Chapter 7 - Ouchy Ouchy Ouch

77 0 2
                                    

(A/N: Babala. Ito ay HUMOR talaga. Nakakatuwa ang chapter na 'to. Pramis. HAHAHAHA. Dahil late ang UD. Medyo mahaba ang UD na 'to. Pambawi. Enjoy reading. :D )

[ Vea's POV ]

Wow. FIRST TIME kong mag POV dito. Sinarili na ni Aria ang pagkekwento sa inyo. Tsk tsk. Hi Guys! I'm really glad because this is my time to shine. *w* This is my Spotlight! Tahuheuhauha.

After ng incident sa mall hinayaan na lang namin na nawawala sina Xander at Sera. Mag-isa ako ngayon, nakaupo sa isang resto. Naghihintay ng Himala. Hanggang ngayon di pa rin ako makaget over dun sa kuya at batang na encouter namin.

May crush yung guy saken tapos si Baby Girl nagseselos saken? HAHAHAHAHAHA. No. Hindi nya alam ang salitang selos. Ito yung nararamdaman ko ngayon. Magkasama ang taong mahal ko at ang kaibigan ko. Sino bang mahal ko? Si Xander. And alam nyo yung worst? Pareho nilang gusto ang isa't isa. Tapos ako? Anong ginawa ko? Pinagdidikit ko pa sila. Ako yung ayieee ng ayieeee pero sa loob loob nasasaktan na ng husto. Sabihin nyo ng madrama pero masakit eh. Masakit magpanggap na masaya ka talaga. May Saltik din Utak ko eh. Alam na ngang nasasaktan ang puso ko kapag ginagawa ko yun, kaso Gora lang. Gora. Tapos iiyak? Wow. Magaling.

Mula bata pa lang kilala ko na si Xander. Pero ako, kailan man di nya maalala. Nerd kasi ako nung elementary days ko. Yeah. Tama kayo ng pagkakabasa. NERD ako. Sino nga naman bang maghahamak na pumansin sa isang nerd? At sinong magkakagusto rito? Wala, as in wala.

Hanggang tingin na lang ako noon sa kanya. Akala ko nga crush lang nararamdaman ko. Yun pala mahal na. Hindi ko sya kaklase pero schoolmate nya ako. At ako, sinusundan ko sya ng palihim, pinagmamasdan ng palihim, dahil sa kanya ngumingiti ng palihim at higit sa lahat nagmamahal ng palihim.

Hanggang dun lang naman ako eh. Sa lintek na palihim na yan. Wala akong lakas na humarap sa kanya. Weak no? Oh sige weak na nga! Ako na ngang Weak! Nakakainis.

Hindi man lang ako makapag react ngayon kahit nasasaktan na ako. Di hamak na epal lang ako dito eh. Ano nga bang karapatan ko na mareact sa kanila? May karapatan ba akong maselos? Wala! Ano bang iniaarte ko? Wala nga. Ano ba kulit ah. Binge lang? May luga ka? Haaaaay. Ganito ba talaga pag nababaliw ka dahil sa sakit? Langya naman oh. Masyado namang masakit eh.

Noon naman masaya na ako sa palihim na iyan kaso nung dumating na ang taong kinakatakutan ko, ang taong minahal ng taong mahal ko. Ouch lang. Parang pinapanuod ko ang mundo ko na nawawala sa paningin ko, parang hinigop na lang sya, dinala sa ibang lugar. Saang lugar? Sa puso ng ibang tao. Masakit malaman na ang puso nya may iba na ding laman. Sino? Si Sera. Bata pa lang din si Sera ng magkagusto na si Xander sa kanya. Love at first sight ang naramdaman niya dito. Isang beses lang naman sila nagkita eh. Eh ako? Araw-araw naman akong nasa school! Minsan nga nakakasalubong ko pa. Bakit ganun? Awch lang. Mas pinapansin nya yung taong hindi man lang sya dinapuan ng isang tingin noon.

Naiiyak na ako sa sakit. Sana nga lang iba na lang ang mahal ko para di ganitong sakit ang nararanasan ko. Nakakainis! Nakakainis! Hindi ko man lang makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. I need someone who can take this pain away from me. Nasan na? Nasan na? Tae naman oh. An'sakit sakit na eh! Masakiit! Ka ---

"Miss. Bakit umiiyak ka?" that question made me get back into my senses.

"Umm. Hindi ah. Napuwing lang ako."

Siya yung Guy na may crush daw saken according to Baby Girl. Yung nameet namin kanina.

"Nye. Basag na ang phrase na yan. Heto oh." sabay abot ng handkerchief sakin. Nakalimutan ko nasa mall pa rin nga pala ako. Ano ba to, nahuli ako sa Kadramahan ko. Public na public place, nag-iinarte. Nakow.

"No thanks. May Tissue ako."

"Mabuti naman. Sayang naman Hanky ko sayo."

"Wut?! Atsaka Hoy. Makasalita ah."

The Art of Letting GoWhere stories live. Discover now