CHAPTER 45: LIFE AFTER DEATH

1.2K 52 5
                                    

CHAPTER 45: LIFE AFTER DEATH

Alexa's POV

"Wala pa bang balita sa pumatay sa akin?", tanong ni Lea habang nakatambay kami sa kwarto. Araw araw niya tinatanong yan sa akin.

"Wala pa.", sagot ko.

"Tayo na lang kaya maghanap?  Hindi ko kaya na umupo na lang dito.", reklamo niya.

"Ano ka ba Lea?  Mapapahamak si Alexa kapag ginawa niyo yan.", sagot ni Faith sa kanya.  Ganyan lagi ang nangyayari tuwing sasabihin ni Lea na kami na lang ang maghanap sa killer.

Pabagsak akong humiga sa kama.

"Blue,  nakikiliti ako.", kinuha ko si Blue mula sa pagsiksik niya sa leeg ko. "Ikaw talagaLagi ka na lang sumisiksik sa leeg ko.", sermon ko sa kanya.

Hiniga ko siya sa tabi ko.

"Hoy!  Ano nangyayari sayo?", napaupo ako bigla nang marinig ko si Lea. Nakatingin siya kay Faith na kasalukuyang nakaupo na sa sahig.

"Faith ayos ka lang??", nilapitan ko siya.

Nakahawak siya sa dibdib niya na para bang nahihirapan siya huminga.

"Faith!", tawag ko sa kanya.

Tininan ko ang kamay niya. Unti unti itong naglalaho.

"Alexa...", tumingin siya sa akin. Halata sa mukha niya ang takot.

"FAITH!", sigaw ko nang tuluyan siyang maglaho. Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko pero hindi ko na siya makita.

Lumabas ako sa kwarto pero si Andrea at kuya lang ang naabutan ko doon.

"Ayos ka lang baAno hinahanap mo?", tanong ni kuya.

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap kay Faith. Tinignan ko ang banyo,  at ang iba pang kwarto.

"Ano ba nangyayari sayo?", hinawakan ako ni kuya sa balikat para patigilin.

"Kuya si Faith...", sabi ko sa kanya.

"Sinong Faith?", tanong niya.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now