Letter no.47

447 10 4
                                    

Chapter 47

Effort

"I saw it." Napatingin ako sa taong nagmamay-ari ng boses na iyun. Hindi ko siya sinagot sa halip ay pinagmasdan ko nalang si Papa na nakahiga ngayon.

Kanina pa umalis sila Kaila, may urgent emergency daw sila. May recording kasi siya, samantala si Dianna ay may unexpected photoshoot para sa Mega Cover niya. Si Lawrence naman ay tinawagan ng co-doctor niya, may surgery daw tapos si Jason, ayun magpapahinga daw muna kasi buong gabi siyang walang tulog sa kakadrawing ng blueprint.

Nangako naman sila na babalik din daw kaagad. Buti nalang talaga at nandito sila sa tabi ko parati.

"Forget it, nay. Hindi 'yun importante" wika ko. Tumabi siya sa akin.

"Yan ba ang sinasabi ng puso mo?" Tanong niya. Napangiwi ako. Puso na naman? Eh, palagi naman siyang mali e. Nakalimutan kong may utak pa pala akong dapat ring sundin.

"Palagi lang akong nasasaktan kung ang puso ang ipapairal, Nay. Nakakatanga na 'yun" wika ko.

"He's sincere, Yvone" aniya.

"Well,that's not what I saw, Nay. Kung totoo talaga ang mga sinasabi niya, bakit iba ang nakikita ko?"

"Because, hindi pa siya nag-oopen sayo"

Umirap ako. "No need. Mas mabuti na yung ganito. Atsaka, tapos na rin naman. Hindi ko na dapat pang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya, It's called self-respect." Ani ko.

Umiling si nanay Lori sa akin, bago niya hawakan ang kamay ko. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ito e.

"Alam mo, nasasabi mo lang yan kasi pagod ka na at masyado ka ng nasaktan. Kilala kita, Yvone. Kahit paulit-ulit kang saktan ni Kevin, yayakapin mo parin siya kahit na nagdurugo ka na sa sakit."

Napatingin ako sa kanya. Tama siya, I will still hold on to him, but not this time. Ibang storya na ang ngayon, sa noon.

"Noon yun, Nay. Iba na ngayon." Mariin kong wika. Para ba'y kinikumbinsi ko siyang maniwala sa akin, na tapos na ako kay Kevin.

Nagkibit-balikat na lamang siya. "Ikaw, bahala ka na. Uuwi muna ako sa bahay, nandoon ang mga tito at tita mo, pati na rin ang iyong ina." Pamamaalam niya. Tumango nalang ako.

Pagkalabas ni Nanay Lori sa kwarto ay napabuntong hininga ako. I'm now alone. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni papa.

Stay strong, pa. You can make it. I know you can.

--

Nakarinig ako nang kaluskos kaya ako nagising. Pagmulat ko sa aking mata ay nakita ko ang isang pigura. Napakunot ang noo ko sa nakita ko. He's still wearing his business attire while arranging the food in the table.

What is his doing here?

Mukhang napansin niya ang pagtitig ko kaya siya napatingin sa akin. He smile.

"Bakit ka nandito?" As much as possible, gusto ko maging casual ang aking pananalita, ngunit alam kong may lamig ang pagkakabigkas ko non.

"Let's eat." Aniya. Hindi ako kumibo, at hindi rin ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang siyang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

Why is his here? Hindi niya ba nahahalataan na lumalayo na ako sa kanya? Bakit kailangan nandito pa siya? I don't need him.

"Umalis ka na."malamig kong wika. Tumingin siya sa akin at para bay sinuri niya ang aking mukha kubg seryoso ba ako. Well, I am hella serious here.

Bahagya siyang tumawa. "Kumain ka na muna"

"Ayoko. Iuwi mo nalang 'yan" pagmamatigas ko. Pero sa katunayan, gutom na ako. Kagabi pa akong walang kain. At kung tama ang pagkakatanda ko, tanghali na.

A letter to Remember (Completed ✔)Where stories live. Discover now