka sumunod kay Dyosa.

•~•

Kakapasok lang nila sa loob ng University pero pinag titinginan na sila ng mga estudiyante.

'Mga chismosang 'to, palibhasa ngayon lang nakakita ng Dyosa' sabi ni Dyosa sa kanyang isip. Nasa tapat na sila ng Dean's office ng hinarap silang tatlo ni Dyosa.

"Kapag nandito tayo gusto kong tawagin niyo akong Kylie, understand?" Tumango silang tatlo kaya humarap na si Kylie sa pinto at saka ito binuksan.

"Bakit niyo ako pinapunta dito?" Bungad niya sa kanyang mga magulang kaya napatingin sila sa kanilang anak.

"Akala ko ay hindi ka pupunta. May meeting mamaya at kailangan ay nandoon ka, by the way mamayang hapon pa naman ang meeting kung gusto niyo ay mag ikot muna kayo sa school o kaya ay manuod ng basketball sa gym nandoon ang karamihan sa mga estudiyante" sabi ni Mr. Vuenista. Tumango lang si Kylie at lumabas na silang apat.

"Tara sa gym!" excited na sabi ni Mark.

"Baklang 'to! Palibhasa makakakita ka lang mga fafabols doon" sabi sa kanya ni Yani.

Malapit lang ang gym sa office kaya mabilis silang nakarating doon, nasa labas palang sila pero rinig na rinig na ang mga hiyawan ng mga estudiyante sa loob. Pag pasok nila sa loob ay sobrang dami ng mga estudiyante, halos wala ng pwesto. Nakipag siksikan pa sila para lang makapunta sa unahan. Nanunuod lang si Kylie hanggang sa may naka-agaw ng kanyang atensyon, ang lalakeng may number 18 sa likuran.

"PRRRRT!!"

Huminto sila sa pag lalaro at pumunta sa kanilang mga pwesto para mag pahinga kahit sandali o uminom ng tubig.

Nakatitig lang si Kylie kay number 18 at pakiramdam niya ay silang dalawa lang nasa paligid hanggang sa...

May lumapit na babae kay number 18 at pinunasan ang pawis nito. Kumunot ang noo ni Kylie sa kanyang nakita at feeling niya ay gusto niyang ingudngod ang muka ng babae sa sampung cactus.

Kinalabit ni Kylie ang katabi niyang babae at lumingon naman ito ka agad sa kanya.

"Anong pangalan nung lalakeng may number sa likod na 18?" Tanong niya sa babae.

"Thunder, Thunder Hernandez ang famous heartthrob dito sa campus" sagot ng babae.

"Sino yung babaeng nag pupunas ng pawis niya?" Tanong ulit niya.

'Aba! Dapat sulitin kona ang pag tatanong' sa isip ni Kylie at tumingin ng masama sa babaeng nag pupunas ng pawis ni Thunder saka tumingin sa kausap niya.

"Si Iris Maurel ang die hard fan ni Thunder, siya ang Queen Bee dito at sobrang sungit at sama niyan pero pag kaharap niya si Thunder ay muka yang anghel" may halong inis na sabi ng babae kay Kylie.

"Sige thanks" sabi niya at hinagilap ang mga bruha niyang kaibigan. Nakita niya itong nakikipag usap sa mga lalake kaya napa-iling nalang siya.

•~•

Natapos na ang laro at panalo ang grupo nila Thunder.

"Besh! Sino bang tinititigan mo diyan? Kulang nalang lumuwa na yang eyeballs mo" sabi ni Yani kay Kylie. Napatingin sa kanya si Kylie.

"Naniniwala na akong totoo ang love at first sight" sabi niya at binalik ulit ang tingin kay Thunder na umiinom ng tubig.

"Bruha ka talaga! Tara na nga, Yani tulungan mo akong kaladkarin ang babaeng 'to papuntang cafeteria at nagugutom na ako" sabi ni Mark at hinila nila si Kylie palabas ng gym habang nakasunod lang sa kanila si Yuri.

Papasok na sana sila sa cafeteria ng pigilan sila ni Kylie.

"Yuri at Mark kayo nalang ang um-order sa garden na tayo kumain ayoko sa cafeteria maingay" sabi niya at hinila si Yani papuntang garden.

Pagkadating nila sa garden ay inusisa ka agad siya ni Yani.

"Besh umamin ka, may gusto ka kay Mr. Number 18 noh?" Kinikilig na tanong ni Yani at biglang umiwas ng tingin si Kylie.

"I knew it! Anong full name?" Tanong ulit ni Yani. Nag isip muna si Kylie kung sasabihin niya ang full name nito pero napag pasyahan niyang sabihin na ang buong pangalan nito.

"Thunder Hernandez"

"Cool name" sabi ni Yani at kinuha ang kanyang cellphone saka nag dial. May kausap ito sa telepono ngunit hindi niya marinig ang pinag uusapan nila dahil lumayo ng kaunti si Yani sa kanya. Makalipas ang dalawang minuto ay binaba na niya ang tawag at saktong dumating narin sila Mark dala ang kanilang pagkain.

Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ni Kylie si Thunder.

Pagkatapos nilang kumain ay biglang tumunog ang cellphone ni Yani, kinuha ni Yani ang kanyang cellphone saka binasa ang message at unti-unti itong napangiti.

"Besh akin na ang cellphone mo" sabi ni Yani kay Kylie, nag tataka man ay ibinigay din niya ka agad ang kanyang cellphone. Makalipas ang ilang segundo ay binalik din ni Yani ang kanyang cellphone.

"Anong ginawa mo?" Takang tanong ni Kylie sa kanya.

"Tingnan mo yung contacts mo" utos ni Yani at agad namang tiningnan ni Kylie ang kanyang contacts hanggang may makita siyang hindi pamilyar na number at pangalan.

"Sino si Thunder?" Takang tanong ni Kylie sa kanya kaya biglang napa face palm si Yani.

"Edi si number 18" sagot niya. Unti-unting nanlaki ang mata ni Kylie.

"WEH?! DINGA?!"

•~•

"Pre bakit hindi mopa sagutin si Iris?" Tanong ni Iros (Iros Magttes), best friend ni Thunder.

"Ayoko, diko siya type saka sobrang gulo nun at parang kabute" sagot ni Thunder habang nag aayos ng gamit, biglang nag vibrate ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang nag text ngunit number lang ang nakalagay kaya napakunot ang kanyang noo saka binasa ang message.

Dear Kulog

Ang galing mong mag laro kanina, nakaka inlove ka. Sino yung babae kanina? Girl friend mo? Sabihin mong pag hindi ka niya tinigilan ay ingungudgod ko ang panget niyang muka sa sampung cactus.

Nag mamahal,

DYOSA 👰

Nahilamos nalang ni Thunder ang kanyang kamay sa muka niya pagkatapos basahin ang message.

"May bago na naman" sabi nito.

©

Ang DYOSA Kong Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon