"Now, you spill. Andrei?" Tanong ko pagkatapos kong dumaldal ng dumaldal tungkol kay Adam.

"Gosh bes, hindi ko alam na hulog na hulog ka na pala sa Padilla na yun. You talk about him like he's a superhero who saved you from death." Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong umiiwas lang siya sa tanong ko.


"Well you're not the only one who has an admirer. Hindi ko nalaman na pinapasundan niya ako mula ng umalis ako, I found out about a month ago so basically hindi ganun katagal ang pagtatago sayo ng tungkol sa amin. We saw each other in a coffee shop last month and I guess we talked, to you know catch up.  And it just kind of happened, he explained his side I forgave him then poof we're back together. But this time wala ng Julia." Tinitigan ko siya sandali bago napailing na lang. That's her life and she's my best friend I should be happy for her.

"After this we are going to a bar and you can't say No. Lumabas ka na rin ng walang paalam sulitin mo na dahil baka hindi na maulit." Sabi niya at hindi na ako hinyaang tumanggi pa.


Habang naglalakad kami papaunta sa kotse, my phone started ringing kaya sinabihan ko na muna si Sab na mauna na siya at susunod na lang ako for me to take the call.


Adam calling...


"H-hello?" Mahina kong bati.

"Amethyst Jade Bernardo where the hell are you?! Sinong kasama mo? Well I already know who pero mahigpit kong sinabi kay Sabrina na wag kayong lalabas at lumabas pa rin kayo. Imagine my surprise ng pagdating ko dito ay wala ka?" Mabilis niyang sabi sa kabilang linya.


"Well we're on our way to a bar right now. Magpapaalam dapat ako kaso hindi ka sumagot wala naman kaming gagawing masama. And wait you're back? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Sagot ko narinig ko naman siyang bumuntong hininga sa kabilang linya na parang pinapakalma niya ang sarili niya.

"I was supposed to surprise you pero mukhang ako pa ang nasorpresa ng wala akong maabutang Amethyst sa bahay. Now answer me saang bar kayo pupunta?" Tanong niya napailing naman ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.


"Kapag sinabi ko sayo kung saan I'm sure na pupunta ka lang at hihilahin ako pauwi so nope not gonna tell ya. Besides don't worry as I keep on saying wala naman mangyayaring masama sa akin. Andrei is with us. " Sagot ko and I heard him grunt.

"Dapat na ba akong matuwa na kasama niyo si Andrei? Mas lalo mo lang akong pinag-alala I perfectly remember what she did to my sister and your best friend. At baka nakakalimutan mong not even a week ago someone tried touching you which is why I don't appreciate you going out to a bar. Kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan kayo don't worry I'll still pick you up in an hour." Hindi niya na ako pinagsalita pa ulit at binabaan na ako.


Napalunok ako at nakaramdam ng kaba dahil sigurado akong hindi nagbibiro ang isang yun. But the excitement bubbling inside me is undeniable.



Adam's POV

Wala pang isang oras, naibigay na sa akin ang whereabouts ni Amethyst. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ng pumunta doon. Mabilis lang akong nakarating at mas lalo lang nainis ng maabutan kong sobrang dami ng tao na nandoon.

Strong (K.N)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora