Yup! Mutya ang inilagay nila. Hindi ako, kasi hindi ko naman alam ang ibig sabihin nun. Kailangan daw kasing mabilis akong makilala para alam nung magreregalo. Dahil nga ako lang ang babae.

Paglapit ko kay Rory para kunin yung regalo ko, agad ko sya'ng tinanung.

"Anu nga ulit meaning ng Mutya?"

"Mutya means... Muse." Mabilis nyang sagot sakin.

"Bakit yun?" Tanung ko ulit.

"Kasi ikaw ang muse namin... Ang muse ng Section E." Singit ni Ci-N na kasalukuya'ng inaalog yung box ng regalong nakuha nya.

"Bakit hindi nalang Queen?" Biglang tanung ni Felix habang kumakain.

"Hindi bagay kay Jay-jay maging reyna." Biglang sabi ni Eren kaya tinignan ko sya ng masama.

Pero may punto sya dun. Hindi nga bagay sakin maging reyna at ayoko rin naman nun.

"Tsaka pagsinabing Queen... May King." Sabi ni Blaster at biglang tumingin kay Keifer.

Kay Keifer talaga?

Sabagay, binansagan ko nga din pala sya'ng Hari. Hari ng mga ulupong.

"Kaya Mutya nalang... Mas bagay pa." Sabi ni Rory habang nakangiti.

Ngumiti din ako sa kanya. "Mas bagay nga at mas gusto ko yun." Bumalik ako sa kinalalagyan ko kanina at binaba yung box sa lamesa.

Nagtawag ulit ng pangalan si Rory. Nakatuon pa rin yung atensyon ko sa code name na nakasulat sa balot ng regalo.

Mutya....

Ang sarap nga'ng pakinggan. Hindi na maalis yung ngiti ko sa labi dahil sa word na yun.

Pero naagaw ang atensyon ko ng tawagin yung bluetooth. Tumayo pa ko para lang makita sya ng maayos.

Teka!

Naku lagot! Si Keifer yung bluetooth? Hala! Hindi ko naisip yun. Kalokohan pa naman yung niregalo ko. Patay na! Nakakahiya ako nito! Lalu na kapag nalaman nilang ako yung nagbigay nun.

"Keifer..." Tawag ni Rory sa kanya. "...Bakit naman bluetooth?"

"The word bluetooth were taken after King Harald Blåtand. I use it since i'm the King, remember?" Mabilis nyang sagot sabay tingin sakin.

Aaaahhhhhhh!!! Ang talino naman nitong Kumag na to. Trivia yun, astig!

Pero next time na ko ma-amaze sa trivia nya. Dahil nag-aalala ko sa regalo ko. Buti nalang pare-pareho ng balot yung mga regalo namin.

Malakas nga lang ang pakiramdam ko na alam ni Keifer na ako yung nagbigay nung regalo. Syempre! Sya pa, meron nga sya'ng motto ng bangko.

"Ready na!" Sigaw ni Rory. "...Sabay-sabay na nating buksan ang mga regalo!"

Excited na binuksan nila Ci-N yung mga regalo nila. Halata ang tuwa njng iba pero dismaya naman sa iba.

"Sino'ng gago ang nagbigay sakin nito?!" Galit na sabi ni Calix habang hawak hawak yung nakuha nya'ng isang box ng.....condom?

Malakas na tawanan ang sinagot namin sa kanya dahilan para mamula sya. Umiwas naman si Mica ng tingin habang pilit pinipigilan ang pagtawa.

"Anu'ng connect ng something naughty sa sinturon?" Tanung ni Edrix.

"Hahaha... Kapag daw makulit paluin ng sinturon." Sabi ni Ci-N habang pinagtatawanan si Edrix.

"Tang'na naman... Parang hindi nag-isip yung nagbigay nito." Inis na sabi ni Edrix.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon