Chapter 3

7 0 0
                                    

"Cleo gusto mo kumain bago tayo pumunta sa taas?" wika ni Cassie habang hawak hawak yung libro niya.

"Dala nalang tayo ng pagkain sa taas."

"Sabagay. Uy, may chika pala ako sayo." sabi niya na parang excited na excited siya.

Lumapit siya sa ref tsaka kumuha na rin ng napakaraming pagkain tsaka inumin.

"Tara sis."

Pumunta na kami sa taas tsaka pumasok na kami sa kwarto niya. Napaka-cool ng kwarto niya kasi yung design pang-star wars eh.

Mahilig kasi siya sa mga movies na ganun.

Linagay ko na yung bag ko sa kama niya tsaka na-upo kaming dalawa.

Nag-play siya ng music. Mahinang tugtog lang.

"Cleo, may ipapakilala pala ako sayo. Yung pinsan kong nasa kabilang kwarto lang."saad niya habang nakasmile.

Hindi ako sure kung sasabihan ko siya ng oo o hindi kasi ewan, may ibang kutob kasi ako eh.

Hindi ko lang malaman.

Kaya nagsmile nalang ako at napailing.

"Nako! Irereto talaga kita. Pogi nun bes. Sayang nga, kasi pinsan ko eh."sabi niya habang umiiling.

Agad ko siyang binatukan tsaka kinurot.

"ARAYYYY!" malakas na sigaw ni Cassie.

"Ikaw kasi eh, ang landi landi mo. Pati pinsan mo pinagnanasaan mo eh." sabi ko habang kinukuha ko  libro. Tinuro turo ko pa nga siya eh.

"OA neto! Para ganun lang? Eh, ang ibig sabihin ko. Gusto kong maging kayo noh. Sayang kasi matangkad, pogi, at matalino."

Loka loka talaga tong si Cassie eh. Hindi ko nalang sinagot.

"Haynako. Ms. Cleo Torres! NBSB ka ba forever?" wika niya habang kumukuha ng drinks at napatingin sa akin.

"Ms. Cassie Lagman, hindi po. Pero hindi pa po ako sigurado. Okay?" sagot ko sa kanya habang sinasagutan ko yung assignment ko at kumukuha ng Cheetos.

"Ehhh, yung pinsan ko. Sure akong bet na bet mo. Bet ko nga eh, ikaw pa kaya?" saad niya habang naka pamewang.

Tong babae talaga! Napa-arghhhh nalang ako sa kanya.

Sino kaya tong pinsan niyang pinipilit niya sa akin?

Grabe naman kung maka bet at asar tong si Cassie eh.

*bzzzt

Cellphone ko yun ah. Asan na kaya yun?

Hinanap ko siya sa bag pero wala. Nakita ko yung pangiti ngiti ni Cassie.

Sht. Yung phone ko nakuha niya.

Nagtitigan kami tsaka tumayo si Cassie at napatayo na rin ako.

Patay! Baka, si Grey yung nagtext at magtampo tong si Cassie kasi nakalimutan kong ishare sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The StrangerWhere stories live. Discover now