17 - Matt

2.2K 106 23
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

17

"Pagpasensiyahan mo na si Makhai ha, concerned lang talaga yung tao."

"Hindi ko dinibdib ang kanyang mga tinuran, Arabia. Iwaglit mo sa iyong isipan na ako'y nanibugho sa kanyang mga kataga."

"Salamat naman kung ganoon, Ginoo. Halika na, kailangan na nating maningil ng mga pautang ko. Yung Tagalog mo, lume level up na naman!"

"Ara! ISang buwan ka ring nawala ah! Saan ka ba nagsususuot?"

"Nagbakasyon lang po." Palusot niya. Iyon din ang sinabi nila kay Makhai, na sobrang na stress siya sa mga nangyari sa kanya kaya sumama siya sa probinsya nina Edzrael. Alam niyang hindi naniniwala ang kaibigan pero wala siyang ibang maisip na alibi.

"Kaya pala nanaba ka, iha. Akala ko naman nag – asawa ka na't nag honeymoon kayo."

"Po? Si Koya naman! Joker lang? Wala nga akong nobyo, asawa pa kaya?"

"Akala ko'y siya ang nobyo mo?" Inabot nito ang bayad kay Arabia.

"Ahhhh, si Edz ho." Pakilala niya sa binata.

"Magandang hapon po, Ginoo. Ikinagagalak ko kayong makilala. Magkaibigan lamang po kami ni Arabia."

"Ay ganun ba? Hindi ka pa rin ba sinasagot? Naku naman, Ara, sagutin mo na 'to, mukha namang mabait at masipag ding tulad mo."

"Ay naku, Mang Tino, puro po kayo biro! Hayaan nyo po't pag-iisipan ko na sagutin na si Edzrael. Sige po, marami pa kaming sisingilin. Basta dalawang dosenang peanut butter ang order nyo."

"Lubhang nakakatuwa ang karamihan, Arabia. Iniisip nilang ako ang iyong kabiyak."

"Sows, hayaan mo ang mga yan."

"Arabia, ako'y nag-aalala."

Napahinto sa paglalakad ang dalaga. "Bakit?" Nagtatakang tanong nito.

"Nag-aalala ako sa maaaring isipin ng iyong mga kaibigan o kamag-anak."

"Ano naman ang iisipin nila?"

"Na..." Nag-alangan ang binata kung itutuloy ang sasabihin o hindi.

"Na?"

Namula si Edzrael kaya natawa si Arabia.

"Nagbu-blush ka? Ameyzing! Oiiii! Alam mo ba na kapag namumula, ibig sabihin daw nahihiya o hindi kaya nakita ang crush niya!" Tukso nito.

"Crush?"

"Yah, crush, parang equivalent ng mahal mo, ay hindi pa pala, parang babaeng gusto mo. May gusto ka sa akin 'no? Crush mo ako?"

Mas lalong namula si Edzrael. Hindi na tuloy niya alam kung ano ang sasabihin.

"Biro lang. Pulang-pula ka na! Seryoso na, ano bang ipinag-aalala mo?"

"Ha? Ah, mamaya na lamang pagkauwi natin."

Naputol ang usapan nila ng mapunta sila sa susunod na sisingilin.

"Ara! Mabuti naman at nagpakita ka! Aba, isang buwan ka ring nawala ah. Alam mo bang dumating na si Matt galing ng Japan?"

"Nagbakasyon lang po Aling Gigi. Kumusta naman po siya?" Napilitan niyang tanong. Masugid na itong manliligaw at wala siyang balak na sagutin ito. Gwapo naman pero ubod ng yabang.

"Gwapo pa rin. Ang dami nga niyang pasalubong na tsokolate para sa iyo."

"Ganun po ba? Ah, Aling Gigi, maniningil na po sana ako, alam nyo na, kailangang-kailangan ko na ho ng kapital. Naubos sa pagbabakasyon ko."

"Oo nga pala. Sandali." Pero pagbalik ay nagtanong na naman sa kanya. "Hindi ba siya rin ang kasama mo nung huli kang nagdeliver ng mga paninda mo?"

"Ay opo, si Edz."

"Magandang araw po."

"Siya ba ang kasama mong nagbakasyon?"

Minsan talaga, napaka chismosa ng mga tao sa paligid, sa isip niya. Pamangkin kasi nito si Matt. "Opo. Sige po Aling Gigi, marami pa kasi kaming sisingilin."

"Hay naku, Edz! Pasensiya ka na ha kung lahat na lang yata ng tao nagtatanong tungkol sa iyo." Pauwi na sila at nag-aabang ng masasakyan.

"Tila yata walang ipinagkaiba ang panahon mo at panahon ko, Arabia. Sadyang may mga taong ang kasiyahan ay pag-usapan ang ibang tao."

"Sinabi mo pa! Tapos dumating pa ang Matt na yun, naku! Matutuyo na naman ang dugo ko sa kunsumisyon!"

"Huwag mo sanang mamasamain, maaari ko bang malaman kung sino si Matt?"

"Manliligaw ko. Hindi mo naman siya masisisi, hindi ba? Ang ganda ganda ko."

Napangiti si Edzrael. Napatango.

"Yan ba! Magkakasundo talaga tayo." Nung dumating ang jeep ay agad silang sumakay. Marami pa kasi silang aaasikasuhing dalawa. At hindi rin pwedeng mawalan siya ng pagkakakitaan.

"Alam mo Edz, bigla kong na miss yung lugar mo, sariwang hangin, sariwang prutas at gulay, walang traffic katulad nito, at higit sa lahat, napakamura ng bilihin!" Napatingin siya sa labas ng bintana ng sinasakyang jeep. Tiyempo namang may nakatapat silang isa pang jeep.

"Lola? Lola? Hala! Edz si Impong Consolacion!" Sigaw ni Ara dala ng pagkagulat.

"Ang singsing, Ara. Kailangang makita ninyo ang dalawang singsing." Dinig na dinig niyang sabi nito bago pa umandar ang sinasakyan nitong jeep.

"Lola! Mama, para!"

"Miss, hindi pwedeng bumaba rito!" Sigaw ng driver, umandar na rin ito dahil.

Nagtataka naman ang mga pasaherong kasakayan nila.

"Edz, si Lola, nakita mo ba? Nandun siya sa jeep na yun. Mamang driver, baka po pwede nating matapatan ang jeep nay an. Yan po!"

Pero walang Impong Consolacion na nakita ang dalawa. Ibang matanda ang nakaupo sa pwesto kanina ni Lola.

Namalikmata lamang ba siya? Pero dinig na dinig niya ang sinabi nito tungkol sa singsing.

Namatay na ba si Lola?

Nagmumulto na ba ito?

Pero malayo pa ang Halloween para sa katatakutan?

***********

Bakit bihira akong mag-update ng stories? Kasi busy ako mag COC! Hahahahaha! 

Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon