CHAPTER 2

3.5K 103 1
                                    

Academics

Nakatitig si Kylie sa kanyang laptop habang pinag mamasdan ang mga picture ni Thunder sa Facebook.

"Bakit ang hot mo? Sayang nga lang dahil hindi kita ma-add" wala sa sariling sabi ni Kylie at sinave ang mga picture ni Thunder sa kanyang laptop.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinag masdan ang text niya kay Thunder na hanggang ngayon ay hindi pa nag re-reply.

Bumalik ang kanyang tingin sa laptop at sunod na sinearch ang pangalan ni Iris. Pag kakita niya nito ay hindi siya makapaniwala.

"Etong babaeng 'to famous? Siguro gumamit 'to ng Auto likes, malanding bruha talaga" sabi niya at inis na sinarado ang kanyang laptop saka humiga sa kama. Kinuha ulit niya ang kanyang cellphone saka nag type.

Magandang gabi kulog!

Siguradong napagod ka kaya pahinga ka okay? Sabihin mo sa akin kapag nilandi ka ulit ng bruhildang Iris na yun at hindi lang muka niya ang ingungudgod ko sa cactus.

Maganda pa sa gabi,

DYOSA 👰

"Tinamaan na ata ako sa taglay niyang kagwapuhan" sabi niya at ipinikit ang kanyang mga mata.

•~•

Kakapasok lang ni Kylie sa classroom nang salubungin siya ng kanyang mga kaibigan.

"Besh! Nag reply na ba?" Excited na tanong ni Yani ngunit umiling lang si Kylie. Takang-taka si Mark na nag papalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Wait lang besh ike-kwento ko muna kay bakla ang love at first sight mo" sabi ni Yani at sinimulan na ang pag k-kwento, makalipas ang ilang minuto...

"HAHAHAHA!" tawa ni Mark pagkatapos marinig ang buong kwento.

"Seriously Florentina?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mark sa kanya.

"Pero bakla may advice ako sayo, mag kaiba kayo ng school di ba?" Tanong ni Mark at tumango lang si Kylie. "Naisip mo ba na maraming pwedeng lumandi sa boylet mo doon? Dapat may mata ka sa school niyo" dagdag ni Mark.

"Ano yun? Dudukutin ko yung isa kong mata tapos ilalagay ko sa school namin?" Takang tanong ni Kylie kaya hinila ni Mark ang mahaba niyang buhok.

"Bruha ka talaga, usong gamitin ang common sense" sabi ni Mark at inirapan si Kylie.

"Ang ibig niyang sabihin besh ay dapat may spy ka sa school niyo at siya ang mag s-sabi sayo ng mga nangyayare kay Thunder" paliwanag ni Yani.

"Sino naman?" Tanong ni Kylie.

"Tara sa school niyo, mang hunting tayo" sabi ni Yani at ngumisi.

•~•

"Pre bakit di mo i-try replayan yung Unknown number para malaman mo kung sino yun" sabi ni Iros habang nag lalaro sa cellphone.

"Ayoko, baka isipin niya na ine-entertain ko siya" sagot ni Thunder.

"Sabi mo eh. Ano na nga pa lang plano mo kay Iris?" Tanong ulit ni Iros at tinago ang kanyang cellphone.

"Thunder my bebe loves!" napatingin silang dalawa sa sumigaw at nakita nila si Iris na tumatakbo papunta sa pwesto nila.

"Hayst" nasabi nalang ni Thunder at dumukdok sa lamesa.

•~•

Nag iikot sila Kylie sa Clarea University at nag hahanap ng mabibiktima. Pag liko nila ay may nabangga si Kylie.

Ang DYOSA Kong Girlfriend Where stories live. Discover now