16

1.7K 102 12
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

16

"Nakakawindang ang wish ng Mama mo!"

"Ha?" Kaaalis lang ng Mama ni Edzrael.

"Ang ibig kong sabihin, ginoo, kung alam lamang ng iyong ina kung saan ang aking bayang sinilangan! Baka ngayon pa lang, hindi na niya nanaisin na magsama tayong dalawa."

"Nababanaag ko sa mukha at tinig ng aking ina na siya'y may dinadalang mabigat na suliranin."

"Feel ko rin, Edz."

"Halika na't lalamig na ang iyong nilutong almusal, batid kong kumakalam na rin ang iyong sikmura."

"True!"

Pagkatapos kumain ay dumirecho na sila sa taniman upang hindi abutin ng tirik ng araw.

"Edz, ilang araw na lang kabilugan nan g buwan, hindi ba?"

"Oo, Ara. Tila yata ilang beses mo ng tinanong sa akin ang bagay na iyan."

"Nag-aalala kasi ako. Paano kapag hindi na ako makabalik? Paano pag dito na ako habang buhay?"

"Ara, tanging ang tadhana lamang ang nakakaalam ng kasagutan sa lahat ng mga katanungan nating dalawa. Isa pa, ilang beses ko ng sinagot ang katanungan mong iyan. Kapag ika'y nanatili sa aking panahon, makakaasa kang hindi kita pababayaan."

"Salamat Ginoong Edzrael! Mabuhay ka!"

*********************

"Edz?'

"Hmmmm. Malalim na ang gabi, Arabia. Hindi ka pa ba matutulog?"

"Edz, full moon na eh."

Nakahiga na sila pero kahit inaantok ay ayaw matulog ni Arabia. Naghihintay naman sa kanya si Edzrael dahil ang nakasanayan nila ay hihintayin muna siya nitong makatulog.

"Ara, ipanatag mo ang iyong kaisipan."

"Oo na. Edz, sana paggising ko, bumalik na sa normal ang lahat."

****************************

Tili ni Arabia ang nagpagising kay Edzrael. Agad siyang bumangon at hinanap ang kanyang gulok dahil ang akala niya ay may gulo.

"Easy lang Edz! Okay lang, tumingin ka sa paligid. Tignan mo!" Tuwang-tuwa si Arabia. Saka naman parang nahimasmasan si Edzrael.

"Nakabalik na ako sa panahon ko, Edz! Nandito na ulit ako! Naririnig ko na ang ingay ng kapitbahay, ang tunog ng jeep! Edz ang saya-saya ko talaga!"

Napabuntung-hininga na lamang ang binata. "Hindi pa pala normal ang lahat, Arabia dahil naririto akong muli sa iyong panahon." Malungkot na sabi nito.

Saka lamang naisip ni Ara na hindi nga pala nakatira sa panahon niya ang binatang kaharap.

"Sorry. Masyado lang akong na – excite. Hayaan mo, babalik din sa normal ang lahat. Naniniwala tayo, 'di ba na may paraan talaga paano maibalik sa dati ang lahat?"

"Oo, Arabia."

"Kaya go lang ng go! Push lang ng push! Halika na, maghanda na tayo ng ating almusal!"

Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon