Chapter Nine

469 13 0
                                    


Sophie POV:

"Kamusta ang naging pagbabalik niyo sa States?" tanong ko.

Nandito kami sa sala, nakaupo kumakain lang ng meryenda. Pero habang pinagmamasdan ko sila masaya na ako. Kasi miss ko na talaga sila these passed few months made me realize that I can't work alone.

"Maayos naman ang nangyari, but some problem happen, pero naayos agad bago kami bumalik," serious na sagot ni Celes.

Tumango-tango lang ako sa kanya. Paano kasi sobrang serious?

"Nasaan si Uncle Sam, Princess?" narinig kong tanong ni Tifa.

"Nasa Study Room niya," sagot ko.

 Tapos bigla na lang tumayo si Celes, para namang ewan ito, kaya nga mahirap intindihin ang mga ito.

"Magpapahinga lang ako, Princess," paalam niya. Ako tumango lang bilang pagpayag.

 Naiwan kami ni Tifa sa sala, uminom ako ng juice. Parang hindi ko gusto ang flavor ng juice na ito. Tiningnan ko anong flavor ito.

"Aling Graciana!" tawag ko.

Pumunta nga siya.

"Ano pong problema?" tanong niya sa akin.

"Pwede po bang ikuha niyo ako ng ibang juice, iced tea po ang gusto ko," hiling ko.

Tiningnan niya ang baso ng orange juice. Mukhang nagtataka siya sa basong hawak ko.

"Bakit po?" nagtatakang tanong ko.

"Sino po ang nagdala niyan?" tanong niya rin sa akin.

"Si Ate Celes ang nagtimpla niyan," sabat ni Tifa, kaya naman napatingin ako sa tinahak ni Celes kanina.

"Sige po Aling Graciana huwag na lang po," sabi ko sa matanda.

Umalis na lang siya ulit, nakakahiya naman ang akala ko galing talaga ito sa katulong na nagdala. Iyon pala si Celes pala ang gumawa nito. Hindi ko siya napansin kanina na nagpunta sa kusina.

"Ganyan talaga si Ate Celes, gusto niyang siya ang gagawa. Mahilig kasi siya sa Orange juice," nakangiting kwento ni Tifa.

"Oo nga pala, nakalimutan ko na 'yon," pagsang-ayon ko.

"Do you missed us Princess?" niyakap niya ako. Ganito talaga si Tifanny malambing siya.

"Of course, I do miss you all. Hindi ka pa ba magpapahinga?" balik ko.

Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin.

"Yeah, I'm actually really tired," papikit-pikit na rin siya ng mata. Ang cute niya talaga.

Inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa malambot niyang kama. Sa paligid kasi ng kama niya ay puro manyika. Paborito kasi niya ang mga doll.

 Maglalakad na sana ako palabas ulit ng silid niya.

"Princess I'd miss you so much," ungol ni Tifa.

Naglakad na ako palabas. "I miss you all so much too," binulong ko sa hangin.

Magpupunta naman ako kay Uncle Sam sa Study Room.

Ngayon ay nasa harap na ako ng Study Room. Kumatok muna ako bago pumasok. Tapos pumasok na rin ako pagkaraang marinig ang boses ni Tito Sam.

Naabutan ko si Uncle Sam may binabasa na papel. Mukhang seryoso ang binabasa niya.

"Tito naayos mo na ba ang papel nila para sa pagpasok sa school?" tanong ko.

May inihagis siya sa aking folder. Ibinuklat ko agad iyon, ikinatuwa ko naman nang mabasa ang mga nakasulat doon.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon