Chapter 5: Blackslip

1K 68 4
                                    

Hindi niya mawari kung mali o tama ang naisip niya. Siguradong siya yun, ang bestfriend at pinakamamahal niya at pati na ang kinekwento niya sa mga matalik na kaibigan na nakita niya na.. at ang first ever girlfriend niya. 

"Anong nangyari?"

"Ba't parang di niya ako maalala?"

"Ba't niya ako iniwan?"

"Ano magpapanggap siyang 'di ako kilala?"

Punong puno ng tanong ang isip niya.

Bro! at tumakbo na siya papunta sa kanila.

==============================

Kath's POV 

Sabay sabay kaming pumasok at thank God, 'di pa kami late kahit halos midnight na kami nakatulog. Una kaming nagpunta sa locker at pagbukas ko may itim na papel na nakasabit o nakadikit sa mga gamit ko.

Yung parang sa Meteor Garden pero black lang.

"Pst!" Pagtawag ko kay Kiray dahil alam naman nating higit kanino pa man, siya ang pinaka ma-alam sa chismis.

"Oh, ano yun?" Tanong niya sa'kin.

Pinakita ko sa kanya yung slip, "Ano 'to?"

"Ah yan ba? 'Blackslip' lang yan, wait Oh my gosh! Binibigay kasi yan nila DJ sa mga taong ayaw nila o kadalasan kumakalaban sa kanila or epecially kay DJ. Its either umalis o magdrop ka na agad or mapipilitan ka din dahil sa mga pantitrip niya o pagpapahirap (pangbubully) na ibibigay ng mga fangirls niya, pero tropa na tayo. Baka tinatakot ka lang niya dahil sa nangyari kahapon?" Mahabang explanation niya.

Pagkatapos napansin ko na parang nagtinginan yung mga tao sa slip at sa'kin. Bwiset ka talaga, DJ!

"How's your day, Milady?" Boses mula sa likod na paniguradong si Dj. Bwiset.

"Maganda sana eh, kaya lang mukhang masisira dahil sayo pero.." Nagsmirk ako (tapang tapangan kath?) dahan dahan akong lumapit sa kanya kasabay ng dahang dahang pagpunit sa blackslip kuno niya, nung malapit na ako sakanya saktong tapos na din ako magpunit at hinagis ko ito sa mukha niya. Huh! Kala niya ah?

Sabay talikod at lumakad na.

"Julia, girls tara na!" 

Pero syempre 'di parin mawawala yung kaba, 'di natin alam kung anong kayang gawin niya at ng mga fangirls niya. PERO HA! Ako yata si Kathryn pinanganak para maging Matapang at hindi para matakot!

================================

Sa Classroom

May Dumating na teacher, lalake siya at hindi pa nagpakilala kahapon, siguro isang teacher sa MAPEH dahil kahapon ay arts at nung first day ay walang nagturo at puro introduction lang.

"Okay, goodmorning class, hindi na ako magpapakilala dahil siguradong kilala niyo na ako." Sabi niya.

Nyek! Ano yun? Pano naman kaming mga transferee? Asan ang hustisya? Gusto ko sanang sabihin "hi transferee here" pero nanahimik na lang din ako at maya maya may biglang sumagot sa tanong ko sa gilid.

"Si Mr. Cruz yan, isang mema na teacher sa music." Si Kiray 'yon, mali kayo hindi si DJ.

"Huh? Anong mema? Saka bakit naglipatan ng upuan yung iba?"

"Ewan basta! Saka tingnan mo lahat dito alam na yung una ipapagawa ni sir ay 'by partner na kakanta' at yung katabi mo na derecho 'yun." Paliwanag niya at bumalik na sa upuan.

When Mr.Yabang Meets Ms.TapangWhere stories live. Discover now