Chapter 13: Break

16.3K 500 39
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

❖❖❖

                NAKATITIG lang si Andreas sa anak na parang namamalikmata. Tama ba ang narinig niya? "Ano kamo?" tanong ulit ng matandang Latsis. 

"Dad, I need a break. I want to go to Maldives, and I'll bring Chinny with me," sabi ni Markos ikinakunot lalo ng noo ng Don. 

"Sandali nga, anak," biglang napaupo sa itim nitong high back executive chair saka hinarap ang nag-iisang anak na nakasandal sa itim ding leathered armchair na nasa harap ng malaki nitong mesa.

Parang wala lang naman kay Markos ang biglang pagdilim ng mukha ng ama. "Sa pagkakaalam ko, hijo. Kakaumpisa mo palang magtrabaho, at paano mo naisip na bibigyan agad kita ng off? Aba, hindi kapa nagtatagal ah? Off na agad?" biglang napalakas ang boses ng don. Umikot naman ang mga mata ni Markos. Naisip na niya iyon, pero natatakot kasi siyang baka makipagbalikan si Chinny dun sa Lorenzo na iyon.

"Dad, kailangan ko munang ilayo si Chinny. Diba gusto niyong magkabalikan kami? Then help me," sabi ni Markos at saka nito ibinaba ang isa nitong paa na nakapatong sa kabilang hita nito. Umangat naman ang kilay ng don. 

"At nakakasiguro kabang sasama sayo si Chinny?" tanong nito na parang tsina challenge siya.

Tumango naman si Markos ng walang pag-alinlangan. "Yes, dad," mabilis pa sa alas kwatrong sagot nito at may maluwang itong ngiti na lalong ikinataas ng kilay ng don.

"Paano kang nakakasiguro?" pag-uulit nito.

"Dad, she just gave me a chance and I don't want to blew it, and I don't want that Lorenzo guy will take her back. Now I need your help, please, let us go to Maldives, and I need money, too. I promised her to take her on a date, and I have nothing," biglang parang maamong tupa si Markos sa harap ng ama. 

Kahit gustuhin mang magmatigas ang don, pagkarinig nitong binigyan siya ng tsana ni Chinny, biglang nagkaroon naman ito ng pag-asa. Ito ang kanyang plano, kaya't supil ang ngiting gustong kumawala, pinakatitigan nito ang anak. 

"I'll help you this time, but don't you ever think of screwing this up, nor hurt her again. I won't think twice to disown you, Luke Markos!" matigas at madiin na babala ni Andreas sa anak nito. 

Tumango naman ito ng walang pag-alinlangan at nakita ng don ang determinasyon sa mga mata nito. 

"Alright, I'll give you back your cards, and arranged that vacation," pagsang-ayon ni Andreas sa anak at mabilis at napangiti ng malapad si Markos.

"Dad, I need it now. Susunduin ko mamaya si Chinny at dalhin sa mall," tumayo si Markos at napabuntunghiningang binuksan ng don wallet nito saka binigay ang itim nitong card, his diamond black infinite visa card. 

Lalong lumapad ang ngiti ni Markos ng mahawakan nito ang itim na infinite spending card ng ama. He never gave him that kind of credit card, and truly he realized how much he adores her. Dahil sa kanya, nahawakan na nito ang itim na card ng ama, na kahit ng ina, ay hindi nito pinapagamit.  

"Thanks, dad!" saka na tumayo si Markos. 

Ang gaan naman ng pakiramdam ni Markos na nagtrabaho. Natuwa naman ang ama nito sa naging resulta ng bagong trabahong binigay nito sa anak. 

Mag-alas singko na ng lumabas ng gusali nila si Markos. Pumipito pa itong naglakad palapit sa kotse nitong nakaparada sa tabi ng lincoln ng ama nito. Sumaludo pa ang driver ng ama nito sa kanya na binigyan din niya ng ngiti bago siya pumasok sa sasakyan nito at pinasibad na. Hindi na siya makapag-antay na makasama muli si Chinny. 

Maid For Her BRS3 (Unedited)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum