22

1.7K 94 24
                                    

Tama ba ang numbering ko? hahahaha!

22

"Edzrael, may mga kumakalat na balitang ang mga rebeldeng kilusan ay naghahanap ng mga bagong kasapi. Ang aming sapantaha'y may magaganap na pag-aklas laban sa pamahalaan." Balita sa kanya ng kaibigang si Restituto.

"Estong, ang nais ko'y tahimik na pamumuhay kasama ang aking kabiyak at ang bubuuin naming pamilya. Ayaw kong malagay sa panganib ang kanyang buhay."

"Nauunawaan ko, kaibigan, subalit kailangan rin nating magkaisa dahil sa pagmamalabis na ginagawa ng ilan."

"Kung sakali mang ako'y hindi pa lumagay sa tahimik, Estong, hindi ako magdadalawang-isip na sumapi sa kilusang alam kong makakabuti sa ating bayan. Subalit, mas mahalaga ang aking si Arabia, mas mahalagang lagi siyang ligtas sa kapahamakan. Ikinalulungkot ko."

"Kung gayo'y tutuloy na ako, Edzrael. Alam kong ang ating napag-usapa'y mananatiling sikreto."

"Makakaasa ka, Estong. Ika'y mag-iingat."

Isinara ni Edzrael ang pinto, alam niyang hindi na maganda ang mga nangyayari sa paligid. Ngayon mas kailangan ni Arabia na makabalik sa kanyang panahon.

"Anyare? Talagang sikretong malupit ang huntahan ninyo ng iyong bff?"

"Arabia, kailangang malaman na natin ang paraan upang ika'y makabalik sa iyong panahon. Mapanganib na sa aking panahon."

"Bakit?"

"Ang alam ko'y may pinaghahandaan silang pag-aaklas, may mga taong naghahanap para sumapi sa kilusang hindi nais ang pamamahala ng iilan."

"Wow! Ameyzing! Hindi ko akalaing real na real pala talaga ang mga Hukbalahap noon."

"Hukbalahap?"

"Ay mali! Panahon pala yun ng Hapon. Sali tayo, Edz! Gusto kong maging active sa mga ganern. Malay mo, magiging parte ako ng history, tapos maisasali ang namesung ko sa mga taong nagtahi ng unang bandila ng Pilipinas, Arabia Villar y Mariano! Syet! Yung Villar ang nagdala."

Seryosong napatingin sa kanya si Edzrael. Napakamot na lang ng ulo si Ara.

"Sorry na. Na excite lang naman ako. Sige na, hindi na lang, pag-pray ko na lang si Bae Jose at Bae Andres."

"Hindi ginagawang biro ang ganyang mga bagay, Arabia. Bukas ay babalikan natin si Impong, magbabakasakali tayong may makukuhang sagot."

"Sige. Sorry na."

"Magpahinga ka na sa ating silid. Kung sakali mang wala tayong makukuhang kasagutan, gagawin ko ang lahat upang lagi kang ligtas, Giliw ko."

Napangiti si Arabia. "Bayern! Matutulog na lang ako, kailangan ko pang maihi sa kilig. Don't me naman, Edz, baka magising na lang akong inlab na ng beri beri light sa iyo."

"Matulog ka na,"

"Nyt nyt, Giliw ko. Lablab."

"Ha?"

"Ang sabi ko'y magandang gabi, ginoo. Ako'y matutulog na."

Tumango-tango si Edzrael. "Nyt nyt rin, Giliw ko. Lablab." Panggagaya ni Edzrael sa sinabi niya.

"Syet!" Tawang-tawa si Arabi na kinikilig.

************************

"Magandang hapon po, Lola!" Masiglang bati ni Arabia sa matandang malayo ang tingin. Ilang oras din silang naglakad pero parang nakasanayan na niya kaya hindi na ganun ang pagod na nararamdaman.

Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon