Chapter 16: Away- Bati

19.4K 497 40
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

❖❖❖

Warning: Ang temang ito ay nangangailangan ng patnubay ng magulang, at para lamang sa mga taong may maluwang na pang-unawa. Kung ayaw mong mawala ang iyong kainosentehan, please skip this page.

"Don't worry, Chinny. You can take as many day off as much as you want!" masayang salubong ni Franni kay Chinny pagkapasok nito kinabukasan. Wala naman talaga siyang pasok. Alam niyang nasa opisina si Frannie kahit Sabado o Linggo. Napagdesisyonan niyang magpaalam rito ng personal para hindi naman kahiya-hiya.

Ngunit hindi niya akalaing ito ang agad na sasalubong sa kanya, wala pa naman siyang sinasabi. At mukhang masaya pa si Frannie na lalong ipinagtataka niya. Ang alam niya, kailangan na kailangan niya siya ngayon dahil sa papalapit na hearing ng kasong hawak nila.

"Paanong alam mong magpapaalam ako?" sabi ni Chinny habang nakakunot noong nakatitig kay Franni na nakasandal sa kinauupuan nito. Unti-unting may namumuong inis sa dibdib nito para kay Markos. Alam nitong siya ang may pakana nito.

Ngumiti lang si Frannie. "Trust me, Chinny. You'll need a good, long vacation sa mga susunod pa nating kaso," sabi nito na ikinatango nalang ni Chinny. Nagpupuyos na siya sa galit kay Markos, at pinigilan nitong magsalita pa baka may masabi siyang hindi kanais-nais kay Frannie at mawalan pa siya lalo ng trabaho.

"Salamat!" medyo matigas niyang sabi na hindi napansin ni Frannie. Ibinaling na kasi nito ang pansin sa mga nagkalat na papel sa harapan niya, at mga litrato.

Umalis narin siya agad. Nawala narin ang kabang kanina nasa dibdib nito ng umalis ng kanyang condo. Tumakas lang kasi siya. Habang naliligo si Markos, agad siyang lumabas. Ayaw na kasi nitong puntahan pa siya kay Frannie, tatawagan nalang daw niya ito na hindi naman niya sinang-ayunan.

Ngayon, nagpupuyos na ako sa inis habang tinatahak ang daang pamilyar na pamilyar sa akin pauwi. Talagang malilintikan si Markos sa kanya.

Pagkaparke niya sa kanyang kotse sa kanyang garahe, agad niyang pinatay ang makina saka bumaba. Bitbit ang bag, nilock niya ang sasakyan saka nagdadabog na tinungo ang pintuan niya. Binuksan niya ito agad gamit ng susi saka itinulak itong pasara. Ibinaba nito ang bag niya sa mesang nasa gilid pati ang susi saka dumiretso sa kwarto ni Markos.

Nakita nitong may kausap ito sa cellphone niya. "Stop calling me, Tempest!" mariin nitong sabi sa kausap. Umiling naman siya habang nakapameywang na nakatingin sa likod nitong nakaharap sa kanya, habang ang isang kamay nito nakapatong sa beywang niya. Ramdam ni Chinny ang inis sa tono nito. Kahit papano, masaya siya na hindi nito nagugustuhan ang pagtawag-tawag ni Tempest.

Sumandal si Chinny sa hamba ng pintuan at pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa dibdib habang pinapanood ito. Iritadong-iritado na siya, ngunit pinigila muna nito ang sarili habang inantay itong matapos makipag-usap.

"Whatever we have, Tempest, it was over the moment you left! Now left me the fvck alone!" tiim at mapanganib nitong sabi saka pinatay ang tawag. Huminga pa ito ng malalim at pinaraanan ang mamasa masang buhok pa nito ng kanyang daliri saka unti-unting umikot para lang tumigil ito ng makita niya akong nanonood sa kanya.

Biglang naalarma ito. "That was tempest," sabi nito sa boses na parang guilting-guilty. Hindi parin maipinta ang mukha ni Chinny. Wala siyang pakialam sa usapan nilang dalawa. Ang ikinagalit lang naman nito ay ang pangunguna nito sa kanyang desisyon. Hinayaan nalang sana niyang kusa siyang magpaalam ng maayos, hindi yong siya ang gagawa nun.

"Baby, I swear, wala na kami. Ito nalang ang makulit," paliwanag nito sa natatakot na boses. Hindi parin sumasagot si Chinny. Kanina pa siya nanggigil na kalyuhin ang mukha nitong gwapong-gwapo.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now