[1] The Club

5.2K 105 9
                                    

Napaatras na lang ako nang makita kung saan ako balak dalhin ng dalawa kong pinsan. Nakalayo na sila ng ilang hakbang sa akin nang mapansin nila na nasa dulo na ako ng mga anino nila na umaandap-andap. Gawa iyon ng mga ilaw na kumikislap-kislap mula sa lugar kung saan sila papalapit. Bukod doon, puno pa ang lugar na iyon ng mga taong nagsasayaw kasabay ng malakas na tugtog. Na sa sobrang lakas, rinig iyon mula sa labas pa lang at para bang nasa hangganan na ng pinakamalakas na volume ang speakers.

"Club talaga?" I toss stares at them both, alternatingly.

"O bakit?" pagtataka ni Mackie. Inaayos niya ang cuff ng dark green long sleeve na suot niya para palitawin ang natabunan niyang mamahalin na relo. Moreno man ay nagko-compliment ang kulay ng suot niya sa kaniyang balat. At kahit Dad bod siya, hindi masagwa tingnan ang long sleeve sa kaniya.

"Ayaw ko dyan."

Natunugan ni Cynthia ang balak kong pagtakas kaya nilapitan niya ako at hinawakan sa braso. Hindi sapat ang naging lakas niya kaya tinulungan siya ni Mackie na hawakan din ako para hindi ako makaalis. Para tuloy kaming nagta-tug of war dahil sa hilaan na nagaganap.

"Nandito na tayo, aalis ka pa ba?" tanong ni Cynthia.

"Alam niyo naman na hindi pa ako nakakapasok sa ganiyang lugar," sagot ko. "Hayaan niyo na lang ako na umuwi."

Napabuntong-hininga si Cynthia at may pag-irap pa akong binitiwan. "Ano ka ba naman, Steve? Kung ikukumpara sa pera iyang edad mo, ilang araw na lang papel na 'yan. Dapat nararanasan mo na ang mga ganitong bagay."

Pinagmasdan ko siya. Naka-black off-shoulder dress siya. Not the usual her. Well, may make-up siya. That's usual. Sobrang kapal nga lang ng eyeliner. Pero 'yong damit niya, hindi siya ganiyan manamit. Masyadong maraming tela. Sanay kasi ako na halos makita na ang kepyas niya pero ngayon, balikat lang ang kita. Lampas tuhod pa ang dress niya.

"Come on, Steve. Hindi ba ang sabi mo gusto mo nang magpakalalaki para sa pamilya mo? Well, ito ang makakapagsabi kung talaga bang kaya mong magpakalalaki. Mga bata pa lang tayo, tayong tatlo na ni Mackie ang mga pinsan na pinaka-close sa isa't-isa at noon pa lang ay alam ko na ang ibig sabihin ng pilantik ng mga daliri mo. Bata ka pa lang ganiyan ka na and it is not something you can just change. Alam mo 'yan," dagdag niya sa sinabi.

Tumigil na ako sa pakikipaghilaan ng braso ko kay Mackie. "Kaya nga susubukan, hindi ba?"

"Tamang-tama. Club ito para sa mga straight. Marami kang makikilalang iba't-ibang klase ng babae rito. Mula sa ala-Maria Clara hanggang sa ala-Maria Ozawa. Yes, that wide of a range. Now, here's the deal: If you meet someone you like by the end of the night, fine, magpakalalaki ka na. Hindi ka na namin pipigilan. Pero kapag wala, please—just please—start being honest with yourself pati na rin sa pamilya mo."

Binitiwan na ni Mackie ang braso ko. "I agree with Cynthia. Think of this as tulong na rin namin sa'yo, Steve. You will realize here kung ano ka talaga. You can have a hook-up if you want. Hahayaan ka namin if you need to be on that extent para lang sa iyong self-discovery journey. Just ask for this if you need more," sabi ni Mackie sabay patong ng condom sa palad ko kahit hindi naman iyon nakalahad para manghingi. "Don't be dissapointed with yourself kung hindi mo talaga kaya. Kasi kami ni Cynthia, simula pa lang noong una, tanggap ka na namin. We will support you whatever your decision is. We're here since day one, buddy."

"Saka huwag kang mag-alala, treat ito ni Mackie sa'yo. Syempre kasama na rin ako."

Nakakunot-noo kong tanong, "Bakit? Para saan naman?"

"'Di ba malapit ka na mag-birthday? Advance celebration na natin ito kasi hahayaan ka muna namin na maka-bonding iyong family mo sa mismong brithday mo. Alam naman namin na uuwi ka at napagdesisyunan namin na hindi na muna sumama. We will let you have time for them." Nagpatanong ng kamay si Mackie sa balikat ko. "In a few days, you're turning twenty. Bata ka pa pero alam mo 'yon, tumatanda ka na rin. You're in that age. I guess it's good for you as well na maranasan rin ang mga ganitong klase ng fun."

The Eve Between Adam and MeWhere stories live. Discover now