NMTFTW 5

73 3 3
                                    

ETHAN'S POV

Kalalabas ko lang ng Principal's Office dahil nautusan akong magpapirma nang may marinig akong tumatawag sa'kin.

"Ethaaaaaaaan."

Pagtingin ko sa pinanggagalingan ng boses, nakita kong nakatayo sa labas ng gate si Jazz at kinakawayan ako.

Tinawagan ko naman kaagad yung number niya para malaman kung bakit andun siya.

"Hello Jazz, Jazz!"

"Ui Ethan. Anong gagawin ko? Late ako."

"Ayan kasi, bakit ka ba kasi late?"

"Eh ang traffic traffic kaya."

"Neh? Panu yan? Eh may quiz ata tau ngayon kay Ma'am Coleco."

"Oh? Asar naman oh. Anung gagawin ko?"

"Teka, teka may naisip ako. Ako na bahala."

"Sigurado ka diyan ha?"

"Oo. Leave it to me baby."

Aba at tinawanan lang ako ng tinawanan. Dahil nga sa natatanaw ko siya. Para kaming tanga dito na nakikita ang isa't isa pero nagtatawagan pa. Hindi kasi ko pwedeng lumapit sa gate kasi mahigpit masyado yung guard.

Pero hayaan na nga. Kailangang makapasok ni Jazz. Nilapitan ko na si Manong Guard para isagawa ang plano ko. Ipagdasal niyo na maniwala si Manong Guard sa mga sasabihin ko.

"Ah, Manong Guard. May pakiusap po sana ako."

"Oh anu yun?"

"Baka naman po pwede niyo pong papasukin yung babaeng yon." sabay turo ko kay Jazz na takang-taka ang itsura kung bakit ko siya tinuro kay Manong Guard. Hindi niya kasi kami naririnig. Malayo kasi siya dahil nga marami pang ibang estudyante na nasa harapan niya na late din.

"Hindi pwede. Late siya eh, unfair yun sa iba."

"Manong, sige naman na oh. Nagmamakaawa ako." at siyempre kailangan kong umarte na parang totoo ang mga sinasabi ko.

"Hindi nga pwede. Ang kulit mo pala eh. Bakit ba gustong-gusto mong mapapasok yun?"

Manong guard, kung ayaw mong madaan sa pakiusapan. Daanin natin sa sinungalingan.

"Eh Manong Guard, girlfriend ko po yun eh."

At muli kong tiningnan si Jazz na walang kaalam-alam sa mga pinagsasasabi ko.

"Eh ano ngayon kung girlfriend mo? Late pa rin cia."

"Eh may problema po kasi kami. Kailangan naming mag-usap."

"Mamaya mo na lang kausapin."

"Eh manong, isang linggo na po kaming hindi nag-uusap. May kasalanan po ako sa kanya. Pls. manong kailangan ko na po talaga siya makausap."

"Pasensya ka na pate ah. Ako kasi makakagalitan pag pinapasok ko ang girlfriend mo. Mamaya mo na lang ayusin ang problema niyo."

Manong naman oh. Ayaw pa kasing pumayag, lalong nadadagdagan kasalanan ko nito eh.

Tiningnan ko naman ulit si Jazz at nakita kong umiling siya na ang ibig sabihin eh wag ko ng kulitin pa si Manong. Sorry Jazz, naumpisahan ko na eh, pangangatawanan ko na ang pagsisinungaling ko, hindi mo naman malalaman eh.

"Manong Guard, please po. Maawa kayo. Kakayanin po ba ng konsensiya niyo na dahil sa hindi kami nakapag-usap kaagad eh makikipagbreak siya sakin. Manong, kahit ngayon lang po talaga. Pramis, last time na po talaga. Hindi ko po kakayanin kapag nakipagbreak sa'kin ang girlfriend ko. Mahal na mahal ko po siya."

Never Meant to Feel This WayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum