"Please, Qui ma-makinig ka naman" sabi ni Kisses na nakaupo ngayon sa sahig
"Putangina nyong dalawa" sabi ko at lumabas na sa unit ni Mike
Hindi nya ako hinabol. Alam kong puno sila ng takot ngayon pero wala akong pake
Masyadong masakit. Yung bestfriend ko pa talaga sumulot sa boyfriend ko? Ok pa sakin kung ibang tao pero grabe, yung taong pinagkukwentuhan ko kapag kinikilig ako kay Mike pala ang syang aagaw sakanya
Paglabas ko ng tower ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikisama pa sakin
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa park na pinagiintayan ko kanina
Naupo ako sa swing, sumasabay sa buhos ng ulan ang buhos ng luha ko kaya di mo na alam kung umiiyak ba ako o ano
Napakadilim ng kalangitan, walang bituin
"Bakit?" Iyak ko habang palakas nang palakas ang ulan
Nagulat ako nang biglang tumigil sa pwesto ko ang ulan
May payong na nasa ibabaw ng ulo ko
"Wala bang tubig sainyo at dito ka pa naliligo?" Sabi nya sakin
Nilingon ko sya at di ko naman matandaan ang mukha nya
"sino ka?" Barado na ang ilong ko sa sobrang pag-iyak
"Dun muna tayo sa silong baka mabutas na yung payong ko sa lakas ng ulan" nginitian nya ako
Di ko alam pero kahit di ko sya kilala ay sumama ako sa kanya
"Bat mo ko nilapitan? Di mo naman ako kilala" sabi ko
"Sus di kilala ka dyan, magkaschoolmates tayo" sabi nya sa akin
Nasa labas kami ng isang convenient store
"Gusto mo ba ng kape?" Tanong nya sa akin
Tumango nalang ako. Nilalamig na ako masyado
Naalala ko nanaman ang mukha ni Kisses at Mike kaya nagsimula nanamang magsituluan ang luha mula sa mata ko
"O, nasa silong ka na, basa parin yang mukha mo" sabi nya sakin at pinunasan ng tissue ang mukha ko
"Salamat dito" minuwestra ko ang kape
"Walang anuman" sabi nya sakin
"Kung gusto mong maglabas ng sama ng loob, andito lang ako" sabi nya
"O-okay lang ako" sabi ko at tumungo sa lamesa
"Ngayon lang ako nakakita ng okay na muntik nang malunod sa ulan" sabi nya sakin
"Yung boyfriend ko, n-niloko ako. Bestfriend ko pa ang kabit" natatawa kong sabi at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko
"Si Mike at Kisses?" Gulat nyang tanong
Parang bumagsak yung puso ko nung narinig ko ang pangalan nila
"hala shit di ko sinasadya, sorry sorry" sabi nya at agad na pinunasan ng tissue ang mukha ko
Nang kumalma na ako ay kumalma narin ang mukha nya
"Thank you kasi di mo ko iniwan" sabi ko sa kanya
He mumbled something pero di ko na pinansin
"Alam mo bang bawat tao ay may string na nakakabit sakanya? At ang kabilang dulo ng string ay ang taong makakasama nya habambuhay" sabi nya bigla
"Huh?"
"Ewan ko tawag dun basta yun. Nababasa ko lang tsaka napanood ko din. May isang taong nakatadhana sa atin, minsan may mga taong akala nating nakatadhana pala sa atin pero akala lang yun. Kasi hindi naman sakanila nakakabit ang kabilang dulo ng string mo" sabi nya
Kahit magulo ay nakinig labg ako sa kanya
"Meron namang ibang tao na dalawa o higit pa ang nakakabit sakanya. Ibig sabihin nun maraming nakatadhans sakanya. Pero hindi pwedeng maging vice versa yun. Isa lang ang pwedeng mahalin ng isang tao. Marami ang pwedeng magmahal sa isang tao"
"Kung sakaling may isang taong dalawa ang nakakabit sa kanya, kapag napili nya yung isa, marereconnect yung isa sa ibang taong sunod na karapat dapat para sa pagmamahal nya"
"Naniniwala ka dyan?" Tanong ko
"Oo naman, naniniwala din ako kay kupido. Sya ang nagttrabaho ng strings na yan. Kapag nga nangyari yung huli kong sinabi, hindi lang yung tao ang nasasaktan, miski si kupido nahihirapan" sabi nya at parang proud na proud sya sa sinabi nya
"So ibig sabihin, hindi kami itinadhana ni Mike?" Tanong ko
"Wala akong sinasabing ganun. Malay mo, magkakabit ang strings nyo pero hindi pa ito ang tamang oras. Malay mo rin namang akala nyo lang magkakabit ang strings nyo. Si kupido lang ang tanging nakakaalam" sabi nya at sumipsip sya sa inumin nya
"Ang dami mong alam" natatawa kong sabi
"Napatawa kita" nakangiti nyang saad
Saglit kong nalimutan sina Mike at Kisses dahil sa pinagkukwento netong si...
"Anong pangalan mo?"
"Drake"
Drake.
