Chapter 8: Photobooth

973 57 2
                                    

Julia's POV

SA BAHAY NI DJ: 1ST DAY

Gumising kami lahat ng maaga dahil napagusapang magjojogging sa park. Okay na din si Kath at naikwento na niya kagabi siguro unti unti na siyang bumabalik mula sa pagkaka—

"Let's go na!!" Sigaw ni Kiray na nagputol sa pagiisip ko.

"Tara!" Sigaw naming lahat.

================================

"Wooh!" Hingal na hingal ang buong barkada kaya naisipan nilang mag mall pero umuwi muna syempre para mag almusal at mag ayos.

SA MALL

At sa 'di inaasahan nasa mallshow ang isa sa kakasikat lang na teen star ngayon na si Gino Dela Rosa.

Kath's POV 

Oh my gosh! Ang galing, sakto kami nasa tarpauline kanina na ang sikat at gwapong si Gino Dela Rosa ay magma-mallshow dito mamayang 5 pm. So may 5 hours pa kami para libutin 'tong malaking mall na ito at take note isa na naman tong pag mamay ari ng mga FORD-PADILLA. Edi sila na mayaman! Kung may school na ipinangalan sa surname ng mama niya (Ford Univ.) niya eto naman Padilla Mall of World take note hindi lang asia kinabog yung MOA eto world!

Edi wow! Pero huh, may mall din malapit dito mga ilang minutong lakad. Ang BMALL, ang elegant nga ng structures eh tapos yung logo parang yung sa kalaban din ng FU yung MB UNIVERSITY.

Sa limang oras na 'yun ay nagsaya lang kami. Nilibot namin lahat. Sukat dito sukat doon na ikinalungkot ng mga mukha ng mga boys. Hahaha!

Sa timezone, sa toms world, sa quantum, lahat yun triny din namin. Kumain din oras oras sa KFC, Jolibee, McDO at iba pa. I also get the chance na magbonding with my new set of friends, my own barkada.

Habang naglalakad kami ay naisipan naman ni Yen na magpapicture ng may nakitang photobooth. Hindi nakuntento sa halos 200 daan na selfie sa phone niya. Nagrequest pa. Harujusko!

"Ngek, dalawa dalawa lang pwede." Malungkot na tugon ni Yen ng makitang maliit lang ang photobooth at dalawa lang pwede. Meron pa sanang malaki pero sa kabilang dulo pa at malapit na ding magtime yung mall show, buti at may naisip si Kiray.

"Sige dahil dalawa dalawa lang, partner partner na lang at hep! Boy and girl! Mag kasama dapat kami ni Ejmyloves." Anubayan ang corny, yuck hahaha! Joke!

Pero di pala solusyon yun.nakakaloka sino kaya makakasama ko

"Ayaw ko." Sabay na sambit namin ni DJ.

"Wala namang KJ. Walang malisya diba? Unless.." Neil

"Sabi ko nga eh!" Sabay naming putol sa kung anomang sasabihin niya.

"Good idea!" Diego sabay hatak kay Julia papasok.

"So, I guess sila ang una?" Ako at napatawa na lang kaming lahat.

Patapos na ang iba at kami na lang ni DJ ang natira. Nagkatinginan kami..

"Oh wag na kayo magtinginan dyan at kayo na sunod." Sabi ng kakalabas lang na si Neil.

Eh ayaw ko talaga. sabi ko na tama hinala ko, siya pa talaga.

"Ayaw." ako

"Naginarte ka pa ha dapat nga ako ang umayaw eh." Sagot naman ni Bakulaw. Nanliit ang mata ko dun sa sinabi niya.

"At bakit?" Pataray ko ng konti.

"Hahaha! Simple dapat nagmamakaawa ka pa magpapicture sa'kin. Sa gwapo kong 'to ang daming nagmamakaawa maka isang kuha la-"

"Okay whatever." Pinutol ko na ang kayabangan niya at hinili papasok. Napanin ko namang napasmirk siya.

Sa loob ng PhotoBooth.

1st picture *click *
Nakangiti kaming dalawa.

2nd *click*
Nakatingin siya sa'kin. Bale ako lang nakatingin sa camera, siya sa'kin.

"Ang panget mo." Sabi niya.

Arrggh! Nilingon ko siya para tingnan ng masama pero..

*tsup/click*

O.o

O_O

Lumabas kami agad..

"Oh bat namumula kayo?" Tanong ni Diego.

"W-wala!" Sabay na stuttered na sagot namin.

"Ah, okay."

"Sige kunin ko na yung mga pics sa counter sa printing." Si Julia at aalis na.

"WAG!!!" Sabay na pigil namin kay Julia.

"Huh bakit?"

"Ah wala kami na lang kukuha, una na kayo sa venue. Hanap niyo na lang kami ng upuan." Sagot ko sabay..

"Tara!" Ni DJ.

At dumiretso kami sa printing..

"Akin na to."

"Akin."

"Hindi akin!"

"Akin na nga eh!"

Currently ay pinagaagawan namin yung picture namin at hoy hindi ako nakikipagagawan kasi remembrance ah. Kinukuha ko lang kasi baka ipangtrip niya sa'kin.

"Hay sige na nga sayo na yan pero penge ng isa." At kumuha siya ng isa.

"Hay buti naman." Relief kong sabi.

"Baka pagsamantalahan at halikhalikan mo yan at itabi pa sa pagtulog mo yan ah? Hahaha!" Bulong niya.

"At bakit ko gagawin yun?!" Asar na tanong ko pero this time ako yung naasar at hindi pang asar na tanong.

"Kasi I'm effin handsome and hot at isa pa nasayo yung nagkiss tayo."

Yung kiss! Sinuntok ko siya sa mukha.

"OUCH!"

Hmm that's for stealing my second kiss. (second nga ba?)

"Para san yun?!"

"Wala, tara na."

===∞================================

That's all for tonight bukas na yung iba. Habol ko na lang yung pic sa photobooth sa cp ko lang tinype 'to eh.

Congratz Kathniels sa pagiging Cover Girl and Guy.

Pinagpuyatan ko yan. Di tuloy ako nakaupdate hakhak!
Marami pang botohan buti nasingit ko to. Boto boto guys!

At ehem may bagong published ako na one shot. You can check it. :))

Thanks for waiting and reading! ;))

When Mr.Yabang Meets Ms.TapangWhere stories live. Discover now