Chapter 4: DREAM

1.6K 68 3
                                    

Kath's POV

"KALA KO BA BABALIK KA?! HININTAY KITA!" May sumigaw sa'kin.

Huh? Asan ako? Wait.. ALAM KO 'TO AH—

"Parehas lang din pala kayo ni mama, lahat kayo iniiwan ako." JJ? Parang galit yung boses niya tapos biglang naging malumanay at humina.  Biglang dumilim kaya bago ko pa makita yung mukha niya wala na dilim na lang ang nakikita ko.

"Ang tagal kong nagintay, pero ngayon?! Ewan ko na."

"S-sorry." Mahina kong banggit naiiyak na ako.

"Sorry, sorry, sorry." Humahagulgol na ako. Hindi ko na kaya! Naramdaman kong parang nagpanic siya tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

"Shh. Tahan na. Sige okay na, nandito ka na wag ka na aalis ulit, 'wag mo na ako uli iwanan."

"KATH!"

"KATH!"

"KATH?!"

Nagising ako. Hinihingal ako tapos parang umiyak. Panaginip lang pala..

"KATH! KATH! Okay ka lang ba?" Hindi ko napansin na andito na pala si Julia. Nagh-hysterical na siya, naramdaman niyang hindi ko siya sasagutin kaya niyakap niya na lang ako.

"Shh. Stop crying it's just a dream."  Sinasabi niya 'yan paulit ulit habang nakayakap sa akin.

Maya maya kumalma na din ako. Wala nga palang alam si Julia na kahit ano tungkol dun sa friendship namin ni JJ. Sumeryoso siya bigla.

"Bes alam ko bilang bestfriend mo, dahil ang bestfriend alam niya kung may tinatago ba ang bestfriend niya. Alam ko bes, parang lagi kang may iniisip hindi ko lang maitanong dahil baka hindi ka pa handa pero bes I'm just thinking na baka ngayon pwede na? Kasi mas mahihirapan ka lang at try mo i-share. I swear gagaan ang pakiramdam mo.. Diba bestfriend 'no secret?'" Ngumiti siya na parang naiiyak na rin.

FLASHBACK

"Thank you talaga ah sa pagliligtas mo sakin from those bullies." Pagpapasalamat ng batang babae sa pagliligtas ko sa kanya sa nambubully sa kanya.

"Okay lang 'yun." Ngiti ko sa kanya.

"Julia," sabay hand out ng kamay niya sakin.

"Chandria, Chacha na lang...friends?"

Nag pout siya, "Dapat bestfriend."

"Hahaha okay, bestfriend?"

Ngumiti siya sa'kin, "Bestfriend."

"Bestfriend no secrets?" Dagdag niya pa.

"No secret." Sagot ko ng nakangiti.

FLASHBACK ENDS. . .

Naguilty naman ako nun. Nung bata pa kami lagi kaming nagp-promise na...

"Bestfriends are sisters, you and I should have no secrets." Sabay naming nabanggit ni Julia tapos napatawa kami pagkatapos.

"Bes, sorry kung naglihim ako sayo ah?" Tapos kwinento ko sa kanya lahat ng dapat ikwento.

(A/N: Bale mas marami na po ang alam ni Julia kaysa sa inyo, kasi para sa inyo uuntiuntiin natin yung flashbacks.)

Pagkatapos ng mahabang kwento...

"Buti naman nakwento mo na sa'kin yan, dati din sa US may ikwekwento ka dapat sakin eh kasi alam ko may nangyari bago ako nakasunod pero dahil—"

*KRING~ KRING~* nag alarm ulit yung alarm clock ko na pinindot ko kanina.

"Shocks bes may pasok nga pala tayo!" At dali dali akong tumayo at pumasok sa banyo. Good thing hindi ko na kailangan pumila katulad sa ibang dorm, may sariling akong banyo sa kwarto at wala akong kasama dito. Onti lang kaming ganun dito dahil nga may naipon kami ni Auntie don sa US diba?

When Mr.Yabang Meets Ms.TapangWhere stories live. Discover now