Chapter 29: Revelations

2.6K 77 9
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

❖❖❖

       "You are Zara's bestfriend, right?" hindi makapaniwalang pagkukumpirma ni Chinny ng maalala nito ang binata habang habol ang paghinga. Mabilis na inalis nito ang pagkakaposas niya sa headboard ng kama. 

Saka bruskong itinapon nalang ni Julius ang isang puting t-shirt sa kanya na lumanding sa kanyang dibdib. Nalanghap din nito ang amoy ng sabong ginamit panglaba sa damit, at masarap ito sa ilong.

Ang kanyang pangloob at napunit kanina lang ni Lorenzo ng tangkain siyang gahasain. At iyon ang napasukan ni Julius.

"Son of a gun!" Bubulong-bulong pa ito na nakapamaywang.

"Dalian mo!" utos nito sa matigas na tinig. Kita ang galit sa mga mga nitong kulay tsokolate, at ngayon lang napansin ni Chinny na magandang lalake si Julius. At matangkad din ito. Hindi nga lang kasingtangkad ng kanyang asawa, ngunit mas matangkad sa mga ordinaryong Pilipino.

Nang makabihis si Chinny, hinawakan siya ni Julius sa palapulsuhan. "Sumunod ka sa akin, at kahit anong mangyari, wag mong iwanan ang tabi ko, naiintindihan mo?" naggawalan pa ang panga nito at alam ni Chinny na galit ito.

Kusa nalang siyang tumango kahit gusto niyang mainis rito sa pagkabrusko nitong makikipag-usap sa kanya at para siyang batang kausap.

Para itong dalagang may buwanang dalaw.

"Mga gamit ko? Saan nila dinala?" bigla'y naalala niya.

Nilingon siya ni Julius. Nakakunot ang noo. 

"Wala akong maalalang may dinalang mga gamit mo. Baka tinapon nalang nila sa daan," wala sa sariling sagot ni Julius saka nagkibit balikat.

Nainis naman siya pero hindi na siya nagkomento. Ang pinakaimportante ay ang files at laptop niya.

Iwinaksi na niya sa kanyang isip iyon. Ang importante ay makalabas sila rito ng buhay.

Nakasunod siya kay Julius, may hawak na itong baril at para silang mga magnanakaw na ingat-ingat na lumabas ng kwarto at ang mga likod nakasandig sa dingding, nagtatago kung sakaling may mga tauhan ni Lorenzo o Mauricio na dumaan at makakita sa kanila.

Malapit na sila sa hagdanan paitaas at nakahinga siya ng maluwag, ngunit agad din napawi ng biglang hinila siya ni Julius papasok sa isang madilim na silid na nilampasan nila kanina. Sumigid ang kirot sa kanyang balakang ng tumama ito sa isang mesa na nakabalandra sa dinaanan nila. Mahinang umungol siya sa munting kirot na gumapang at lumatag sa buong bahagi ng kanyang balakang.

Mahabang pasilyo din ang kanilang nilakad. May malamlam na ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag at dahil nagulat siya sa biglang paghila ni Julius, nakalimutan niyang may mesa. 

"Tigilan mo muna ang Chinny na iyon, Lorenzo!" narinig nilang galit na asik ni Mauricio.

"It's my business. Wag mong pakialaman siya," narinig niyang sagot ni Lorenzo gamit ang kaparehong tono ni Mauricio,

"Alam mong wala ng magagawa ang abogado ni Belinda. Nasa atin na si Chinny, but after that, she's mine and mine to do anything in my bidding," patuyang pahayag ni Lorenzo sa tonong hindi pinasusubalian. 

Narinig niyang patuyang tumawa ang kausap ni Lorenzo. "Don't be too sure, Mariano. Ang sabi ko ang mga galamay ni Atty Del Valle. Hindi natin alam kung ano na ang mga impormasyong nakalap ng mga iyon!" galit na angil ni Lorenzo.

"Sisihin mo ang mga inutil mong tauhan!" paangil ding sagot ni Lorenzo. "Pwede mo namang gawing madali ang lahat, kung bakit sa mahirap na daan ang tinatahak mo! Marami pa tayong problema, kung papanong makarating ang bagong shipment na walang parak nakakaamoy, sumabit kapa sa problema ng iyong kakambal, Arturo!" galit na pahayag ni Lorenzo.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Where stories live. Discover now