1

0 0 0
                                    

"Mike, andito na ako" sabi ko sa boyfriend kong kausap ko ngayon sa telepono

"Sige sige susunod na ako" sabi nya sa akin

Para syang nagmamadaling ibaba yung tawag

Paalis palang naman ata sya sa condo nya, baka nga di pa nakakahanda yun. Knowing Mike

Surpresahin ko nalang kaya sya? Sige

Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ng tower ni Mike pero bago yun ay dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng ice cream

Pareho naming favorite ni Mike ang ice cream kaya kapag date nights or bonding namin ay ice cream ang number one present sa kakainin namin

"Manong sige po, dun na sa tower" sabi ko kay manong driver

Di ko alam pero lumalakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa condo ni Mike

Siguro epekto nya talaga sakin 'to. Mahal na mahal ko si Mike, actually dalawang taon na kaming magkasama

"Salamat po manong, eto bayad" sabi ko at bumaba na mula sa taxi

Habang pinipindot ko ang floor number ng unit ni Mike ay kinakabahan ako. Naeexcite akong makita sya eh

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto nya nang may marinig akong sigaw

"MIKE! AH!" Nanlaki kaagad ang mga mata ko at agad agad kong binuksan ang mga mata ko

Naibagsak ko ang dala ko sa nadatnan ko sa loob

"K-Kisses? M-Mike?" Nanginginig ang buong kalamnan ko sa nakita ko

Nakapatong si Kisses sa nakahubad na si Mike at nakahubad din sya

"K-kelan pa? Mga hayop kayo" sunod-sunod ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko

"I'll expl-"

"Fuck you. Sinabi ko bang magsalita ka?" Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang inis

Kilala nila ako, hindi ako nagagalit kaya iniiwasan nila akong galitin dahil alam nilang kapag ako nagalit, iba na

"Magbihis kayo" nagpipigil kong sabi

Nagmamadali silang dalawang pulutin ang mga damit nila at nagbihis

Tuloy tuloy parin ang pag-agos ng luha sa mukha ko

"Mga putangina, kelan pa?" Nanggigigil kong sabi

"L-last month" nauutal na sabi ni Kisses

"Qui, let me explain"

"wag na, puro katalkshitan lang din naman sasabihin mo" sabi ko kay Mike

"Q-qui, I'm sorry" nakatungong sabi ni Kisses

"Ikaw, puta ka. Boyfriend ko sinulot mo. Kaibigan kita, tangina bestfriend pa. Anong ginawa mo?" Pigil na pigil akong sabunutan sya

"M-mahal ko s-si Mike" sabi nya

Di ko na napigilan at hinablot ko na sya sa buhok

"Mahal mo si Mike!? Tangina mahal mo ang boyfriend ko!? Di ko inakalang malandi ka rin palang hayop ka! Tapos ano? Sa likod ko kayo nagpapakasarap!? Mga putangina kayo!" Tinalsik ko palayo si Kisses at nasalo naman sya ni Mike

"Sumosobra ka na naman Quieona!" Sigaw ni Mike

Nagulat ako dahil hindi naman ako sinisigawan ni Mike

"S-sorry" sabi nya at nilapitan ako

Sinampal ko sya

"Ako pa ang sumosobra? Sakin mo talaga sinasabi yan? Ha Mike? Pinagmukha nyo kong tanga! Tangina mo Mike dalawang taon na sana tayo ngayon pero sinayang mo! Kasi ano? Ginagalaw mo ang bestfriend ko!?" Sabi ko

Strings and HeartsWhere stories live. Discover now