Letter no. 46

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm sorry, Mrs. Sanchez" umalis na ang doctor, pagkatapos non.

Inalalayan ko si mama sa pag-upo sa upuan. Nanghihina siya. Alam ko 'yun.

"Ma, stay strong. This isn't the end, okay?" Ani ko. Tumango lang siya pero umiiyak pa rin. Yinakap ko nalang si mama.

"Hindi ko kayang mawala ang papa mo. 'Di ko kaya..."

Nakatulog si mama sa kakaiyak. Habang ako, ay agad na pumunta sa canteen ng hospital para bumili ng pwede naming makakain. Hindi pwedeng hindi kami kakain. Baka mahospital din kami. Mahirap na.

Si nanay Lori nalang ang pinabantay ko kay mama at papa habang bumibili ako. Ang hirap pala. Ang hirap pala sa ganitong sitwasyon. Yung taong pinagkukunan mo nang lakas, sila na ngayon ang mahina. Tapos ikaw... ikaw mismo ang kinakapitan nila. Habang ikaw, wala ka nang makapitan pang iba.

I wished na may nagcocomfort din sa akin ngayon. Para kahit papaano ay may malabasan din ako ng sakit na naririto sa aking dibdib. Para gumaan rin ito ng konti.

Papabalik na ako ng room ni papa ng biglang nagring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan.

It's Kaila...

She's calling. Agad ko itong sinagot. Umupo ako sa bakanteng upuan sa labas ng mga silid.

"Oh My God! I heard what happen! Kamusta na, vone? Kamusta si tito? Maayos na ba ang lagay niya? We're on the way na." Natataranta at nag-aalala niyang bungad. Mas lalong bumigat ang dibdib ko.

Hindi ako nagsalita. Puro hikbi lang ang ginawa ko.

"Say something, Ronica." Rinig kong ani ni Dianna sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas upang magsalita.

"H-he's not fine. Hindi siya nag-iimprove. A-ang sabi ng doctor, h-hindi pa nila alam i-if dad can m-make it..." pumiyok ang boses ko. Humikbi ako lalo. I'm tired. I'm really tired.

"Be strong..." ani nila. I'm trying.

"I-I don't know what to do. Mom is stressed right now. She's lacked of sleep. And... I am physical, mental and emotinal tired."

"We're here, Yvone. We got your back. Nandito lang kami. Di ka namin iiwan. Sabay natin haharapin anh problema mo okay? Tito is a wonderful man. Hindi siya kukunin agad. Have faith" ani ni Kaila. Tumango ako kahit hindi nila nakikita. "Kita nalang tayo dyan. I'll hang up na. The driver is mad as hell. Pray for our safety"

Agad kong binaba ang cellphone ng naputol na ang linya. Umupo lang ako doon habang umiiyak. Nang mahismasan na ay doon pa ako tumayo at naglakad papasok sa room ni papa.

Pagpasok ko doon, ganon parin, walang pinagbago. Nakapikit parin siya at hindi gumigising.

"Labas muna ako, Yvone." Pamamaalam ni Nanay Lori. Tumango ako. Tumayo siya at lumabas, kaya umupo ako sa upuan sa gilid ng hospital bed ni papa.

Katulad kanina, hinawakan ko ang kamay niya.

"Ang ganda siguro ng panaginip mo pa, noh? Ang tagal mo kasing magising. Hulaan ko, nakikipaglabing-labing ka kay mama dyan noh?" Natatawa kong biro. Pars akong tanga dito, tumatawa at nagsasalita na mag-isa.

Pinunasan ko ang luha na tumulo galing sa mata ko.

Ngumiti ako. "Pa, alam mo bang bago ko malaman na inatake ka, ay umiyak din ako? Paano kasi, hindi na naman ako pinili ni Kevin, though hindi ko naman siya pinapili."

Pinagmasdan ko ang wedding ring ni papa kaya mas lalo akong napangiti ng mapait.

"Alam mo pa, umiiyak si mama. Hindi siya nakakatulog ng maayos kasi gusto niya na siya ang una mong makita pagkagising mo."sabi ko. "Ang corny noh? Siguro kung narinig mo 'yun, tutuksuin mo yun. Pero aminin mo, kinilig ka don"

A letter to Remember (Completed ✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon