Chapter 11 - Unknown Specie

52 1 0
                                    

"Sabi na eh! Kayo rin ang magliligawan!" sigaw ni Sera sa'min ni Pietr. Nandito kami sa park. Anong ginagawa namin? Nagde-de-nag Ugggh. Nagde-date. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala, na si Pietr, ang lalaking saksakan ng gwapo, talino, talento at lahat lahat na ay nakikipag date sa isang lukang tulad ko? Iba na talaga kapag maganda. Pft. 

"Bakit? May problema ka?" sagot ko naman with taray voice. Nahuli kasi kami dito sa park nitong sina Sera at Xander. Pagkatapos mag-away, date agad. Hanep.

"Austin, aalagaan mo yang babaeng yan. Isa yan sa mga sakit ng ulo ko. Mahirap na, baka maligaw pa yan." pagbibilin ni Sera kay Pietr.

"Opo, colonel." pagsunod naman ni Pietr.

"Siya? Colonel? Pa'no ako?" pag-iinarte ko sa kanya. Hwahwahwa.

"Hahaha. Kulit mo. Wag kang mag-alala, ikaw naman ang General ng buhay ko." sambit ni Pietr sabay pinch sa ilong ko. PFFFFT. WAAAAAAAAAAAAH. 

"Yak. Kadiri. Lumayas layas nga kayo sa harap ko." diring diring singit naman ni Sera.

"Nga eh. Eeew." pag-sang ayon ni Xander

"W-" magsasalita pa sana ako nang bilang dumating si Vea.

"HARUUUUUU GUUUUUUYS!" sigaw ni Vea.

"Halu." sagot ko.

"Aloha" bati ni Sera

"Konichiwa." sabi naman ni Xander

"Xie xie?" inosenteng sambit ni Pietr

"Hahahaha. Shunga. Ba't kayo napadpad dito?" walang modong tanong at sambit ng babaeng si Vera. Aba. Makatanong ah, parang hihingi lang ng piso eh. Nakiupo rin sya sa tabi namin, pinakamalapit si Sera sa kanya kaya ipinatong nya siko nya sa balikat nito.

"Nagde-date kami. Paki mo ba?" mataray na tanong ni Sera. Gruuubeeeeh. Ibang klaseng tarayan 'to ah.

 "Ah. Ang cheap nyo naman. Dito nyo pa napiling magdate. Eew." diring diring kumento ni Vea. Hahahaha. Mauutas na 'ko sa dalwang babaeng 'to. Lumayo siya sa pagkakadikit nya kay Sera at naghaukipkip ng kanyang mga braso.

"Alam mo, Vea. Ang ganda mo sana eh." with sexy voice na sambit ni Sera.

"Thank y-" magpapasalamat sana si Vea.

"Kaso hindi eh. WAHAHAHAHA." utas na tawa ni Sera.

Binatukan ni Vea si Sera. Awch. Masakit yun, fre. "Tak- Minomolestya mo ko ah! Ganda ng tawa mo ah." mapang-asar na sambit ni Vea

"Ah. Salamat." smirk ni Sera sabay himas sa batok nya. Geez. Maitim yan, pustahan. 

"Tawa lang yung maganda hindi yung tumawa." pang-aasar ni Vea then rolled her eyes

"Aba't-" inis na sambit ni Sera hanggang naghabulan na yung dalawang mangkukulam. Utas na lang kami dito nina Xander at Pietr sa kakapanuod sa kanila. Tsk tsk, mga batang ito talaga.

Habanag naghahabulan ang dalwang 'to, tumayo ako at pinagmasdan ko ang paligid. Bale, nandito kami sa pinaka center ng park, yung Pavillion. An'tahimik, tanging breeze lang ng mga puno ang naririnig ko (pati rin pala yung bunganga nung mga kaibigan ko) pero kung ifofocus moang tenga mo sa mga taong nagsasaya sa kalayuan, maririnig mo ang mga halakhak, hagikhik, tawa at kagalakan ng mga bata, teenagers at magulang na nagsasayahan. Yung dalawang lalaksot tawang tawang pinagmamasdan yung dalawang bruha.

In the corner of my eyes, may biglang lumipad na paper airplane. Sinundan ko ng tingin at nag landing sa buhok ni Pietr.

"Pietr. May airplane oh." tawag ko sa kanya.

The Art of Letting GoWhere stories live. Discover now